20XX Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita . Ito’y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi . Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa .
Uri ng pandiwa 20XX PALIPAT ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga , sa , sa mga , kay, o kina. Halimbawa : Si Hephaestos ay lumilok ng babae . Siya ay kanilang sinuotan ng damit at koronang ginto .
20XX KATAWANIN ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos at nakatatayo na itong mag-isa. Halimbawa : - pandiwang naglalahad lamang ng kilos, Gawain o pangyayari Nabuhay si Pandora. - pandiwang palikas na walang simuno Umuulan ! Lumilindol !
Aspekto ng pandiwa 20XX Aspektong Naganap o Perpektibo - ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos. Halimbawa : Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Ephimetheus . Aspektong katatapos – bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay katatapos pa lang gawin o mangyari . Sa pagbuo nito’y idinudugtong ang panglaping ka- at inuulit ang unang pantig ng salita .
20XX Halimbawa : Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon subalit binuksan pa rin niya ito . 2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo Ito ay nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o kaya’y patuloy na nangyayari . Halimabawa : Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa . 3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo Ito’y nagsasaad na nag kilos ay hindi pa isinasagawa o gagawin pa lang. Halimbawa : Darating ang pag-asa basta’t maghintay ka lamang .