pangatnig.................................pptx

LorninoGabriel1 0 views 21 slides Oct 13, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

pangatnig


Slide Content

Aralin: PANGATNIG at TRANSITIVE DEVICE

MGA LAYUNIN: 1 Naipamamalas ng mga mag- aaral ang kakayahang komunikatibo sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating akademik para sa iba't ibang layunin . 2 Nakapagsusulat ang mga mag- aaral ng mga sulating nagpapahayag ng sariling pananaw , obserbasyon , at karanasan na may maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya at gamit ang angkop na mga pag-ugnay

Ano ang PANGATNIG? Bahagi ng pananalita na nag- uugnay ng dalawang salita , parirala , o sugnay sa isang pangungusap . Upang pagdugtungin o ipakita ang relasyon ng dalawang bahagi ng pangungusap .

Ano ang TRANSITIVE DEVICE? Mga parirala o salita na ginagamit upang magpalinaw , mag- ugnay , o magpahayag ng pagbabago sa ideya sa pagitan ng mga pangungusap o talata . Ginagamit ito sa mas malawak na konteksto , lalo na sa pagsulat ng sanaysay o talumpati . Upang pagdugtungin o ayusin ang daloy ng kaisipan sa pagitan ng mga pangungusap o talata .

PANGATNIG TRANSITIVE DEVICE Bahagi ng pananalita Parirala o ekspresyon Ugnayan ng mga bahagi ng isang pangungusap Ugnayan ng buong pangungusap o talata

Pantuwang Ginagamit upang mag- ugnay ng mga magkakapantay na salita , p arirala , o sugnay . at, p ati , saka , gayundin , maging Halimbawa : Si Ana at si Maria ay pupunta sa palengke . Gusto ko ng mangga pati saging .

Paninsay Ginagamit upang ipakita ang pagsalungat ng dalawang kaisipan . ngunit , subalit , datapwat , bagaman , kahit na , samantala Gusto kong lumabas , ngunit umuulan . Nag- aral siya nang mabuti , subalit mababa pa rin ang kanyang marka .

Pananhi Ginagamit upang ipakita ang dahilan o sanhi ng kilos. dahil , sapagkat , kasi, palibhasa Halimbawa : Hindi siya pumasok dahil may sakit siya . Sapagkat gabi na , umuwi na kami.

Panlinaw Ginagamit upang ipaliwanag o liwanagin ang sinabi . kaya, kung gayon , samakatuwid , sa madaling sabi Halimbawa : Umuulan , kaya hindi natuloy ang lakad . Mataas ang kanyang marka , kung gayon pasado siya .

Panapos Ginagamit upang magbigay ng wakas o pangwakas na pahayag sa isang usapan o talata . sa wakas, sa lahat ng ito , bilang pagtatapos , sa kabuuan Halimbawa : Sa wakas, natapos din namin ang proyekto . Bilang pagtatapos , nais naming magpasalamat sa lahat.

Masarap ang ulam, ___ marami ang kumain. A. ngunit B. kaya C. bagaman D. habang ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 1

Gusto kong pumunta sa pasyalan, ___ walang nag-imbita sa akin. A. subalit B. kaya C. at D. saka ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 2

Si Aling Rosa ay naglaba ___ nagluto sa umaga. A. sapagkat B. ngunit C. at D. bagaman ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 3

Hindi siya nakapasok sa klase ___ siya ay may lagnat. A. ngunit B. kaya C. dahil D. saka ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 4

Naglinis kami ng silid-aralan. ___ nagtanim din kami sa bakuran. A. Bilang pagtatapos B. Sa wakas C. Bukod dito D. Gayunpaman ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 5

Gusto niyang maging abogado, ___ nagsisikap siya sa pag-aaral. A. kung gayon B. subalit C. bagaman D. samantala ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 6

Maulan na nga, ___ lumalakas pa ang hangin. A. kaya B. saka C. sa madaling sabi D. bukod dito ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 7

Mahirap ang buhay noon. ___, nagsikap ang kanilang pamilya upang umasenso. A. Sa madaling sabi B. Sa kabilang banda C. Gayunpaman D. Bilang paglilinaw ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 8

Tumigil sa pag-awit ang bata ___ nawala ang kuryente. A. at B. kaya C. habang D. sapagkat ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 9

Natapos na ang talakayan. ___, inaasahang masasagutan ng mga mag-aaral ang pagsusulit. A. Bilang pagtatapos B. Gayunpaman C. Sa kabilang banda D. Samantala ➤ Uri: ___________ Panuto A: Piliin ang pinakaangkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Tukuyin kung anong uri ang pangatnig ang ginamit. 10

Pahingi po ng tubig. Sagot Kategorya (Uri ng Pangatnig /Transitional Device) B – kaya Panlinaw A – subalit Paninsay C – at Pantuwang C – dahil Pananhi C – Bukod dito Pantuwang (transitional) A – kung gayon Panlinaw D – bukod dito Pantuwang (transitional) C – Gayunpaman Paninsay D – sapagkat Pananhi A – Bilang pagtatapos Panapos
Tags