Mula sa:
Bienvenido Lumbera, Whiting the Nation / Pag-akda ng Bansa, Quezon City: University
‘of the Philippines Press. 2000. pp. 162-165,
Panitikang Panrehiyon, Panitikang Pambansa:
Magkabukod at Magkarugtong
sang problematikong humihingi ng maagap at masusing pagsusuri
ang relasyon ng panitikang panrehiyon at panitikang pambansa.
Sa nagdaang ilang panahon ng pananaliksik, pagsusuri at
pagtuturo ng panitikan ng Pilipinas, may mga akdang nasimulang
ituring na nakaposisyon sa sentro at, samakatwid, iginagalang bilang
mga obrang kumakatawan sa pinakamahuhusay at pinaka-
makabuluhang halimbawa ng mga nasulat ng mga Filipino. Sa
diskursong pangkritisismo ng ating panahon, ang nasabing mga akda
ang siyang bumubuo sa “kanon” ng panitikan ng Pilipinas. °
Atin munang ipaloob ang salita sa mga panipi. Kailangan pa
kasing suriin kung wasto nga bang tawaging “kann” ang kalipunan
ng mga akdang nabanggit. Tandaan lamang natin na ang mga akda
at ang kanilang mga awtor ay napatanyag sa pamamagitan ng sistema
ng edukasyon sa ating matataas na paaralan at kolehiyo. Ilang
Kenerasyon ng mga teksbuk para sa pag-aaral ng mga akdang Filipino
ang paulit-ulit na nagtampok sa mga manunulat na katulad nina
Francisco Baltazar, Lope K. Santos, Valeriano Hernandez Peña,
Fernando Ma. Guerrero, Jose Garcia Villa, at Paz Marquez Benitez
(sa mga nauna), at Alejandro G. Abadilla, Macario Pineda, Arturo B.
Rotor, Manuel E. Arguilla, Jesus Balmori at Amado V. Hernandez
(ilan sa mga sumunod). Sa ganyan kasimpleng proseso, nagsimulang
mabuo ang matatawag nating “kanon.” Ngayo'y kailangan na nating
balikan ang mga batayan kung bakit ang mga manunulat na ito ang
napatampok sa “kanon’ at hindi ang iba, kung bakit tatlong panitikan
lamang (Tagalog, Ingles at Espanyol) ang may kinatawan sa “kanong”
iyan. Ang lalong makalagang tanong para sa okasyon ay kung bakit
hindi nakapasok sa “kanon” ang mga awtor na sa wikang rehiyonal
nagsulat. Ang naiwang impresyon tuloy sa ilang henerasyon ng mga
Literature Panitikan los
estudyante ay walang puwang sa "kanon” para sa mga manunulat
sa mga rehiyonal na wika.
‘Ang “kanon” na inilarawan sa itaas, sa kapangyarihan ng sistema
ng edukasyon at sa bisa ng pag-uulit, ay itinuturing na siya mismong
“Panitikang Pambansa.” Isang katiwalian ang ganyan dahil marami
pang awtor mula sa iba-ibang panitikang panrehiyon ang naiiwan sa
labas ng “kanon.” Bago maikapit ang katangiang ‘pambansa” sa
-panitikang binubuo ng mga akdang kabilang sa kasalukuyang
“kanon,” kailangan nitong sumalamin sa kabuuan ng mga akdang
likha ng mga Filipinong mula sa iba’t ibang panahon at wika.>
Saksi ang maraming manunulat at guro sa realidad na pumipigil
sa madaliang pagpasok ng mga akda mula sa mga rehiyon. Hanggang
ngayon na marami nang mulat na sa kahalagahan ng panitikang
panrehiyon, ay mabagal pa rin ang pagpasok ng mga manunulat na
panrehiyon sa mga teksbuk na ginagamit sa mga paaralan. Dapat
alalahanin na nito ma lamang dekada 80 naging malaganap sa
akademya sa sentro (Kamaynilaan) ang kamalayang nagpapahalaga
sa mga akdang nasusulat sa mga wikang Filipinong bukod sa Tagalog,
Nasimulan na ang masigasig na pagtitipon sa mga akdang bernakular-
sa mga institusyong tulad ng Cebuano Studies Center, Visayan
Studies Center, at iba pa. Subalit iilan pa rin ang mga kritikong
lumilitaw na may sapat nang kasanayan sa pag-uuri-uri at pagsusuri
sa mga akdang natipon, sa dahilang ang mga iskolar, na siyang may
pagsapol sa kasaysayan at kontekstong panlipunan, ay hindi laging
handang gumanap sa tungkulin ng kritiko.
Napag-ukulan ko ng paglilimi sa unang pagkakataon ang
relasyong panrehiyon-pambansa sa panitikan, nang maging bahagi
ako ng pagsisikap na linawin para sa CCP Writing Grants Program
ang pagkakaiba ng wikang Tagalog sa wikang Filipino. Nagsimula
iyon sa pagtatanong: Ang pagkakaiba ba ng Tagalog sa Filipino ay
usapin lamang ng bokabularyong hiniram o ng istraktyur ng wika?
Natuklasan kong ang pagkakaiba ay usapin din ng kulturang pinag-
‘ugatan ng wika, dahil panitikang panrehiyon ang panitikang Tagalog,
na sa isang paglihis ng kasaysayan ay itinuring na ring “panitikang
pambansa.”
Bunga ng ganoong pagkatuklas, naging panawagan ng isa kong
maikling sanaysay ang “Ibalik sa rehiyon ang panitikang Tagalog.”
Sa isang bahagi ng nasabing sanaysay, ganito ang sinabi ko tungkol
sa “panrehiyon” at “pambansa”