Pilosopiyang-Pragmatismo sa Fiilipino subject

excelynrelacion11 0 views 11 slides Oct 26, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

Pragmatismo


Slide Content

PILOSOPIYANG PRAGMATISMO

PILOSOPIYANG PRAGMATISMO? - isang pananaw sa pilosopiya na nagsasabing ang halaga o katotohanan ng isang ideya ay nasusukat sa praktikal na epekto nito sa tunay na buhay. Hindi lamang mahalaga ang teorya o pag-iisip tungkol sa isang bagay, kundi ang kung paano ito naisasagawa at nagdudulot ng positibong resulta sa pang-araw-araw na karanasan. Halimbawa : Kapag sinusuri ang bisa ng isang gamot, mas mahalaga kung paano ito nakatutulong sa paggaling ng pasyente sa totoong buhay kaysa sa teorya lamang sa papel.

A. MGA TAGAPAGTAUYOD 1. CHARLES SANDERS PEIRCE 2. WILLIAM JAMES 3. JOHN DEWEY

A. MGA TAGAPAGTAUYOD CHARLES SANDERS PEIRCE - Isang American scientist, mathematician, logician, and philosopher na minsang kilala bilang “Ama ng Pragmatismo ." - Siya ang naglatag ng batayan ng pragmatismo sa pamamagitan ng "Pragmatic Maxim," na nagsasabing ang kahulugan ng ideya ay nakabase sa epekto nito sa praktikal na buhay. Halimbawa : Sa agham, ginagamit ang prinsipyo niya para suriin ang bisa ng mga teorya sa pamamagitan ng mga eksperimento.

A. MGA TAGAPAGTAUYOD WILLIAM JAMES - an American philosopher and psychologist. - Pinalawak ang pragmatismo na nakatuon sa pagtingin sa katotohanan bilang kung ano ang nagdudulot ng kapakinabangan sa tao. Halimbawa : Sa moralidad, ang isang paniniwala ay itinuturing na totoo kung nagpo-provide ito ng positibong epekto sa buhay ng tao.

A. MGA TAGAPAGTAUYOD JOHN DEWEY an American philosopher, psychologist, and educational reformer . Inilapat niya ang pragmatismo sa edukasyon, pinaniniwalaan na ang pagkatuto ay nagmumula sa aktwal na karanasan at paggawa. Halimbawa : Sa paaralan, paggamit ng hands-on activities at proyekto upang mas maintindihan ang mga aralin.

B. MGA NAPAPANAHONG ISYU COVID-19 Pandemic at Flexible Learning Sa panahon ng pandemya, naging mahalaga ang paggamit ng online classes at self-paced learning upang matugunan ang mga limitasyon ng pisikal na pag-aaral. Halimbawa: Pagsasagawa ng virtual na klase at paggamit ng multimedia materials. Pag-unlad ng Teknolohiya Pinapahalagahan ang aplikasyon ng kaalaman gamit ang teknolohiya tulad ng virtual labs at online collaboration. Halimbawa : Paggamit ng mga interactive apps sa science experiments. Pagtugon sa Real-World Problems Pagbibigay diin sa mga solusyon na praktikal gamit ang community-based projects. Halimbawa: Pagtulong sa barangay sa pamamagitan ng mga proyekto ukol sa kalinisan at kalikasan.

C. TUNGKULIN NG GURO Facilitator ng Karanasan Hindi lang tagapaghatid ng impormasyon kundi tagapagdisenyo ng mga gawain para sa aktibong pagkatuto. Halimbawa: Pagbibigay ng case studies at problema na may kaugnayan sa totoong buhay. Paggamit ng Socratic Method at Kritikal na Pag-iisip Pagsusulit o pagtatanong upang himukin ang pagpapalalim ng pang-unawa ng mga estudyante. Halimbawa: Pagtatanong ng “Bakit?” at “Paano mo ito magagamit?” Pagbibigay Kalayaan sa Mag- aaral Pagbibigay ng mga grupo o proyekto kung saan ang mag-aaral ay may responsibilidad at kalayaan sa pagdedesisyon. Halimbawa: Pagbuo ng mga action plan para sa proyekto sa klase.

D. TUNGKULIN NG MAG-AARAL 1 Aktibong Pakikilahok Hindi pasibong nakikinig kundi aktibo sa diskusyon at gawain. Halimbawa : Pakikipagtulungan sa mga groupdiscussions at presentasyon. 2 Pagbuo ng Sariling Kaalaman Pagsusuri at paglalapat ng mga natutunan sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa : Pagre-reflect sa mga proyekto na ginagawa para mas maintindihan ang leksyon. 3 Pagsusuri at Pag-aangkop Kakayahang suriin ang resulta ng kanilang ginawa at mag-adjust kung kinakailangan. Halimbawa : Pagpaplano kung paano mapapabuti ang proyekto base sa feedback ng guro at kaklase.

KONGKLUSYON Ang Pilosopiyang Pragmatismo ay naniniwala na ang halaga ng isang ideya ay nakasalalay sa kapakinabangan nito sa tunay na buhay . Sa edukasyon , tinutulungan nito ang mga guro at mag- aaral na maging mas epektibo sa pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng aktibong karanasan , aplikasyon ng natutunan , at pagtutok sa mga praktikal na solusyon sa mga hamon ng makabagong panahon .

Maraming Salamat!
Tags