Panuto : Punan ng tamang sagot ang patlang . Hanapin ang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba .
• Upang masagutan nang tama ang mga katanungan sa binasang teksto , kinakailangang (1) _________ at unawain mo ito nang (2) _________. mabuti impormasyon reaksyon mabili basahin makinig makinig mabuti
• Upang makuha naman ang wastong sagot sa bawat katanungan ng napakinggan teskto , kinakailangang (3) _________ at unawain nang mabuti ang _____________ pinakikinggan . Mas makabubuti kung isususlat mo ang mahalagang ______________ mula sa pinakikinggan . Iwasan rin ang pagbibigay ng (5) _________ habang hindi pa tapos ang pinakikinggan . mabuti impormasyon reaksyon mabili basahin makinig basahin reaksyon impormasyon mabili
Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Basahi n Mo!
Basahin ang isinulat ni Maria sa loob ng limang araw .
Linggo , Marso 8 Walang pasok sa paaralan ngunit kaming mga nasa ikalimang baitang ay hiniling na magtungo sa Paaralan para magtanim . Bawat isa sa amin ay nagdala ng punla .
Lunes, Marso 9 May panauhin kami mula sa DepEd. Pinulong niya ang lahat ng nasa ikalimang baitang . Pinapili kami ng aklat na gusto naming mabasa . Sinabi niya na may programa ang DepEd at sila ay mamimigay ng libreng aklat sa lahat ng mga estudyante .
Martes, Marso 10 Nagpulong ang lahat ng manunulat ng pahayagang pampaaralan . Pinagsusumite na kami ng mga orihinal naming balita at akda para mailaga ito sa pahayagan .
Miyerkules , Marso 11 Ipinatawag ako ng aming punong- guro . Sa harap niya at ng lahat ng mga guro ay binati nila ako at sinabing nanalo ang aking isinulat na Balitang Editoryal sa pangrehiyong paligsahan ng gintong parangal . Labis-labis ang tuwa na aking naramdaman .
Huwebes , Marso 12 Nagsulat ako ng lathalain na nagtatampok sa aking pagkapanalo . Upang mabigyan ng inspirasyon ang mga katulad kong estudyante . Isasama ito sa publikasyon ng pahayagang pampaaralan sa pagtatapos ng klase .
Pag- uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
Maglaro Tayo!
Tanong Ko, Sagot Mo
Panuto : Mula sa nabasang pahayag . Sagutin ang mga sumusunod na katanungan .
Sino ang tagapagsalaysay sa talaarawan ?
Ayon sa talaarawan nasa anong baitang ang tagapagsalaysay ?
Anong ginawa ng tagapagsalaysay sa araw ng linggo ?
Kailan nabalitaan ng tagapagsalaysay na siya ay nanalo sa isang kompetisyon ?
Ayon sa tagapagsalaysay ano ang kanyang nakamit na parangal ?
Batay sa talaarawan , anong uri ng estudyante ang tagapagsalaysay ?
Anong sangay ng gobyerno ang dumalaw sa paaralan nila noong ika-9 ng Marso ?
Anong programa ang ginawa ng DepEd para sa paaralan ng tagapagsalaysay ?
Anong parte ng pahayagang pampaaralan ang isusulat ng tagapagsalaysay upang makapagbigay inspirasyon sa mga katulad niya ?
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Itanim sa Isip !
Ang talaarawan ay ang araw-araw na pagtatala ng mga karanasan o pagmamasid ng isang tao .
Ang pagsulat ng mga pang- araw - araw na karanasan ay nakatutulong nang malaki sa paglinang ng kakayahan sa malikhaing pagsulat . Karaniwan ding ang taong nagsusulat ng talaarawan o journal ay nagiging mapagmasid sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid . Isa rin itong mabisang paraan upang mailabas ang damdamin ng may- akda .
Ang tawag dito ay talaarawan . Pansinin mo ang salitang talaarawan . Napuna mo ba ang pagtatambal ng mga salitang tala at araw ? Kasi, ang talaarawan ay tala ng mga pangyayaring nagaganap araw-araw .
Malinaw na sa iyo ang kahulugan at mga elemento sa pagsulat ng talaarawan . May mga hakbang sa pagsulat ng iyong sariling talaarawan . Ito ay ang: 1. Kumuha ng isang kuwaderno na gagamitin sa pagtatala . 2. Isipin ang mahahalagang petsa at itala ayon sa pagkakasunud-sunod . 3. Itala ang mahahalagang pangyayaring naganap sa ilalim ng mga petsa ayon sa pagkakasunud-sunod .
Sa pagsusulat ng talaarawan maaaring gumamit ng mga patalinhagang salita , isa na rito ang sawikain .
Ang sawikain ay mga salitang patalinhaga na karaniwang ginagamit sa arawaraw . Ito ay nagbibigay ng di- tiyak ang kahulugan ng salitang isinasaad nito . Halimbawa : itaga sa bato ( tandaan ) mababa ang loob ( maawain )
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Maglaro Tayo!
Punan Mo!
Panuto : Basahin ang pangungusap . Isulat sa sagutang papel ang maaaring maganap na mga pangyayari sa pangalawang araw para makabuo ng isang journal.
Maglaro Tayo!
Salungguhitan Mo!
Panuto : Basahin ng mabuti ang mga pangungusap . Salungguhitan ang mga sawikaing ginamit sa bawat pangungusap .
1. Agaw-dilim nang umuwi si Larry sa bahay . 2. Ang magkakaibigang sina Ana, Karen at Nina ay mga anak-dalita na nakatira sa iskuwater . 3. Magaling sa balitang-kutsero si Aling Nena. 4. Abot-tanaw ko na ang tahanan ng aking lola . 5. Amoy- tsiko nang umuwi si Alex sa kanilang bahay na ikinagalit ng kanyang ina .
6. Bukal sa loob ni Karol ang pagtulong sa mga nangangailangan . 7. Si Mario ay nagsusunog ng kilay para makapasa sa kanyang pagsusulit . 8. Hindi lahat ng mayaman ay asal-hayop . 9. Balat-kalabaw na talaga ang mag- inang iyon kahit noon pa man. 10. Si Mara ay may busilak na puso.
Paglinang sa Kabihasnan
PANGKATANG GAWAIN
PANGKAT 1 TEAM ARTS Panuto : Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng iyong natutuhan mula sa araling ngayong araw .
PANGKAT 2 TEAM MUSIC Panuto : Gumawa ng isang awitin na nagpapakita ng iyong natutuhan mula sa araling ngayong araw .
PANGKAT 3 TEAM LITE RARY ARTS Panuto : Gumawa ng isang tula na nagpapakita ng iyong natutuhan mula sa araling ngayong araw .
Nagustuhan ninyo ba ang inyong mga ginawa ?
Madali ba ang inyong ginawa ?
Bakit kaya ito naging madali ?
Pag- uugnay sa Pang- araw - araw na Pamumuhay
Maglaro Tayo!
Piliin Mo!
Panuto : Basahin ang mga sawikain sa loob ng kahon . Piliin ang angkop na sawikain na maaaring ilagay sa talaarawan na isinulat ni Melba.
Maglaro Tayo!
TIK TOK
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na pangungusap . Isulat ang TIK kung tama ang isinasaad nito at TOK naman kung hindi .
1. Ang isang talaarawan ay kailangang meron lagi ng bating panimula . TOK
2. Mahalagang isulat ang petsa ng pangyayari sa bawat pahina ng talaarawan . TIK
3. Ang mga impormasyong isinusulat sa talaarawan ay likhang-isip lamang ng may- akda at hindi kailangang naganap sa araw na nakasaad . TOK
4. Ang teksto ang pinakamahalagang bahagi ng talaarawan dahil dito nakasaad ang ginawa , karanasan , o obserbasyon ng may- akda sa bawat petsang binanggit . TIK
5. Maaaring basahin ng sinuman ang anumang nakatala sa talaarawan anumang oras nila naisin kahit hindi nila ito pagmamay-ari . TOK
Paglalahat ng Aralin
Ano ang iyong natutuhan ngayong araw ?
Pagtataya ng Aralin
Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot .
1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw , ang pinaikling salita ng pagtatala ng mga pangyayari ____________. A. kapag may araw B. araw-araw . C. lingguhan . D. buwanan .
2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga __________________. A. tauhan . B. tagpuan . C. pangyayari . D. usapan .
3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng _________________. A. bagay. B. kulay . C. pangalan . D. petsa .
4. Epektibo ang pagsusulat ng talaarawan sa _______________. A. madaling-araw . B. umaga . C. tanghali . D. gabi.
5. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na maging ____________________. A. pamalagian . B. pansamantala . C. di- kapani - paniwala . D. makatotohanan .
6. Sa pagsulat ng talaarawan ay kailangang maayos ang mga ________________. A. pananaw . B. panimula . C. detalye . D. wakas.
7. Ang pagsulat ng talaarawan ay higit na _____________. A. personal. B. interpersonal. C. makabayan . D. masaklaw .
8. Tulad ng pagtatala ng petsa , dapat ding maging tiyak sa pagsulat ng A. panimula . B. tagpuan . C. tauhan . D. oras .
9. Madalas na ang susulating talaarawan ay __________________. A. inililihim . B. ipinababasa sa iba . C. pinagtatalunan . D. binabasa nang malakas .
10. Personal ang talaarawan kaya __________________. A. dapat ipabasa sa iba . B. ilihim sa iba . C. huwag ipabasa sa iba . D. sa gabi lang sulatan .
MGA SAGOT 1. B 6. C 2. C 7. A 3. D 8. B 4. D 9. A 5. D 10. C
Karagdagang Gawain
Panuto : Itala sa sagutang papel ang mga pangyayaring naganap sa iyong buhay noong nakaraang pitong araw . Sundin ang porma sa ibaba :