Layunin : Na kabubuo ng pahayag na naglalaman ng simbolo at pahiwatig . Naibibigay ang kahulugan ng ginamit na simbolo at pahiwatig.
#Anong sagot? - Kompletuhin ang sumusunod na mga pahayag : Ang pahiwatig ay _________________. Halimbawa ng pahayag na may pahiwatig ay ___________________________. Ang ginamit na pahiwatig dito ay _________________________ na ang kahulugan ay __________________________.
HINIKAYAT nila ang mga kabataan upang sumali sa proyektong “Tree Planting”. Todo alerto ang ating mga kapulisan ngayon upang SUPILIN ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot .
May paraan pa ba upang mailigtas ang mga kabataan sa PAGKAGUMON sa ipinagbabawal na gamot ? Nagiging AGRESIBO ang taong lulong sa ipinagbabawal na gamut.
Tandaan : Ang kahulugan ng salita ay natutukoy dahil sa mga pahiwatig na salita sa loob ng pangungusap .
Paraan upang matukoy ang pahiwatig sa kahulugan ng salita sa pangungusap : 1. Depinisyon – deriktang mababasa ang kahulugan ng salita sa loob ng pangungusap . 2. Karanasan – nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit sa pangungusap . Hal. Labis ang kanyang PIGHATI dahil sa walang paalam na pag-alis ng kanyang minamahal .
3 . Salungatan – maliban sa kasingkahulugan , mainam na malaman ang kasalungat nito . Hal. Ang KABUKTUTAN ay hindi dapat magkubli sa anino ng kabutihan . 4. Pahiwatig – ito ay kahulugan sa sanhi at bunga ng pahayag . Hal. Ang PAGSULONG ng bayan ay nakakamit kung matutulungan ang mga mamamayan at pamahalaan .
GAWAIN A: # i – VENN natin! Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pahiwatig at simbolo ?
GAWAIN B: # KAYA MO NA YAN! # Pangkatang Gawain: Ang bawat Pangkat ay magbibigay ng 5 Simbolo at 5 Pahiwatig .
# Share Mo ‘Yan! - Ibahagi sa klase ang iyong natutuhan mula sa mga pinag - aralan . Kaya ko nang... Halimbawa ng pinag-aralan namin ay... Kaya kong bumuo ng...
Bumuo ng isang pangungusap na naglalaman ng pahiwatig at simbolo. Salungguhitan ito . Sa ibaba ay isulat ang kahulugan nito.
Takdang – aralin : Maghanda para sa susunod na mga gawain .