PPT_AP_G4_Q2_W8.pptxMATATAG Curriculum PPT marks a major shift in how students from Kindergarten to Grade 10 (K–10) are taught, assessed, and supported in school.

MichelleCajefe2 1 views 79 slides Oct 20, 2025
Slide 1
Slide 1 of 87
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81
Slide 82
82
Slide 83
83
Slide 84
84
Slide 85
85
Slide 86
86
Slide 87
87

About This Presentation

The MATATAG Curriculum is the Department of Education’s (DepEd) latest reform initiative designed to strengthen foundational education in the Philippines. Officially launched in 2023, MATATAG Curriculum PPT marks a major shift in how students from Kindergarten to Grade 10 (K–10) are taught, asse...


Slide Content

Araling 4 Panlipunan

QUARTER 2 MATATAG CURRICULUM WEEK 8 DAY 1

Pakikilahok sa mga Gawaing Lumilinang sa Pangangalaga at Pagsusulong ng Likas-Kayang Pag- unlad

Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ang likas kayang pag-unlad o sustainable development? Ano ang tatlong aspekto ng likas kayang pag-unlad ?

Paglalahad ng Layunin Iparinig at ipanood ang awitin na “ kapaligiran “ https://www.youtube.com/watch?v=sRzlRj4Jyp0

Naunawaan mo ang nais ipahiwatig ng mensahe ng sikat na awiting ito ? Batid mo din ba ang kalagayan ng ating kapaligiran ?

Paglinang at Pagpapalalim Sa kabila ng mga programa at mga batas sa tamang pangangangasiwa at paggamit ng mga pinagkukunang yaman ng bansa ay patuloy na nawawasak ito dahil sa mga gawain na may

kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa at upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga tao sa mga produkto at serbisyo .

Maliban sa ganitong kalagayan , ang nakapipinasalang epekto ng pagbabago ng klima ang magkakaroon ng negatibong epekto sa mga gawaing pan- ekonomiya lalo na sai mga yamang likas . Ang taong umaasa ng malaki sa pagsasaka , pangingisda o

paglinang ng gubat ay maaring tamaan , kung saan kanilang makikita kanilang kabuhayan na pininsala ng kabawasan sa ulan , degradasyon ng lupa at nakakalbong kagubatan at nagdarahop n pangisdaan .

Ang pagsulong at pag-unlad ay mithiin bawat bansa . kung kaya sa kabila ng nararanasang kalagayang pagkapaligiran nararapat lamang na mayroong isang alternatibong kaunlaran sa harap ng lumalalang krisis .

Noong 1972, natukoy ng United Nations Conference on Human Environment ang posibleng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran .

Noong 1987, binuo ng United Nations o Nagkakaisang mga Bansa ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at Kaunlaran (World Commission on Environment and Development, (WCED) upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang solusyon ang suliranin sa kalikasan at kaunlaran.Binigyang diin ng Komisyon ang likas kayang pag-unlad o sustainable development

Ang konseptong likas kayang pag-unlad ay inilalarawan bilang pag - unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan sa kasalukuyan ng mga mamayan na hindi naikokompromiso ang mga kakayahan ng mga hinaharap na henerasyon na matugunan ang kanilang mga sariling pangangailangan .

Paglalahat Mahalaga ba para sa iyo bilang mag- aaral na maunawaan ang kabutihan ng likas kayang pag-unlad na dapat sundin ng mga mamamayan ng bansa ?

Alam mo ba ang maaari mong maging simpleng bahagi bilang mag- aral sa pagtugon sa panawagan sa pakikiisa sa likas na kayang pag-unlad ?

. Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1.Ano ang pangunahing sanhi ng pagkasira ng kalikasan sa kabila ng mga batas at programa? a) Paglago ng populasyon b) Pagpapaunlad ng ekonomiya c) Pagbaba ng temperatura

. 2.Ano ang negatibong epekto ng pagbabago ng klima sa mga yamang likas? a) Pagdami ng ulan b) Pagkakaroon ng mas maraming isda c) Pagkaubos ng mga likas na yaman

. 3.Ano ang ibig sabihin ng likas kayang pag-unlad? a) Pag-unlad na nakatuon sa kasalukuyan lamang b) Pag-unlad na walang pakialam sa kalikasan c) Pag-unlad na hindi naikokompromiso ang kakayahan ng hinaharap na henerasyon

. 4.Kailan isinulong ng United Nations ang konsepto ng likas kayang pag-unlad? a) 1972 b) 1987 c) 2000

. 5.Anong sektor ang apektado ng pagbabago ng klima dahil sa kakulangan ng ulan at degradasyon ng lupa? a) Industriya ng IT b) Pagsasaka c) Serbisyo sa transportasyon

THANK YOU FOR LISTENING!

Araling 4 Panlipunan

QUARTER 2 MATATAG CURRICULUM WEEK 8 DAY 2

Pagtukoy sa mga Istratehiya sa Pagtataguyod ng Likas Kayang Pag- unlad

Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ang kahalagahan ng likas kayang pag-unlad para sa mga susunod na henerasyon ? Paano nakakaapekto ang pagbabago ng klima sa kabuhayan ng mga tao ?

Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa pagpapanatili ng likas na yaman ?

Paglalahad ng Layunin Tingnan ang mga larawan . Ano ang masasabi ninyo sa dalawang larawan ?

Paglinang at Pagpapalalim Maipaliwanag mo ba ang nais ipabatid o ipinakikita ng larawan sa itaas ? Ano ang ginagawa ng mga grupong ito ? Nakakatulong ba ito sa pagpigil sa pagkasira ng ating kalikasan ?

Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD) binuo ng pamahalaang Pilipinas bilang pakikiisa sa WCED, upang magsagawa ng iba’t ibang istratehiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao . Kabilang dito ang mga sumusunod :

- Pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon . - Pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan ng nakararami sa pagpaplano ng pag-unlad . - Pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar ,

- Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan . - Pagkakaroon ng mga sistema para sa mga protektadong lugar . - Pagpapaganda o pag-aayos ng mga nasirang ecosystem - Pagpigil sa polusyon .

- Mahalaga na mapag - ukulang pansin sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa pagsusumikap na makasagawa ng likas kayang pag-unlad , Ang paggawa ng tamang pagpaplano , desisyon at polisiya ng

pamahalaan tungo sa usaping pangangalaga at wastong paggamit ng mga likas na yaman ng bansa .

Ang pagbibigay pansin sa isyu nga populasyon na dahilan ng pagsusulong ng likas - kayang pag-unlad . Ang populasyon na malaki ang makatutulong na mapaunalad ang indutriya at makagawa ng produktibong kabuhayan . Sila ang

makatutulong sa pagpapanatili ng kalagaan ng ecosystem at pagpaparami ng mga yaman ng bansa . Ang patuloy na edukasyon sa mga mamamayan tungkol sa kahalagahan ng kaunlarang dulot ng mga likas na yaman sa lahat ng

aspeto ng kabuhayan , ang wastong paggamit , paglinang ng mga ito at ang pakikiisa sa layunin ng ahensyang nagsususulong tungo sa kasaganaan ng yaman ng bansa . Kung paanong ang polusyon ay dapat mabawasan ay dapat maging kaalaman din ng mga mamamamayan kahit saan mang lugar sila nainirahan .

Paglalahat : Naunawan mo ba ang kahalagahan ng ng pagtatatag ng Philippine Strategy for Sustainablle Development?

Ano ang maaaring tulong ng mga mamamayan , indibidwal man o grupo upang makatulong sa pagpapanumbalik ng punong unti-unting nawawala dahil sa walang habas na pagpuputol ?

Pagtataya : Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel . 1.Ano ang layunin ng Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD)? a) Pagpapalawak ng urbanisasyon b) Pagsasagawa ng likas kayang pag-unlad c) Pagtutok lamang sa ekonomiya

2.Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng PSSD? a) Pagbabawas ng paglaki ng rural na lugar b) Pagpapalawak ng mga pabrika c) Pagpigil sa polusyon

3. Bakit mahalaga ang edukasyong pangkalikasan ayon sa PSSD? a) Para lamang sa mga guro b) Upang makabuo ng kamalayan sa kalikasan c) Wala itong benepisyo

4. Aling istratehiya ang naglalayong protektahan ang mga lugar na mahalaga sa kalikasan? a) Pagpapaganda ng mga pabrika b) Pagkakaroon ng mga sistema para sa mga protektadong lugar c) Pagpapaigting ng urbanisasyon

5.Ano ang dapat isama sa paggawa ng desisyon ayon sa PSSD? a) Mga isyung pangkalikasan b) Mga isyu ng ibang bansa c) Mga personal na opinyon

THANK YOU FOR LISTENING!

Araling 4 Panlipunan

QUARTER 2 MATATAG CURRICULUM WEEK 8 DAY 3

Mga Halimbawa ng mga Likas na Yaman na Maaaring Maging Bahagi ng Likas Kayang Pag- unlad

Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ang kahalagahan ng pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon ?

Paano makatutulong ang pagkakaroon ng mga sistema para sa mga protektadong lugar sa kalikasan ? Ano ang iyong maimumungkahi upang mapigilan ang polusyon sa iyong komunidad ?

Paglalahad ng Layunin Hularawan : Hulaan ang larawan na nasa kaliwa . Ano kaya ang naitutulong nito sa pangangailangan ng tao ?

Paglinang at Pagpapalalim Ang mga likas na yaman ng bansa ay mahalaga para sa ating pang- araw - araw na pamumuhay . Ang mga ito ay maaaring maging bahagi ng likas kayang pag-unlad upang matugunan ang ating mga pangangailangan habang

pinoprotektahan ang kapaligiran . Kabilang sa mga halimbawa ng likas na yaman ay ang mga kagubatan , karagatan , at yamang mineral. Sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga ito , masisiguro natin na ang mga susunod na henerasyon ay makikinabang din sa mga ito .

Narito ang mga ilang likas na yaman na tumutugon sa pangangailangan ng mga tao .

1.Spratly Island Dalawang-katlo ng 10 milyong toneladang taunang nahuhuli ng isda mula sa South China Sea ay nagmula sa Spratly Islands.

2. Talon ng Maria Cristina Falls Ang pangunahing pinagmumulan ng kuryenteng pinadadaloy sa Mindanao.

3. Windmill sa Ilocos Norte- kabilang sa likas kayang pag-unlad ito ay napagkukunan ng enerhiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kuryente na pangangailangan ng tao .

4 . Kapatagan sa Gitnang Luzon -ang taniman sa Gitnang Luzon ay nagkakaroon ng crop rotation. Crop Rotation- ang ibig sabihin ay ang ipapalit na pananim sa palayan ay mga gulay o kung ano -pa na makatutugon sa pangangailangan ng tao , na hindi nasisira ang kalikasan .

5.Ang mga solar panel ay mahalaga dahil tumutulong ito na makakuha ng enerhiya mula sa araw na nagagamit sa iba't ibang bagay. Ang pag-gamit ng solar panel ay nakakatipid ng kuryente at nakakatulong sa kalikasan . Ang enerhiya na nakukuha mula sa araw

ay tinatawag na renewable energy, na ibig sabihin ay hindi ito nauubos . Ang solar panel ay nagko -convert ng enerhiya mula sa araw patungo sa kuryente na maaaring magamit sa ating mga tahanan at paaralan .

Paglalahat Ano ang kahalagahan ng paggamit ng likas na yaman sa paraang likas kayang pag-unlad ? Paano nakatutulong ang crop rotation sa kalikasan at sa pamumuhay ng mga tao ?

Magbigay ng halimbawa ng likas na yaman na maaaring gamitin sa likas kayang pag-unlad at ipaliwanag kung paano ito makatutulong.

Pagtataya 1. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel . Ano ang pinakamahalagang bigay sa atin na tulong ng mga talon upang mapadali at mapagaan natin ang ating pamumuhay ? A. Kuryente C. Paliguan B. Tubig D. Magandang tanawin

2. Ano ang ibig sabihin ng crop rotation? A. Pagtatanim ng palay lamang B. Pagtanim ng iisang uri ng gulay C. Paglalagay ng pataba ( gfertilizer ) sa halaman D. Pagtatanim ng gulay at iba pang kauri nito kapalit ng iba pang pananim .

3. Ano ang naibibigay ng windmill sa atin na tulong ? A. Hangin C. Direksiyon B. Enerhiya D. Wala sa nabanggit 4. Saan nagmumula ang enerhiya sa titnatawag na solar energy? A. Hangin C. Bagyo B. Ulan D. Araw

5. Alin ang nakapagbibigay ng enerhiya na makatutugon din sa pangangailangan ng tao na galing sa init ng singaw ng lupa . A. Bulkan C. Kapatagan B. Burol D. Talampas

THANK YOU FOR LISTENING!

Araling 4 Panlipunan

QUARTER 2 MATATAG CURRICULUM WEEK 8 DAY 4

Mga Pamamaraan na Magagawa na Bahagi ng Likas Kayang Pag- unlad

Pagkuha ng Dating Kaalaman Ano ano ang mga likas na yaman at paraan na maaring makatulong sa pagtugon sa pangangailangan na mahalaga sa likas kayang pag-unlad ?

Paglalahad ng Layunin Iparinig ang awitin ang “ Anak ng Pasig “ https://www.youtube.com/watch?v=NR6cZwn3gsw Ano nais iparating ng awitin ?

Ano sa inyong palagay ang ginawa ng tao sa paligid ng Pasig ? May magagawa ba tayo para muling bumalik ang sigla ng Ilog Pasig ?

Paglinang at Pagpapalalim Likas kayang pag-unlad o sustainable development ay ang pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga pangangailangan .

 Pinaghahandaan nito ang posibleng kahihinatnan ng patuloy na pagkaubos ng mga likas nitong yaman . • Ang pamilya o mag- anak ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan , subalit may malaking

tungkulin para sa bansa . Pananagutan ng bawat pamilya na simulan sa kanilang sariling tahanan ang mga wastong paraan ng pangangalaga ng ating mga yaman kaagapay at katuwang nito ang mamamayan .

 Tungkulin nito na hubugin ang mga anak na may pagpapahalaga sa kalikasan .

• Bilang mag- aaral at mamamayan ng bansa makatutulong tayo na :  Hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na makiisa sa pagpapaunlad at pagliligtas ng kalikasan .

 Isabuhay ang anumang natutunan o nalalaman ukol sa pangangasiwa ng kalikasaan at mga pinagkukunang-yaman .  Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin sa lupa , at sa tubig .

 Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan o kaya ay bumuo ng Samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan ang mga suliranin sa kalikasan .  Gumawa ng pagrerecycle  Magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama para sa ikabubuti ng mundong ating ginagalawan .

Pangkatang Gawain: Gumuhit ng tatlong (3) halimbawa ng bagay na magagagawa mo bilang mag- aaral upang makatulong sa recycle ng mga bagay. Maarin din itong lagyan ng kulay .

Paglalahat Paano makakatulong ang iyong pamilya sa pagprotekta ng kalikasan ? Bakit mahalaga ang likas-kayang pag-unlad para sa susunod na henerasyon ?

Ano ang magagawa mo bilang mag-aaral upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan?

Pagtataya : Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag ay wasto at MALI kung hindi tama ang ipinahahayag . ____1. Magkaroon ng disiplina sa sarili sa paggamit ng kuryente .

____2. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga sa kalikasan . ____3. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan ng ating kapaligiran . ____4. Disiplinahin ang mga anak .

____5. Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan. sa pagtatanim ng puno .

THANK YOU FOR LISTENING!
Tags