Balik Aral 1. Bakit mahalagang matutunan natin ang tamang hakbang sa pagtatanim ? 2. Importante bang malaman natin ang kaibahan ng halamang ornamental sa halamang gulay , at punong-prutas ? Ipaliwanag .
Gawain 1 Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan .
Tanong : 1. Anu-ano ang mga nakikita ninyo sa sa mga larawan ? 2. Sa iyong palagay , paano pinangangalagaan ang mga halaman ? 3. Bakit mahalagang pangalagaan ang mga halaman ?
Gawain 2 Paghawan ng Bukabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Pagbubungkal - Ang gawain ng pag-aayos o pag-iipon ng lupa upang maihanda ito para sa pagtatanim ng mga pananim . Pagpapatubig - Ang proseso ng pagbibigay ng tubig sa mga halaman o pananim upang matulungan silang lumaki .
Pagpupunla - Ang gawain ng paghasik o pagtatanim ng mga buto sa lupa upang lumaki ang mga pananim . Abono - Pataba o mga sustansya na idaragdag sa lupa upang tulungan ang mga halaman na lumaki nang mas mabuti at mas malusog .
Talakayin : Mga Pamamaraan sa Pangangalaga ng mga Pananim
1. Pagbubungkal - Ito ang unang hakbang sa pagtatanim ng mga halaman . Ito ay tumutukoy sa pag-aayos o paghahanda ng lupa sa pamamagitan ng pagbubukas , paglikha ng mga tanimang sakahan , o pagtataniman . Ito ay perpekto para sa mga estratehiya sa pag-aalis ng mga damo at peste . Pinapayagan din nitong makapasok ang hangin sa lupa pati na rin sa mga ugat ng halaman . Gumagamit tayo ng asarol , piko , trowel, pala , araro at iba pang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa .
2. Pagpupunla at pagtatanim - Ang ganda at kalidad ng mga buto o binhi ay isa sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagtatanim . Depende sa uri ng pananim , ang karaniwang lalim ng pagtatanim sa lupa ay 1.5 – 2 pulgada upang magkaroon ng sapat na kahalumigmigan . Sa pagtatanim , isaalang-alang ang tamang distansya ng mga halaman upang magkaroon ng sapat na espasyo para sa kanilang paglago .
3. Pagdidilig - Kailangan ng mga halaman ng tubig upang hindi matuyot . Gayunpaman , ang dami ng tubig na ibinubuhos ay nakadepende sa iba't ibang uri ng mga pananim . Maraming paraan ng pagdidilig sa mga halaman tulad ng manwal na pagdidilig , drip irrigation, at patubig gamit ang sprinkler.
Masistemang paraan sa pagdidilig ng mga pananim : 1. Diligan ang mga tanim sa umaga . Ang pagdidilig sa hapon ay hindi iminimungkahi dahil ito ang magiging dahilan ng pagkakaroon ng peste . Ang tubig na nanatili sa dahon ay puwedeng dahilan ng pamumugad ng peste .
2. Gumamit ng tabo at dahan-dahang ibuhos ang tubig sa tanim . Huwag biglain dahil natatapon ang lupa na siyang sinisipsipan ng mga ugat . 3. Ang hand watering ay mainam sa maliit na taniman samantalang sa malawak na taniman naman , ang pagamit ng hose ay iminumungkahi dahil nakokontrol nito ang daloy ng tubig galing sa gripo .
4. Matapos madiligan ang gulay , maghintay ng 15 to 20 minuto bago diligan muli dahil ang unang pagdilig ay natutuyo kaagad .
4. Paglalagay ng Pataba o Abono - Kapag ang lupa ay nangangailangan ng mga sustansya , kailangan itong lagyan ng pataba , dumi ng hayop , o compost upang madagdagan ang mga sustansya ng lupa . Ang paglalagay ng pataba ay maaaring ihalo sa lupa bago itanim ang halaman o ilalagay sa tamang distansya mula sa halaman .
Masistemang paraan sa paglalagay ng abonong organiko : 1. Broadcasting method - ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin . Kadalasan , ito’y ginagawa sa isang maliit na taniman . 2. Side-dressing method - ang abonong organiko ay inilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang nakalaan para rito .
3. Foliar application method - ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman . Halimbawa ang pagdidilig ng dinurog na sili , sibuyas at luya na inihalo sa tubig . 4. Basal Application method - paglalagay ng abonong organiko sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman .
Gawain 3 Panuto : Isulat sa iyong kuwaderno ang mga impormasyong hinihingi tungkol sa tama at masistemang paraan ng pagtatanim .
Paglalahat : 1. Ano-ano ang mga iba't ibang paraan para alagaan ang ating mga pananim ? 2. Ano ang iba’t ibang paraan ng paglalagay ng pataba o abono ? 3. Bakit kailangan natin isaalang-alang ang mga ito ?
Pagtataya Gawain 4 Panuto : Lagyan ng tsek (√) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap , at ekis (X) naman kung hindi .
1. Ang pagbubungkal ay ang unang hakbang sa pagtatanim ng mga halaman . 2. Ang ganda at kalidad ng mga buto o binhi ay hindi mahalaga sa pagtatanim . 3. Ang karaniwang lalim ng pagtatanim sa lupa ay 1.5 – 2 pulgada upang magkaroon ng sapat na kahalumigmigan .
4. Ang pagdidilig sa hapon ay iminumungkahi dahil ito ang magiging dahilan ng pagkakaroon ng peste . 5. Ang pagdidilig sa mga pananim ay ginagawa anumang oras . 6. Kapag ang lupa ay nangangailangan ng sustansya , kailangan itong lagyan ng pataba , dumi ng hayop , o compost.
7. Ang broadcasting method ay ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin . 8. Ang side-dressing method ay inilalagay ang abonong organiko sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman .
9. Palambutin ang lupang nakapaligid sa halaman upang tagos ang hangin hanggang sa mga ugat nito . 10. Maraming paraan ng pagdidilig sa mga halaman tulad ng manwal na pagdidilig , drip irrigation, at patubig gamit ang sprinkler.
Takdang Aralin : Ihanda ang mga kagamitan para sa iba’t ibang mga pamamaraan ng pag-aalaga ng mga pananim bukas . Ipagpapatuloy nila ang pag-aalaga sa itinanim nilang halaman o gulay noong nakaraang linggo .
Salamat sa Pakikinig !
EPP 4
QUARTER 2 WEEK 7 - DAY 2 MATATAG CURRICULUM
Paraan ng Pangangalaga ng mga Pananim
Balik-aral 1. Ano-ano ang mga iba't ibang paraan para alagaan ang ating mga pananim ? 2. Ano ang iba’t ibang paraan ng paglalagay ng pataba o abono ? 3. Bakit kailangan natin isaalang-alang ang mga ito ?
Gawain 1 Suriin ang mga larawan . Image source: CANVA
Tanong : 1. Anu- ano ang mga nakikita ninyo sa sa mga larawan ? 2. Sa iyong palagay , paano pinangangalagaan ang mga pananim mula sa mga peste , insekto , at mga damo ? 3. Bakit mahalagang pangalagaan ang mga halaman ?
Gawain 2 Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Panuto : Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B.
Talakayin : Mga Pamamaraan sa Pangangalaga ng mga Pananim 5. Pagpupuksa ng mga halamang-ligaw - Ang mga halamang-ligaw ay maaaring maging problema para sa ating mga pananim . Maaari itong maging sanhi ng : - Pagbawas sa ating ani o pag-aani - Pagtaas ng ating mga gastos - Pagdami ng mga peste at sakit sa ating mga halaman
Para maiwasan ang mga halamang-ligaw , may iba't ibang paraan na maaari nating gawin : a. Manual weeding Ginagamit ng mga magsasaka ang karit para tanggalin ang mga halamang-ligaw . b. Mechanical weeding Gumagamit ng mga makina tulad ng cono-weeder , power tiller, o basket hoe para matanggal ang mga halamang-ligaw .
c. Chemical weeding Gumagamit ng mga komersiyal na herbicides para mabawasan o mawala ang mga halamang-ligaw . Ang paggamit ng iba't ibang paraan ay maaaring makatulong upang makontrol ang mga halamang-ligaw at maprotektahan ang ating mga pananim .
6. Pagpupuksa ng mga peste at sakit ng halaman - Gumagamit tayo ng mga pestisidyo upang maiwasan ang mga peste at sakit ng ating mga halaman . May iba't ibang uri ng pestisidyo at may iba't ibang ginagawa ang bawat isa: A. Herbicides - Ginagamit para mapatay ang mga halamang-ligaw . B. Insecticides - Ginagamit para mapatay ang mga insekto .
C. Fungicides - Ginagamit para mapatay ang mga fungus o amag . D. Molluscicides - Ginagamit para mapatay ang mga suso at linta . E. Rodenticides - Ginagamit para mapatay ang mga daga .
Ngunit may iba pang paraan upang mapuksa ang mga peste at sakit ng ating mga halaman . Ang mga magsasaka at mga taong mahilig magtanim ay hinihikayat na gumamit ng mga natural na pestisidyo . Ito ay mas ligtas at mas mabuti para sa kapaligiran .
7. Paglalagay ng Baklad - May mga halaman na gumagapang at umaahon . Kailangan nila ng tulong para magtayo . Tinatawag natin itong "trellis " o " baklad ". Maaaring gawa ito sa kahoy , metal, o plastik . Ang mga halamang gaya ng upo , kalabasa , sitaw , bataw , at patani ay nangangailangan ng baklad o trellis para makatulong sa kanilang pagtataas at paggapang .
Gawain 3 Panuto : Isulat sa iyong kuwaderno ang mga impormasyong hinihingi tungkol sa tama at masistemang paraan ng pagtatanim .
Paglalahat 1. Ano- ano ang mga iba't ibang paraan para alagaan ang ating mga pananim ? 2. Ano ang iba’t ibang uri ng pestisidyo at mga gamit nito ? 3. Ano ang iba’t ibang paraan ng pagsugpo sa mga halamang-ligaw at damo ? 4. Bakit kailangan natin isaalang-alang ang mga ito ?
Pagtataya Gawain 4 ( Isasagawa ng mga mag- aaral ang pagtatanim . Ilalapat nila ang kanilang mga natutunan mula demonstrasyon ng guro .) Panuto : Panatilihin ang dating grupo sa nagdaang gawain . Ipagpapatuloy nila ang pag-aalaga sa itinanim nilang halaman o gulay noong naraang aralin .
Salamat sa Pakikinig !
EPP 4
QUARTER 2 WEEK 7 - DAY 3 MATATAG CURRICULUM
Pagpaparami ng Halaman - Sekswal at asekswal na paraan ng pagpaparami ng halaman
Balik-aral : 1. Ano- ano ang mga iba't ibang paraan para alagaan ang ating mga pananim ? 2. Ano ang iba’t ibang uri ng pestisidyo at mga gamit nito ? 3. Ano ang iba’t ibang paraan ng pagsugpo sa mga halamang-ligaw at damo ? 4. Bakit kailangan natin isaalang-alang ang mga ito ?
Gawain 1 Panoorin ang sumusunod na video. Suriing mabuti kung paano ang ginawang pagtatanim . (video credits from YouTube channel Daily Garden Home)
Tanong : 1. Tungkol saan ang video na iyong napanood ? 2. Anong mga hakbang sa pagtatanim ang iyong napanood ?
Gawain 2 Paghawan ng Bukabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Sekswal na Pagpaparami ng halaman ay isang uri ng pagpaparami ng halaman na gumagamit ng buto o binhi ng bagong halaman . Asekswal na Pagpaparami ng halaman ay isang uri ng pagpaparami ng halaman na gumagamit ng mga bahagi ng halaman upang magkaroon ng bagong halaman na katulad ng magulang na halaman .
Talakayin : Iba’t ibang pamamaraan ng pagpapatubo o pagpaparami ng halaman : 1. Sekswal na paraan ng pagpaparami ng halaman - karaniwang ginagamit sa pagpaparami ng halaman . Ito ay gumagamit ng buto o binhi ng halaman . Ginagamit ang buto ng halaman sa pagpaparami ng punong namumunga at iba pang punong kahoy .
Ang mga punong- kahoy gaya ng mangga , narra , kamagong at iba na pinaparami gamit ang kanilang buto ay nangangailangan ng malawak na punlaan . Samantala , ang mga halaman gaya ng ampalaya , talong , sili , at iba pang mga halamang-gulay ay maaring gumamit lamang ng maliit na punlaan o kaya ay mga niresiklong mga bagay gaya ng timba o balde .
Narito ang payak na pamamaraan ng pagtatanim gamit ang buto o butil ng halaman . 1. Ihanda ang mga gagamitin sa pagtatanim gaya ng lupa , seedling tray o paso, butil o binhi at iba pang kagamitan sa pagtatanim . 2. Ihanda ang seedling tray o paso kung saan ilalagay ang lupa . Tiyaking sapat ang lupa na ilalagay .
3. Ilagay ang mga buto o butil sa seedling tray o paso. 4. Diligan ito upang matiyak na may sapat na halumigmig nito upang tumubo . 5. Hintayin ang sapat na laki nito bago ito ilipat sa halamanan .
Gawain 3 ( Isasagawa ng mga mag- aaral ang pagtatanim sa Sekswal na pamamaraan . Ilalapat nila ang kanilang mga natutunan mula sa napanood at demonstrasyon ng guro .) Panuto : Panatilihin ang dating grupo sa nagdaang gawain . Isagawa ang wastong hakbang ng pagtatanim sa Sekswal na pamamaraan .
Paglalahat 1. Ano ang sekwal na pamamaraan ng pagpaparami ng halaman ? Paano ito isinasagawa ? 2. Ano- anong mga halaman ang itinatanim sa sekswal na pamamaraan ? 3. Ano- ano ang mga dapat isaalang-alang sa pamamaraang ito ?
Pagtataya Gawain 4 Mula sa ipinakitang gawa o pagpapamalas ng mga mag- aaral , bigyan sila ng puntos gamit ang rubrik sa ibaba .
Rubriks
Salamat sa Pakikinig !
EPP 4
QUARTER 2 WEEK 7 - DAY 4 MATATAG CURRICULUM
Pagpaparami ng Halaman - Sekswal at asekswal na paraan ng pagpaparami ng halaman
Balik-aral : 1. Ano ang sekwal na pamamaraan ng pagpaparami ng halaman ? Paano ito isinasagawa ? 2. Ano- anong mga halaman ang itinatanim sa sekswal na pamamaraan ? 3. Ano- ano ang mga dapat isaalang-alang sa pamamaraang ito ?
Gawain 1 Panoorin ang sumusunod na video. Suriing mabuti kung paano ang ginawa ang pagtatanim . (video credits from YouTube channel Knowledge Channel)
Tanong : 1. Anong pamamaraan ng pagtatanim o pagpaparami ang ipinakita sa video? 2. Nasubukan mo na rin bang gawin ang pamamaraang ito sa inyong tahanan ? 3. Sa iyong palagay , bakit mahalagang matutunan natin ang ganitong pamamaraan ng pagtatanim o pagpaparami ?
Gawain 2 Paghawan ng Bukabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Panuto : Hanapin at bilugan sa crossword puzzle ang mga sumusunod na salita .
Talakayin : Panoorin ang video. (video credits from YouTube channel Senora Maestra)
Iba’t ibang pamamaraan ng pagpapatubo o pagpaparami ng halaman : 2. Asekswal na pagpaparami ng halaman - gumagamit ng mga bahagi ng halaman tulad ng ugat , sanga , at dahon . Ito ay karaniwanang ihinihiwalay at pinalalago upang maging bagong tanim .
May dalawang uri ng asekswal na pagpaparami : 1. Natural - Ito ay natural o likas na pagtubo ng mga usbong ng halaman mula sa ugat o puno ng tanim . Maaari natin itong ihiwalay at itanim at maging bagong halaman . Halimbawa : gabi, luya , saging . 2. Artipisyal - Ito ay kapag ginagamit natin ang mga bahagi ng halaman tulad ng sanga , dahon , o usbong para palakihin at paramihin ang halaman .
Halimbawa ng artipisyal : Pasanga o cutting - Pinuputol ang sanga , pinauugat , at itinatanim . Marcotting o air layering - Ginagawa sa sanga habang nasa puno pa.
Ito ang mga sumusunod na hakbang sa pagma-marcot : Tanggalin ang balat ng sanga gamit ang matalim na bagay gaya ng kutsilyo . Paalala : Alalahanin ang tamang paghawak ng matatalim na bagay para maiwasan ang pagkasugat . 2. Tanggaling maigi ang balat ng sanga . Image source: Slideshare : Pagpaparami ng Halaman (Risa Velasco-Dumlao)
3. Ilagay ang lupa at lumot . 4. Balutin ng bunot ng niyog o plastik . 5. Talian ang magkabilang bahagi nito . Image source: Slideshare : Pagpaparami ng Halaman (Risa Velasco-Dumlao)
6. Maaring diligan ito gamit ang sprinkler para mapanatiling mamasa -masa. 7. Putulin ang bagong halaman pagkaraan ng isa or higit pang buwan at maaring na itong itanim .
c. Inarching - Ang paraang ito ay pinagsasama ang sanga ng puno at sanga ng isa pang puno na nakalagay sa paso. Ito ang mga sumusunod na hakbang sa pagsasagawa ng inarching.
Gumawa ng pahabang hiwa sa puno o sangang pagsasamahin . 2. Pagharapin ang dalawang hiwa , pagdikitin at itali nang mahigpit . 3. Pagkaraan ng ilang buwan , putulin ang halaman na nasa paso.
Image source: Slideshare : Pagpaparami ng Halaman (Risa Velasco-Dumlao)
d. Grafting - Pinagsasama ang dalawang sanga ng puno hanggang itong magiging ganap na bagong halaman . Image source: Slideshare : Pagpaparami ng Halaman (Risa Velasco-Dumlao)
Image source: Slideshare : Pagpaparami ng Halaman (Risa Velasco-Dumlao)
Gawain 3 ( Isasagawa ng mga mag- aaral ang pagtatanim sa Asekswal na pamamaraan . Ilalapat nila ang kanilang mga natutunan mula sa napanood at demonstrasyon ng guro .) Panuto : Panatilihin ang dating grupo sa nagdaang gawain . Isagawa ang wastong hakbang ng pagtatanim sa Asekswal na pamamaraan . Maaaring pumili ang mga mag- aaral ng isang pamamaraang asekswal .
Paglalahat 1. Anu- ano ang pagkakaiba ng sekswal at asekswal na pamamaraan ng pagpaparami ng halaman ? 2. Anu- ano ang mga halaman na maaaring maparami gamit ang sekswal na pamamaraan ? Asekwal na pamamaraan ? 3. Bakit kinakailangang alamin ang mga pamamaraan ng pagpaparami ng halaman ?
Pagtataya Gawain 4 Mula sa ipinakitang gawa o pagpapamalas ng mga mag- aaral , bigyan sila ng puntos gamit ang rubrik sa ibaba .