“Si Langgam at si Kalapati ” Isang mainit na tanghaling tapat . Isang langgam na uhaw na uhaw ang nagtungo sa ilog . Dahan-dahan siyang pumunta sa gilid upang makainom subalit nadulas siya at tuloy-tuloy na nahulog sa tubig . Kawag nang kawag si Langgam dahil hindi siya marunong lumangoy .
Sa di kalayuan , isang kalapati na nakadapo sa isang sanga ng mataas na puno ang nakakita kay Langgam . Agad itong kumuha ng isang dahon sa pamamagitan ng kanyang tuka . Inihulog ang dahon sa tapat ni Langgam . Agad naming sumakay si Langgam sa dahon at siya’y nakaligtas sa pagkalunod . Nagpasalamat siya kay Kalapati .
Isang hapon , habang nakadapo si Kalapati sa isang sanga , isang mangangaso ang akmang babaril sa kanya. Nakita ito ni Langgam . Agad siyang umaakyat sa binti ng lalaki at kinagat ng buong lakas ang mama. Napasigaw ito at narinig ni Kalapati kaya nakalipad ito palayo . Nang magkita ang magkaibigan pinasalamatan din ni Kalapati si Langgam sa pagliligtas sa buhay niya .
Sino ang uhaw na uhaw ? Paano iniligtas ni Kalapati si Langgam ? Anong kapahamakan ang nakaambang mangyari kay Kalapati ? Paano nailigtas ni Langgam ang Kalapati ? Anong aral ang natutuhan mo sa kwento ?
Tama O Mali ___1. Uhaw na uhaw si Kalapati . ___2. Kinagat ni Langgam si kalapati . ___3. Hinulugan ng dahon ni Kalapati si Langgam . ___4. May gustong bumaril kay Langgam . ___5. Mabuti ang pagtulong sa kapwa sa oras ng kagipitan
MOTHER TONGUE I
“Tayo Nang Umakyat ” Umakyat ng puno ng mangga si Roy. Pumitas siya ng mga bungangkahoy . Maya- maya’y nagulat si Roy. Nabali ang sanga ng kahoy . “ Aray !” ang sigaw ni Roy.
Pantig : Ma me mi mo mu Sa se si so su Ba be bi bo bu Ta te ti to tu Ka ke ki ko ku
La le li lo lu Na ne ni no nu Ya ye yi yo yu Ga ge gi go gu Ra re ri ro ru
Parirala : may rimas ang relo ang raketa Mga rosas ruler na pula mabilis na karitela aral at laro ang kartero may harana sira na karatula
Pangungusap : Ang mga guya ay matataba . Ang rimas ay nasa mesa. Nakasabit ang relo . Ang mga raketa ay nakatago . Mabilis ang takbo ng karetela .
MAPEH I
Piliin at bilugan ang mga pangunahing kulay . itim pula puti dilaw asul