Q2 lesson 1 in esp lesso .... Lesson in esp.pptx

miarmydeleon2 32 views 26 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 26
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26

About This Presentation

Esp lesson 1 quarter 2


Slide Content

Tungkulin ng Pamilya sa Edukasyon ng Bata

Panuto : Tukuyin ang mga pangangailangan ng isang bata o mag- aaral na tulad mo. Pamagat : ALAM KO ‘YAN!

Mga Tanong : Ano ang papel na ginagampanan ng mga magulang o iba pang kasapi ng pamilya sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang anak ? Bakit mahalaga na matugunan ang mga pangangailangang ito ? Bilang isang anak , ano ang iyong ginagawa upang masuklian ang kanilang mga tulong o sakripisyo upang tugunan ang iyong pangangailangan ?

Paghawan ng bokabolaryo sa nilalaman ng aralin IBIGAY MO! Base sa iyong nakuhang numero ay ibigay ang hinihingi nito sa bawat konsepto na nasa ibaba . 1. Tungkulin 2. Edukasyon 3. Kasanayan 4. Pamilya 5. Kaalaman 6. Pagpapahalaga

6 5 4 3 2 1 1. Tungkulin 2. Edukasyon 3. Kasanayan 4. Pamilya 5. Kaalaman 6. Pagpapahalaga

Kahulugan ng mga salita : Tungkulin - ang gawain o obligasyon na dapat gampanan ng isang tao , grupo , o organisasyon , na may kaakibat na pananagutan , bilang bahagi ng kanilang posisyon o layunin sa lipunan Pamilya - pangunahing yunit ng lipunan . Edukasyon - isang karapatan na dapat natatanggap ng bawat tao upang mapaunlad ang kaniyang kaalaman , pagpapahalaga , at kasanayan .

Kahulugan ng mga salita : 4. Kaalaman - ang kabuuan ng impormasyon , datos , at mga bagay na natutuhan mula sa karanasan , pag-aaral , at obserbasyon upang maunawaan ang mundo o tiyak na larangan . 5. Kasanayan - ang kapasidad at estado ng pagiging mahusay at bihasa sa isang gawain o larangan na nagpapakita ng mataas na antas ng husay at galing . 6. Pagpapahalaga - pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan .

Ang pamilya ang pangunahing yunit ng komunidad . Ito ay binubuo ng mga miyembro tulad ng ama, ina , at mga anak . Ang bawat miyembro ay may tungkulin sa lipunang kaniyang ginagalawan . Pagdating sa usaping pang- edukasyon , tungkulin ng isang pamilya , lalong-lalo na ng mga magulang , na maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak .

Ayon nga sa Convention on the Rights of Children Article 28 ang lahat ng bata ay may karapatan na makatanggap ng Edukasyon . Ang pagkakaroon ng edukasyon ng isang bata ay dapat na ibinibigay simula elementarya , sekundarya hanggang sa kolehiyo .

Mga Batas na Nagtataguyod sa Edukasyon ng Bata Batas Republika Blg . 9155 (Governance of Basic Education Act of 2001) Nangangalaga at nagtataguyod ng karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at bukás para sa lahat sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang edukasyong libre at kinakailangan sa antas elementarya at sekundarya .

Mga Batas na Nagtataguyod sa Edukasyon ng Bata 2. Batas Republika Blg . 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act) Nagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga Pilipinong estudyante na wala o kulang ang kapasidad na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo .

Ang pamilya rin ang dapat maging pangunahing gabay ng mga anak sa pagiging mabuting mamamayan at mag- aaral . Kasama sa karapatang ito ay ang tungkulin ng mga magulang na ikaw ay turuan . Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa mga tungkuling ito kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap dito .

Narito ang mga tungkulin ng mga magulang at miyembro ng pamilya sa edukasyon ng bata. Pagiging Unang Guro Paghubog sa Pananaw sa Pag- aaral Pagtulong sa Kaunlarang Pang- akademiko Paghubog sa mga Pagpapahalaga at Disiplina Pabibigay ng Sosyal at Emosyonal na Suporta Paghikayat tungo sa Lifelong Learning Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya

Gawain: PAYO MO’Y TAGUMPAY KO! (10 Minuto) Magbalik-tanaw sa mga tulong at sakripisyo na ginawa ng iyong pamilya . Base sa ating naging talakayan sa tungkulin ng iyong pamilya sa iyong edukasyon , tukuyin kung ano-ano na ang kanilang mga nagawa , naging paalala , at payo tungkol sa iyong pag-aaral upang hubugin ka. Gamitin ang gabay sa pagsagot sa ibaba at ilagay ang kasagutan sa loob ng kahon .

Gawain: PAYO MO’Y TAGUMPAY KO! (10 Minuto) Magbalik-tanaw sa mga tulong at sakripisyo na ginawa ng iyong pamilya . Base sa ating naging talakayan sa tungkulin ng iyong pamilya sa iyong edukasyon , tukuyin kung ano-ano na ang kanilang mga nagawa , naging paalala , at payo tungkol sa iyong pag-aaral upang hubugin ka. Gamitin ang gabay sa pagsagot sa ibaba at ilagay ang kasagutan sa loob ng kahon .

Gawain: PAYO MO’Y TAGUMPAY KO! (10 Minuto) Magbalik-tanaw sa mga tulong at sakripisyo na ginawa ng iyong pamilya . Base sa ating naging talakayan sa tungkulin ng iyong pamilya sa iyong edukasyon , tukuyin kung ano-ano na ang kanilang mga nagawa , naging paalala , at payo tungkol sa iyong pag-aaral upang hubugin ka. Gamitin ang gabay sa pagsagot sa ibaba at ilagay ang kasagutan sa loob ng kahon .

Gawain: PAYO MO’Y TAGUMPAY KO! (10 Minuto) Mga Tanong Mula sa mga paalala o payo tungkol sa pag-aaral , ano sa tingin mo ang halaga o value ng mga ito para sa iyong pag-aaral ? Ano sa tingin mo ang paniniwala o belief ng iyong mga magulang o tagapag-alaga tungkol sa edukasyon kung bakit nila palaging pinapa -alala ang mga ito sa iyo ? Ano sa tingin mo ang layunin ng iyong pamilya kung bakit nila palaging pinapa -alala ang mga ito sa iyo ?

Gawain: NATATANGING HILING (10 Minuto ) Bilang isang anak , magbigay ng tatlong (3) tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bata na gusto mong matanggap mula sa iyong sariling pamilya . Ilagay ito sa loob ng regalo.

Mga Tungkulin ng Mag- aaral sa Sariling Edukasyon Mag- aral nang mabuti . Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. Pataasin ang mga marka . Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay . Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip . Matutong lutasin ang sariling mga suliranin. Makilahok sa mga gawain sa paaralan .

ARTE, ARAL, AKSYON! Ang klase ay hahatiin sa limang grupo at ang bawat grupo ay makakatanggap ng isang tungkulin ng pamilya . Pagkatapos ay gumawa ang bawat grupo ng dalawa hanggang tatlong (2-3) minutong skit kung paano tutugon ang isang mag- aaral sa tungkulin .

“FOOD FOR THOUGHTS” Bakit mahalaga ang gampanin ng pamilya sa edukasyon ng kabataan ? Ano- anong mga pagpapahalaga sa iyong palagay ang makatutulong sa iyo upang magampanan mo nang may pananagutan ang iyong tungkulin bilang isang mag- aaral ? Anong tungkulin ng isang mag- aaral ang iyong buong husay na ginagampanan bilang iyong pagtugon sa tungkulin ng iyong pamilya ? Anong pakinabang ang iyong natamo sa paggawa nito ?

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang LETRA ng tamang sagot . 1. Alin sa mga sumusunod na batas ang nangangalaga at nagtataguyod ng karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at bukas para sa lahat? Batas Republika Blg . 9155 Batas Republika Blg . 10931 Batas Republika Blg . 11476 Convention on the Rights of Children Article 28

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang LETRA ng tamang sagot . 2. Ang mag- asawang sina Juan at Maria ay nais bigyan ng magandang pundasyon sa pagsulat at pagbasa ang kanilang anak na si Sofia, na pitong (7) taong gulang . Tuwing hapon , sila ay naglalaan ng dalawang (2) oras para turuan siyang magbasa . Anong tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng anak ang kanilang ginagampanan ? Pagiging Unang Guro Paghikayat tungo sa Lifelong Learning Paghubog sa mga Pagpapahalaga at Disiplina Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang LETRA ng tamang sagot . 3. Mahalaga kay Robert na maturuan ang kaniyang anak na si Miguel ng magandang pag-uugali kaya naman tinuruan niya si Miguel ng pagrespeto sa matanda gamit ang po at opo pati na rin ang pagmamano . Sa tulong nito natutuhan ni Miguel ang pagiging mabuti at maunawain . Anong tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng anak ang ipinapakita ni Robert? Pagiging Unang Guro Paghikayat tungo sa Lifelong Learning Paghubog sa mga Pagpapahalaga at Disiplina Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang LETRA ng tamang sagot . 4. Si Andrea, isang estudyante sa ika-anim na baitang , ay mayroong malaking pagsusulit sa Math kinabukasan . Sa kaniyang kuwarto , mahigpit na nagtuon si Andrea sa pag-aaral . Anong tungkulin bilang isang mag- aaral ang kaniyang ginampanan ? Pagpapataas ng marka . Pag- aaral nang mabuti . Pakikilahok sa mga gawain sa paaralan . Paggamit ng kakayahan sa komunikasyon nang buong husay .

Basahin nang mabuti ang mga tanong at piliin ang LETRA ng tamang sagot . 5. Ang mga mag- aaral lamang ang may mahalagang papel sa paghubog at pamamahala sa kanilang edukasyon . Ano ang masasabi mo sa pangungusap ? Ito ay tama . Ito ay mali .