Q2 lesson 2 Mga Pagsubok sa Pamilya.pptx

miarmydeleon2 285 views 26 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 26
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26

About This Presentation

Pagsubok sa pamilya esp


Slide Content

Mga Pagsubok sa Pamilya

Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan .

1. Base sa ipinapakita ng larawan at sa naging huling talakayan , ano ang kahalagahan ng tungkulin ng mga magulang sa pagbibigay ng edukasyon sa kanilang anak ? 2. Ano ang mga banta sa pamilya sa pagbibigay ng maayos na edukasyon ang ipinakita sa larawan ? 3. Ano ang magiging epekto sa sarili kung mapagtatagumpayan ang mga bantang nakikita sa larawan ?

Gawain: Pagsusuri ng Suliranin ! 1. A no ang problema o bantang kinaharap ng isang pamilya ? 2. Ano sa iyong palagay ang mga dahilan kung bakit nasira o nagkawatak-watak ang kanilang pamilya ? Paano ito nakakaapekto sa kanila ?? 3. Paano kaya nila maaaring tugunan ang mga problemang ito ? https://www.youtube.com/watch?v=Qsia66FEUzQ

Punan ang patalang sa talata upang mabuo ang diwa nito . Hanapin ang angkop na salita sa loob ng kahon . Maraming _______ ang kinakaharap ng bawat _______ sa kasalukuyang panahon . Ang _______ na ito ang nagpapahina sa isang pamilyang _______ at nagiging dahilan ng unti-unting pagkawasak nito . Nararapat na suriin kung paano sinisira ng mga problemang ito ang kaayusan ng pamilyang Pilipino upang maging epektibo ang _______ sa mga ito . Pagsubok Banta Matatag Pagtugon Pamilya

Mga Hamong Kinakaharap Ngayon Ng Pamilyang Pilipino Mga pagbabago sa pagpapahalaga ng mga Kabataan Lumaki ang kawilihan , panahon , at paggasta kaugnay sa teknolohiya . Bumuti ang pagtingin sa pag aaral bilang paraan ng pag-angat sa buhay , ngunit malaki pa rin ang porsyento ng mga kabataang hindi seryoso sa kanilang pag-aaral .

Mga Hamong Kinakaharap Ngayon Ng Pamilyang Pilipino Mga pagbabago sa pagpapahalaga ng mga Kabataan c. Praktikal ang kanilang pag-iisip ngunit itinuturing nila na ang pagtatrabaho sa ibang bansa ang katuparan ng kanilang pangarap .

Mga Hamong Kinakaharap Ngayon Ng Pamilyang Pilipino Mga pagbabago sa pagpapahalaga ng mga Kabataan d. Hindi malayo ang pagkakawatak-watak ng pamilya , halos kalahati sa mga kabataan ay wala ang isa o parehong magulang na nagreresulta rin sa dumaraming mga kabataang umaalis mula sa kanilang pamilya o teen migration na kadalasan ay dahil sa pag-aaral .

Mga Hamong Kinakaharap Ngayon Ng Pamilyang Pilipino Mga pagbabago sa pagpapahalaga ng mga Kabataan e. Sa pagdaan ng panahon , ang kanilang moral na pagpapahalaga ay hindi bumubuti at lalo pang lumalala sa ilang gawain tulad ng paggamit ng droga , karahasan , pagkitil ng sariling buhay , pakikiapid , at iba pa.

Mga Hamong Kinakaharap Ngayon Ng Pamilyang Pilipino 2. Ang liberal na oryentasyon na pagsasama o pag-aasawa at pagpapamilya . 3. Pagkakaroon ng isang magulang lamang . 4. Paglaganap ng mga watak na pamilya (broken families).

Gawain: Pagsusuri ng Artikulo ! Child Labor, Tumitindi sa Pilipinas Ang Bayan (March 12, 2023) Sa ulat ng International Labor Organization na inilabas noong 2022, inilagay nito ang bilang ng mga batang manggagawa sa Pilipinas sa 2.1 milyon sa 2019, doble sa inulat ng PSA na 1.046 milyon sa naturang taon . Sa pag-aaral ng ILO sa mga estadistika ng Pilipinas , ang 2 milyon sa kanila ay sangkot sa peligrosong trabaho

Gawain: Pagsusuri ng Artikulo ! Kabilang sa bilang na ito ang mahigit 5,000 batang edad 15-pababa na buong-panahong namamasukan bilang mga katulong . Ang ganitong pagpapatrabaho sa mga kabataan ay ipinagbabawal sa batas ng reaksyunaryong gubyerno . Kabilang din sa bilang na ito ang mga batang nasasadlak sa pinakamasasamang uri ng paggawa katulad ng komersyal na sekswal na pagsasamantala at pornographiya .

Gawain: Pagsusuri ng Artikulo ! Alinsunod sa mga internasyunal na pananaliksik , isa ang Pilipinas sa pandaigdigang sentro ng online sexual exploitation of children (OSEC o sekswal na pagsasamantala sa mga bata sa internet). Mula 2014-2017, tumaas nang 250% ang mga kaso nito . Noong 2021, mayroong 2.8 milyong kaso sa bansa na iniulat ng na OSEC, lampas doble sa 1.3 kaso na naiulat noong 2020. Karamihan sa mga “ kliyente ” ng OSEC ay mga dayuhang pedophile.

Gawain: Pagsusuri ng Artikulo ! Ano ang kinakaharap ng Pilipinas at ng Pamilyang Pilipino ngayon ? Ano- ano ang mga problema o banta sa pamilya na nagiging dahilan ng child labor? Paano ito nakakaapekto sa pamilyang Pilipino? Ano- ano ang maaaring gawin upang ito ay masolusyonan ?

Gawain: Sampayan ng Karunungan

Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito (Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., & Nicolas, M. D., 2019) Muling pagtibayin ang buhay pampamilya batay sa diwa ng pananampalataya sa Diyos . Paglaanan ang materyal , pangkabuhayan , biyolohikal , kultural , at espiritwal na mga pangangailangang pampamilya .

Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito (Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., & Nicolas, M. D., 2019) 3. Pag- ibayuhin at pagtibayin ang paninindigan na ang asal ay mahalaga para sa isang sagradong pagsasama .

Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito (Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., & Nicolas, M. D., 2019) 4. Maituro ang tamang paghahanda sa pag-aasawa upang magampanan ang mga tungkulin at pananagutan tungo sa responsableng pagmamagulang .

Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito (Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., & Nicolas, M. D., 2019) 5. Masiguro na ang tahanan ay itinuturing na mahalaga at bukal na pinagmumulan ng kaligayahan ng bawat kasapi ng pamilya .

Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito (Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., & Nicolas, M. D., 2019) 6. Magkaroon ng matibay at malakas na pagsalungat sa mga imoral na pelikula palabas gayundin sa lahat ng uri ng pornograpiya upang makaiwas sa tukso , pagnanasa , at kasamaan na patuloy na sumisira sa ugnayan ng pamilya at ng mga miyembro nito .

Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito (Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., & Nicolas, M. D., 2019) 7. Kilalanin at tugunan ang mga espiritwal na pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya upang makapamuhay nang matuwid ayon sa turo ng simbahan o relihiyong kinabibilangan .

Narito ang ilang hakbang upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga suliraning kinakaharap nito (Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., & Nicolas, M. D., 2019) 8. Maitaguyod at maipahayag ang kahalagahan ng pamilya sa lipunan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga pag-aaral , kapulungan , lathalain , at organisasyon na naghahangad sa pagpapaunlad ng pangkatawan at pangkabuhayang kapakanan ng pamilya .

Gawain:Pagtugon sa Problema SITWASYON TUGON 1. Si Juanito, isang dating masayahin at magalang na bata, ay unti-unti naging agresibo at hindi na marunong rumespeto sa mga nakakasalamuha niya Nalaman ng kaniyang mga magulang na halos lahat sa mga napapanood at nilalaro niyang online games ay puno ng karahasan .  

Gawain:Pagtugon sa Problema SITWASYON TUGON 2. Si Maria ay hindi gaanong naaasikaso ng kanyang mga magulang dahil sa kanilang trabaho . Dahil dito , mas pinipili ni Maria ang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan kaysa pumasok sa paaralan at mag- aral . Dahil sa kanyang kawalan ng presensya sa klase , napapansin ng guro ang kanyang mababang marka at kawalan ng pagiging handa sa mga asignatura .  

Gawain:Pagtugon sa Problema SITWASYON TUGON 3. Si Ana at Miguel, matagal nang mag- asawa , ay napag-usapan ang planong paghihiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan . Dahil dito napapansin nila ang unti - unting paglayo sa kanila ng kanilang anak at pagiging malungkot nito .  

3, 2, 1 Exit Ticket 3 Bagay na Natutuhan 2 Bagay na Nakakuha ng iyong interest. 1 Katanungan na Mayroon ka