Quarter2_Powerpoint_EPP 5_Lesson 2_Week 2

AimeeJoyDomingo 0 views 133 slides Oct 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 133
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81
Slide 82
82
Slide 83
83
Slide 84
84
Slide 85
85
Slide 86
86
Slide 87
87
Slide 88
88
Slide 89
89
Slide 90
90
Slide 91
91
Slide 92
92
Slide 93
93
Slide 94
94
Slide 95
95
Slide 96
96
Slide 97
97
Slide 98
98
Slide 99
99
Slide 100
100
Slide 101
101
Slide 102
102
Slide 103
103
Slide 104
104
Slide 105
105
Slide 106
106
Slide 107
107
Slide 108
108
Slide 109
109
Slide 110
110
Slide 111
111
Slide 112
112
Slide 113
113
Slide 114
114
Slide 115
115
Slide 116
116
Slide 117
117
Slide 118
118
Slide 119
119
Slide 120
120
Slide 121
121
Slide 122
122
Slide 123
123
Slide 124
124
Slide 125
125
Slide 126
126
Slide 127
127
Slide 128
128
Slide 129
129
Slide 130
130
Slide 131
131
Slide 132
132
Slide 133
133

About This Presentation

Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pang-unawa sa maingat na pangangalaga, pagpaparami, pag-aani, pag-iimbak at pagbebenta ng poultry animals sa masistemang pamamaraan bilang isang kapaki-pakinabang at mapagkakakitaang
Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang maingat na pangangalaga, pagpaparami, pag-...


Slide Content

EPP 5 QUARTER 2 WEEK 2

NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag- aaral ay naipapamalas ang pang- unawa sa maingat na pangangalaga , pagpaparami , pag-aani , pag-iimbak at pagbebenta ng poultry animals sa masistemang pamamaraan bilang isang kapaki-pakinabang at mapagkakakitaang

B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag- aaral ay naisasagawa ang maingat na pangangalaga , pagpaparami , pag-aani , pag-iimbak at pagbebenta ng poultry animals sa masistemang pamamaraan bilang isang kapaki-pakinabang at mapagkakakitaang gawain

C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto Mga Kasanayan: 1. Naipaliliwanag ang mga piling batas, lokal na ordinansa, at mga ahensya ng gobyerno at non-government organization (NGOs), at serbisyong naibibigay sa pag-aalaga ng poultry animals ; at 2. Nakikilala ang mga tao sa pamayanan/buong bansa na nagtagumpay sa pag-alaga ng poultry animals at ang mga katangiang taglay nila.

D. Nilalaman Mga piling batas , lokal na ordinansa , at mga ahensya ng gobyerno at non-government organization (NGOs) , at serbisyong naibibigay sa pag-aalaga ng poultry animals a. Organic Agriculture Act 2010, Portion from RA 10068, at Local Ordinances Mga tao sa pamayanan / buong bansa na nagtagumpay sa pag-alaga ng poultry animals at ang mga katangiang taglay nila

MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

Pagkuha ng Dating Kaalaman

UNANG ARAW

Maikling Balik-aral

Kahit sino ba ay maaaring nagparami ng alagang hayop sa bawat bakuran ?

May alam ba kayong mga panuntunan o batas na dapat gawing gabay kung nais magparami ng mga alagang hayop ?

Pamilyar ba kayo sa logo?

Anong ahensya ng gobyerno ang may logo na ito ?

May alam ba kayong tungkulin o gawain ng ahensyang nabanggit ?

Ang pagpaparami ng alagang hayop ay maraming benipisyo ang naibibigay sa bawat isa ngunit dapat na alamain muna ang mga pamantayan o panuntunan sa pagpaparami ng alagang hayop .

Sa pagpaparami ng alagang hayop o animal production , dapat na malaman na may mga piling batas , lokal na ordinansa , at mga ahensya ng gobyerno at non-government organization (NGOs) , na ang hangarin ay magbigay ng serbisyong upang maging matagumpay ang bawat Pilipino sa pag-aalaga ng poultry animals.

Marangal ang gawain nang pagpaparami ng mga hayop at marami ng mga tao sa pamayanan / buong bansa na nagtagumpay sa pag-alaga ng poultry animals. Ating malalaman ang mga katangiang taglay ng isang matagumpay na na nagpaparami ng mga alagang hayop .

PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin

Panuto: Pansinin ang mga larawan ng logo. Pillin ang letra ng tamang pangalan ng ahensya. 1. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/d5/Logo_of_the_Department_of_Agriculture_of_the_Philippines.jpg Department of Science and Technology Department of Agriculture Bureau of Animal Industry National Swine and Poultry Research and Development Center

2 . https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/6d/Bureau_of_Animal_Industry_%28BAI%29.svg/1200px-Bureau_of_Animal_Industry_%28BAI%29.svg.png Department of Agriculture Department of Science and Technology Bureau of Animal Industry D epartment of Labor and Employment

3. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/26/DENR_Philippines_Official_Logo.jpg TESDA Department of Agriculture Bureau of Animal Industry Department of Environment and Natural Resources

4 . https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fdigido.ph%2Farticles%2Fdole-faq&psig=AOvVaw10hUnbdeAN_k5rKZHdPcsL&ust=1710116638530000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBEQjRxqFwoTCKiC34q36IQDFQAAAAAdAAAAABAY Department of Agriculture Department of Science and Technology Department of Agriculture Department of Labor and Employment

5. https://seeklogo.com/images/T/tesda-logo-02200E142E-seeklogo.com.png Department of Agriculture Department of Science and Technology Bureau of Animal Industry TESDA

6 . https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fdostregion11%2F&psig=AOvVaw2B9uXxMHHxCAAU_0CJU4Or&ust=1710116813384000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBEQjRxqFwoTCPDrst636IQDFQAAAAAdAAAAABAQ Department of Science and Technology Department of Agriculture Bureau of Animal Industry National Swine and Poultry Research and Development Center

Tamang Sagot: 1. B 2. C 3. D 4. D 5. D 6. A

Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin

Panuto: Pagtapatin ang mga salita sa hanay A sa kanilang mga kahulugan sa Hanay B sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga letra.

Hanay A Hanay B 1. batas a. sila ang mga taong tumitingin at gumagamot sa mga hayop na may sakit o karamdaman 2. local ordinance b. ito ay mga makatarungan prinsipyong gumagabay sa kilos ng mga tao sa kanyang pakikisalamuha sa lipunan upang magkaroon ng kaayusan para sa lahat 3. ahensya ng gobyerno c. ito ang mga samahan ng mga pribadong kumpanya, grupo at pangkat ng mga tao na nagbibigay tulong sa mga nangangailangan

4. non-government organization d. ito ang mga batas o alituntunin na ginawa at inilathala ng mga local na pamahalaan 5. beterinaryo e. sila ang grupo ng mga taong mula sa pambansang gobyerno na naatasan na magpatupad ng batas at magbibigay tulong sa mga nasasakupan nito f. binabayaran upang mapasimulan ang pag-paparami ng mga alagang hayop.

Tamang Sagot: 1. b 2. d 3. e 4. c 5. a

PAGLINANG AT PAGPAPALALIM

Kaugnay na Paksa 1: Naipaliliwanag ang mga piling batas , lokal na ordinansa , at mga ahensya ng gobyerno at non-government organization (NGOs), at serbisyong naibibigay sa pag-aalaga ng poultry animals

Pagproseso ng Pag- unawa

Ano ang kahulugan ng batas at ordinansa?

Bakit kinakailangan magpatupad ng batas sa pagpaparami ng alagang hayop?

Ano-anong ahensya ng ating pamahalaan ang naatasang pagpatupad ng mga batas at magbigay tulong sa pagpaparami ng mga alagang hayop?

Reading Resources:

Upang matiyak ang tagumpay ng industriya ng animal production naglungsad ang ating pamahalaan na mga piling batas na nangangalaga para dito.

Isa na rito ang Organic Agriculture Act 2010 . Layunin ng batas na ito na isulong ang organikong pagsasaka sa ating bansa. Dahil organic farming lang ang tanging paraan upang muling bumalik ang sigla ng ating lupa at magsasaka. Malaking tulong ang batas na ito upang pamangalagaan ang ating mga alagang hayop.

Ayon sa Philippine Organic Agriculture Act of 2010 o RA 10068, ang Organic Agriculture ay naglalaman ng pang-agrikulturang Sistema na naglalayong maitaguyod ang ekonomikal, katanggap-tanggap salipunan, bubuhay sa ekonomiya at teknikal na produksiyon ng pagkain at mga hibla.

Nais nito RA 10068 na bawasan at iwasan ang paggamit ng mga kemikal na pataba, pestisidyo at mga parmasyutikong produkto na may masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran. Ang salitang organiko ay ukol sa sistema ng pagsasaka at pagproseso ng mga pagkain na hindi gumagamit ng nakasasamang kemikal.

Sa ilalim ng programang nais na ipatupad ng Organic Agriculture ay ang higit na pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga praktikal na hakbang na kayang makipagkumpetensiya sa iba ngunit na papanatili ang industriya ng organikong pagsasaka. Natrito ang isa sa mga nilalaman.

Ang pagkaakroon ng mataas na produkto mula sa sakahan, ang pagbabawas sa mga gastusin sa pagbili ng mga kemikal na materyales at higit sa lahat ang katiyakang magkaroon ng mainam na kita para sa mga magsasaka at pag-unlad ng kanilang mga pamumuhay. 1. Mag magandang kita sa sakahan at napapanatiling kanuhayan .

2. Pinahusay na kalusugan Katiyakan na protektado ang mga magsasaka, mga mamimili at ang publiko sa banta ng paggamit ng kemikal na produkto sa sakahan.

3. Proteksiyon ng kapaligiran Ayon sa naapakaraming pag-aaral, ang paggamit ng kaunti at sobrang kemikal na produkto sa mga panamin at alagang hayop ay maraming masamang epekto hindi lamang sa panamin at mga alagang hayop, higit sa lahat sa mga mamimiling tumatangkilik nito.

Climate change ang isa sa nagbabantang panganib sa bawat tao at iba pang bagay na may buhay . Ang patuloy na paggamit ng mga kemikal na produkto ay nakadaragdag sa patuloy na epekto ng climate change hindi lamang sa bansa maging sa buong mundo . 4. Pagbabawas sa panganib ng kalamidad at katatagn sa pagbabago ng klima

5. Katarungang panlipunan Ang pagbili at paggamit ng mga raw materials mula sa mga negosyanteng Pilipino ay makakatulong upang patuloy na makita ang pag-unlad ng bawat bahagi ng lipunan . Sa paraang ito , maitataguyod ang karapatang pantao , pagkakapantay-pantay , estado o kasarian man, mahusay na pamantayan sa paggawa at paggalang sa karapatan ng pagpapasya sa sarili .

Maliban sa mga Philippine Organic Agriculture Act of 2010 o RA 10068, marami pang mga batas ang nagtataguyod ng pagpapatuloy at pagpapaunlad ng sakahan at pagpaparami ng hayop sa bansa . At ang mga batas o panuntunan na ito ay tinitiyak na naipapasunod sa bawat isa sa pamamagitan ng iba’t ibang departamento o ahensya ng ating pamahalaan . Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod .

A. Department of Agriculture ( Kagawaran ng Pagsasaka ) Ito ang ahensya ng pamahalaan na inatasan na magpatupad sa pagpapayabong ng kita ng mga magsasaka sa bansa . Saklaw rin nito ang pagpaparami ng pag-alagang hayop at kasiguraduhan na magigigng maunlad ang rural sector.

B. Bureau of Animal Industry ( Kawanihan ng Industriya ng Hayop ) Ang ahensyang ito ng pamahalaan ay may tungkulin na bumuo at maglungsad ng mga prgrama para sap ag- iwas , pagkontrol at pagpuksa sa iba’t ibang sakit na maaaring makaapekto sa mga alagang hayop tulad ng baboy at manok. Gayundi ang kasiguraduhan na mapa-unlad ang sektor ng pagsasaka at pagpparami ng alagang hayop sa bansa.

C. National Swine and Poultry Research and Development Center (NSPRDC) Ang NSPRDC ay isang sangay ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry na naatasan ng magsagawa ng mga pananaliksik , pagpapaunlad , konserbasyon at pagpapabuti ng mga lahi ng mga baboy at manok na maaaring paramihin sa bansa sa tulong ng teknoliya . Sa pananaliksik na ito ay inaasahan ang pagkakaron ng pag-unlad sa negosyo na paghahayupan , magbigay ng karagdagan sa kabuhyan at pataasin ang kita ng mga magsasaka , lalong higit ang mga maliit na magsasaka .

D. Veterinarian Office ng bawat lungsod at bayan Karaniwang ang bawat lungsod , bayan o lalawigan sa bansa ay may mga beterinaryong maaaring lapitan at hingan ng tulong ng mga nagpaparami ng alagang hayop . Dito ay libreng makakahingi ng tulong at payo para sa mga alagang hayop.

E. Department of Environemt anf Natural Resources (DENR) Ang pangunahing tungkulin ng ahensiya ay ang pagpapanatili , pangangasiwa , paglinang at wastong paggamit ng mga likas ng yaman at kapaligiran ng bansa , partikular ang pangangalaga sa mga kagubatan at pastulan , mga yamang -mineral, pagreserba ng mga tubig-kanlungan , lupaing -bayan, gayundin ang pagbibigay ng lisensiya at resolusyon sa lahat ng likas yaman nang naayon sa batas . Gaundin ang matiyak na pantay ang pagbabahagi ng mga benepisyo mula sa mga ito sa kapakanan ng ksalukuyan at sa susunod pang salinlahing Filipino.

F. Department of Trade and Industry (DTA) Ito ang nagsisilbing pangunahing coordinative, promotive, facilitative at sangay ng pagkakaroon ng resulasyon ng pamahalaan para sa mga gawaing may kinalaman sa kalakalan , industriya at pamumuhunan sa bansa . Ang DTI ay man mandato na paigtingin ang gawain ng mga pribadong sektor uopang mapabilis at mapanatili ang paglago ng ekonomiya na bansa sa pamamagitan ng mga komprehensibong hakbang at deregulasyong programa at patakarang magpapalawak sa local at dayuhang kalakalan .

G. Department of Labor ang Employment (DOLE) May mandato ang ahensya na ito na gumawa , magtakda at pagpatupad ng mga patakaran at programa at serbisyo , at magsilbi bilang isang tagapag-ugnay ng mga polisiya sa larangan ng paggawa at empleyo . Nasa mandator in ng ahensya na masigurng napapatupad ang mga probiyon sa Batas sa Pagawa ng Pilipinas , upang matiyak na naibibigay ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa .

H. Department of Science and Technology (DOST) Ito ay may tungkulin bilang tagapag-ugnay ng mga proyektong may kinalaman sa agham at teknolohiya. Ang ahensya at naatasan rin na magsagawa ng patakaran at mga proyekto sa larangan ng agham at teknolohiya bilang tagapagtaguypg ng kaunlarang pambansa.

I. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Ang TESDA ang siyang bumubuo ng mga manpower at skill plan. Nagtatakda rin ang ahensiya ng angkop na mga pamantayan at pagsusulit sa kasanayan, koordinasyon at sumusubaybay sa mga patakaran at programa na may kinalaman sa manpower. Nagbibigay rin ng mga wastong direksiyon sa patakaran at mga patnubay para sa paglalan ng mga mapagkukunan manggagawa, gaundin mula sa mga insitusyon ng TVET mula sa pribado at pampublikong sektor.

Ang TESDA ay ahensiyang patuloy na tumutugon para magkaroon ng epektibo at mahusay na paghahatid ng napakaraming serbisyo sa mga kliyente nito. AT upang maipagpatuloy ang pagsasakatupan ng multi-prolonged mission nito, and TESDA Board ay bumuo ng isang eskema at program ana nakakatulong sa pagbibigay ng pinakamataas ng pagsasanay at pagpapaunlad ng yamang-tao sa iba’t ibang lugar, sektorng industriya at paggawa at institusyon.

J. Food and Agriculture Organization (FAO) Isang espesya na sangay ng United Nations na may layunin na labanan at sugpuin ang laban sa kagutuman . Ang kanilang layunin ay upang magkaroon ng seguridad sa pagkain para sa lahat at magkaroon ng katiyakan na ang bawat tao ay may regular na mapagkukunan ng mga sapat at may mataas nak alidad na pagkain upang mamuhay ng aktibo at malusog ang bawat isa.

Pinatnubayang Pagsasanay

Panuto : Ipaliwanag ang tungkulin o mandato ng mga sumusunod na departemento o ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pagpaparami ng alagang hayop . 1. Bureau of Animal Industry 2. Departmentof Agriculture 3. Department of Trade and Industry 4. National Swine and Poultry Research and Development Center 5. Food and Agriculture Organization

IKALAWANG ARAW

Paglalapat at Pag- uugnay

Gawain 1: FACT or BLUFF

Panuto : Isulat ang FACT kung wasto ang inilalahad ng bawat aytem at BLUFF naman kung mali . ___________1. Isa sa mandato ng TESDA na pagbibigay ng training sa mga nagnanais na magparami ng alagang hayop o animal production. ____________2. Mandato ng DENR na bumuo ng mga programa para sa pag-iwas , pagkontrol at pagpuksa ng mga sakit ng hayop at para sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng mga industriya ng hayop at manok.

___________3. Ang DOLE ang nangangasiwa at nangangalaga sa mga kapakanan ng mga manggagawa tulad ng mga magsasaka at mga tagapag-alaga ng mga hayop. ___________4. Ang NSPRDC ay para sa konserbasyon, pagpapabuti, at paggamit ng mapagkukunang genetic ng baboy at manok, at bumuo ng teknolohiya sa pagsasaka ng baboy at manok. ___________5. Ang tulay na nagpaparami ng hayp at mga mamimili.

Tamang Sagot: 1. FACT 2. BLUFF 3. FACT 4. FACT 5. BLUFF

Kaugnay na Paksa 2: Nakikilala ang mga tao sa pamayanan / buong bansa na nagtagumpay sa pag-alaga ng poultry animals at ang mga katangiang taglay nila

Pagproseso ng Pag- unawa

May kilala ba kayong mga tao na umunlad ang pamumuhay nang dahil sa pagpaparami ng mga alagang hayop?

Paano sila naging matagumpay ?

Reading Resources

Ang gawaing animal production ay sadyang kawili-wili at talagang mapagkakakitaan . Sa gawaing ito ay may nag- aantay na biyaya . Maraming Pilipino na ang umunlad ang pamumuhay dahil sa pag-aalaga ng mga hayop. Atin silang kilalanin.

1. Leo Aldueza | San Jose Batangas | manok at itlog Si Leo ay nagtrabaho bilang mekaniko sa Middle East. Ang pagiging OFW ay batid niyang hindi panghabang-buhay na trabaho kaya naglakas-loob siyang sumugal at nagpasimula ng isang poultry business sa San Jose, Batangas. Dumaan sa kanilang kabuhayan ang iba’t ibang suliranin ngunit hindi siya nagpadaig sa mga suliraning ito. Dahil sa sipag at determinasyon naging matagumpay siya sa larangan. Imahe mula sa: https://i.ytimg.com/vi/u1tQkXfZ9jk/mqdefault.jpg

2. Albert Dwight Tamayo | Masbate | poultry layer farming Si Albert Dwight Tamayo ay isang registered nurse. Ngunit napagtanto niya na hindi sapat ang pagkakataon sa napiling larangan. Nagdesisyon siyang bumalik sa tinubuang bayan ng Palamas, Masbate, at upang magpasimula ng sariling negosyo. Ang napili niya ay ang poultry farming. Na sa ngayon ay isang matagumpay na nagpaparami ng poultry layer sa kanilang lalawigan. Imahe mula sa: https://www.youtube.com/playlist?list=PLbMXPL3NmX8wWnz-kRs2XB729HWT9gGrm

3. Chito Suarez | Trinidad Bohol | balut at sisiw supplier Si Chito Suarez naman ay tubong Bohol. Ang negosyo niya ay ang pagpaparami ng itik. Nagsusuplay rin siya ng itlog at balut sa kanilang lalawigan.

4. Former Secretary Emmanuel “ Manny” Pinol | Bukidnon | native chicken Si Emmanuel Pinol ay dating kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura . Naniniwala siya ang ang bawat pamilyang magsasaka ay dapat na mag- alaga nang hindi bababa sa 20 ulo ng free-range na manok. Ito ay puwede nilang maihanda sa hapag-kainana sa araw-araw . Ang pag-aalaga ng manok sa likod-bahay ay isa sa mga pinakamahusay na gawain sa pagsasaka dahil mabilis itong pagkakakitaan at mababa ang panganib na dulot nito sa kalikasan .

5. Leo Sungkip | Davao City | itik at pato Si Leo Sungkio ay nagpasimula at nagtagumpay sa pagpaparami ng itik at pato sa lalawigan ng Davao. Dahil dito , siya rin ay nagsusuplay ng balut sa kanilang lalawigan at gayundin sa mga karatig-lalawigan .

Pinatnubayang Pagsasanay

Panuto: Pagtambalin ang mga kilalang nagpaparami ng hayop sa bansa at ang kanilang mga sinimulang alagang hayop. Isulat ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B 1. Leo Aldueza a. nagpaparami ng itik at pagsusuplay ng itlog at balot sa Bohol 2. Albert Dwight Tamayo b. may poultry business sa Batangas 3. Chito Suarez c. nagpaparami ng native chicken 4. Emmanuel Pinol d. nagpaparami ng itik at pato sa Davao 5. Leo Sungkip e. may poultry layer farming sa Masbate

Tamang Sagot: 1. b 2. e 3. a 4. c 5. d

Paglalapat at Pag- uugnay

Gawain 2: Silang mga Sikat

Panuto : Kilalanin ang tinutukoy sa sumusunod na bilang. Ilagay ang iyong sagot sa patlang. 1. Siya ay dating kalihim sa pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Siya ay nagpaparami ng mga native na manok sa kanyang lalawigan. 2. Sino ang kilalang nagpaparami ng itik sa lalawigan ng Davao? 3. Sino ang tubong Bohol at nagpaparami rin ng alagang itik? 4. Sino ang nagpaparami ng pangitluging manok sa lalawigan ng Masbate? 5. Sino ang dating OFW na kilala ngayon sa lalawigan ng Batangas bilang nagpaparami ng alagang manok?

Tamang Sagot: 1. Emmanuel Pinol 2. Leo Sungkip 3. Chito Suarez 4. Albert Dwight Tamayo 5. Leo Aldueza

IKATLONG ARAW

Kaugnay na Paksa 3: Mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay sa pag-aalaga ng poultry animals

Pagproseso ng Pag- unawa

Paano sila nagtagumpay ?

Anu- ano ang mga katangian nina () para maging matagumpay sila ?

Dapat ba natin silang tuluran kung nais din nating magtagumpay sa ating mga larangan na gusting tahakin?

Reading Resources

Narito ang mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay sa pag-aalaga ng poultry animals. Siya dapat ay…

1. Malakas ang loob . Katangian na nagpapakita na hindi natatakot na sumubok ng bagong gawain tulad ng pagpapa ka rami ng alagang hayop .

2. Masipag . Katangiang kilala ang bawat Pilipino ang pagiging masipag.Ito ang katangian na nagpapakita nang masusing paggawa ng iba’t ibang gawain na kaakibat ng pag-alalaga ng mga hayop tulad ng pagpapakain , paglilinis ng kulungan , at marami pang iba .

3. Matapat . Dapat itong taglayin ng isang taong nagnanais na magtagumpay sa pagpaparami ng alaganag hayop . Dapat maging matapat sa pakikipag-usap sa mga taong magiging katuwang sa pag-hahayupan, tulad ng mga mga taong maaaring bumili ng iyong mga produkto.

4. Masigasig. Ang mga gawain sa animal production ay hindi gawaing biro. Kaya dapat kung ikaw ay nagbabalak na magparami ng hayup, dapat handa ang iyong sarili sa mga gawain at responsibilidad na kaakibat nito.

5. Mapamaraan. Sila ang mga taong hindi pinanghihinaan ng loob sa tuwing may di inaasahang pangyayari habang nag-alalaga ng hayop. Dapat mabilis mag-isip at maghanap ng paraan kung paano dapat bigyan ng solusyon ang isang pangyayari na nangangailangan ng agarang solusyon.

6. Matatag. Kahit anong uri ng hanapbuhay o negosyo man, hindi maiiwasan ang magkaroon ng problema. Maliit o malaking probleman man ay dapat handa ang iyong sarili na maging matatag.

7. Determinado. Kung malakas ang determinasyon ng isang tao, tiyak hindi siya magpapatalo sa mga problemang maaaring dumating sa panahon ng kanyang pagpaparami ng mga hayop.

Pinatnubayang Pagsasanay

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon, tukuyin at isulat ang katangiang ipinapakita sa bawat bilang. 1. Bagaman Si Albert Tamayo ay isang rehistradong nars, hindi siya natakot makipagsapalaran sa pagpapa-itlog ng mga manok. 2. Kainitan ng panahon at marami sa mga alagang manok ni Mang Tonyo ang nangamatay. Ngunit hindi ito naging balakid upang hindi niya ipagpatuloy ang nasimulang pagpaparami ng alagang manok.

3. Nagkaroon ng pagmahal sa mga pagkain para sa mga alagang baboy ni Aling Maria, kung kaya’t naisipan niyang gawaing pagdagdag na pagkain ang mga tanim na kangkong na makikita sa kalapit na sapa. 4. Sa kasagsagan ng pagkalat ng swine flu napansin ni Edgar ang ilan sa mga palakihing baboy ay nakitaan ng mga sintomas ng sakit. Kanya itong ipinabatid sa Kagawaran ng Agrikultura sa kanilang lugar. 5. Sa pagpaparami ng alagang manok na nagbibigay ng itlog, si Allan ang gumaganap ng mga gawain sa pangangalaga rito. Hindi na siya kumuha ng tagapag-alaga dahil kaya naman niya ang lahat ng gawain.

Paglalapat at Pag- uugnay

Gawain 3: KAYA MO YAN

Panuto : Sumulat ng maikling sanaysay ukol sa katangiang dapat taglayin ng isang nagpaparami ng mga alaga h ng hayop upang pagkakitaan . _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Gabay na Rubriks/Iskor (kung kailangan) ANTAS Kahanga-hanga 5 puntos Mahusay 4 puntos Magaling 3 na puntos Pagbutihan pa 1 puntos Nilalaman Ang kalinisan ay nakita sa kabuuan ng sanaysay gayundin ang nilalaman ay makabuluhan Ang nilalaman ng sanaysay ay malaman at malinis May kaunting bura sa sanaysay gayundin ang nialalaman ay hindi gaanong makabuluhan. Walang kabuluhan at kalinisang nakita sa sanaysay Pagkamalikhain Ang kabuuan ng sanaysay ay masining at natatangi. Ang sanaysay ay masining at natatangi. Ilan sa mga salitang ginamit ay karaniwan na. Walang pagkamalikhaing nakita. Istilo ng Pagsulat Ang ginamit na istilo ay malinaw, masining at nababasa. Ang istilo sa pagsulat ay malinaw Ilan sa mga salita ay hindi malinaw Walang kalinawan at pagkamalikhain Tema Ang kabuuan ng sanysay ay may kaisahan at kaugnayan Karamihan sa nilalaman ay kaugnay ng tema Ilan sa nilalaman ay hindi kaugnay ng tema Walang kaisahan at kaugnayan sa tema ang nilalaman

PAGLALAHAT

IKAAPAT NA ARAW

Pabaong Pagkatuto : Tanong-Tugon

Anu-anong hayop ang magkakatulad na pinapaparami ng mga nabanggit ng tao sa aralin?

Anong paraan ng pangangalaga ang inyong natalakay sa pagiging tagumpay ng bawat isa?

May kabuting maidudulot ba ang gawaing pagpaparami ng alagang hayop sa ating bakuran? Anu-ano ang mga ito?

Paano makakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa animal production upang magkaroon ng disenteng hanapbuhay ang bawat Pilipino at nang mapaunlad ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa?

Pagninilay sa Pagkatuto : Reflection Log

Kumpletuhin ang mga sumusunod . Isusulat ang iyong pagninilay sa EPP notebook. Ang aking natutunan ngayon ay ______________. Pagkatapos ng aralin, napagtanto ko na ________________. Bilang mag-aaral, gagamitin ang aking napag-aralan sa pamamagitan ng ___________________.

EBALWASYON NG PAGKATUTO; PAGTATAYA AT PAGNINILAY

Pagtataya

Pagsusulit

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.   _____ 1. Nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng patuka para sa mga lagang manok ni Maam Nato. Para hindi magutom ang kanyang mga alagang manok, gumamit siya ng giniling na mais bilang patuka. Anong katangian ang ipinakita ni Mang Nato? masigasig c. matapat b. mapamaraan d. malakas ang loob

_____ 2. Anong uri ng hayop ang pinaparami ng dating kalihim na si Manny Pinol? a. itik b. manok c. pato d. native na manok   _____ 3. Ano ang layunin ng batas na tinatawag na RA 10068? a. layunin na gabayan ang mga ahensya ng pamahalaan b. layunin na tugunan ang kakulangan sa suplay ng produkto c. layunin na magsagawa ng organikong paraan ng pagpaparami ng mga halaman gayundin ng mga pagpaparami ng mga alagang hayop. d. layunin na tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang mga aning hayop

_____ 4. Nagkaroon ng di maipaliwanag na karamdaman ang mga alagang baboy sa inyong komunidad. Alin sa mga sumusunod na ahensya ng pamahalaan ang dapat mong lapitan para hingan ng tulong . a. Food and Agriculture Organization (FAO) b. Technical Education and Skills Development Authority 0 TESDA c. National Swine and Poultry Research and Development Center o NSPRDC d. Department of Labor and Employment

_____ 5. Kung nagkaroon ng sakit ang iyong alagang mga hayop, sino ang dapat mong lapitan? a. mga nagtatrabaho sa mga ahensya ng DENR b. mga beterinaryo sa inyong lokal na pasilidad c. mga namimili ng iyong mga ani d. ang pamahalaang lungsod

Tamang Sagot : 1. b 2. d 3. c 4. c 5. b

Itala ang naobserhan sa pagtuturo sa alinmang sumusunod na bahagi . Epektibong Pamamaraan Problemang Naranasan at Iba pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag- aaral At iba pa

Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin ? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa ?

Anong gampanin ng mga mag- aaral sa aralin ? Ano at paano natuto ang mga mag- aaral ?

Ano ang aking nagawang kakaiba ? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod ?