Reaksyong papel tungkol sa El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal Kamangha mangha dahil ang pagkakasalaysay ng mga kaisipan at pangyayari sa nobelang El Filibusterismo . Naging malinaw din ang paglalarawan ng mga tauhan at katiwalian at hirap na dinanas ng mga pilipino noon. Matagumpay na natapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo dahil sa naging inspirasyon nya at sa mga naging karanasan at paghihirap na natamo upang matapos ang nobelang El Filibusterismo . -John Arvie
Ang naging reaksyon ko sa pangkaligirang kasaysayan ng el filibusterismo ay paghanga . Sapagkat kahit na napakaraming suliranin ang kinakaharap ni Rizal ay nagawa parin nyang isulat ang el filibusterismo . Nagawa pa rin niyang lampasan ang bawat suliranin na humahadlang sa kanya sa pagsulat ng nobelang ito . Kahit ganon ang nangyari ay natapos at naipalimbag pa rin niya ang nobela . Naging matagumpay siya dahil naging inspirasyon pa ito sa bawat pilipino sa mga nagdaang henerasyon at sa darating pa. -Danica Cupo