PANUTO: Makinig ng mabuti sa mga tanong at piliin ang tamang sagot sa pamamagitan ng pagpunta sa numero ng napiling sagot . Sasabihin ng guro kung ilang tao o mag- aaral lamang ang maaaring manatili sa bawat numero . May premyo ang mananlong mag- aaral
Handa na ba ?
1. Ang Panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan , mga damdamin , mga karanasan , hangarin at diwa ng tao . Saang salita galing ang Panitikan ?
Mga pagpipilian Nitik Titik Panitik
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Titik Ang panitikan ay galing sa salitang TITIK na nangangahulugang LITERATURA mula sa Latin na LITTERANA.
2.Ang salitang ito ay na-ngangahulugang mountaineers.
Mga pagpipilian Tulali Dallot Tinguian
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Tinguian Ang salitang Tingguian ay nakuha mula sa katagan ng Tingue na nangangahulugan na mountaineers Tingguian , samakatuwid ay tumutukoy sa “ Ang mga tao ng bundok ”
3. Ito ang kauna-unahang aklat ng mga Ilokano .
Mga pagpipilian : Pinagbiag Doctrina Cristiana Tulali
1…2…3… takbo !
Tamang sagot Doctrina Cristiana Ito ang kauna-unahang aklat ng mga Ilokano . Naglalaman ito ng tungkol sa unang tulang Ilokano at mga bahagi na naisulat ng mga katutubo .
4. Siya ang Ama ng Panitikang Ilokano .
Mga pagpipilian : Pedro Bucaneg Padre Francisco Lopez Padre Geronimo Cavero
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Pedro Bucaneg Kinilala siya bilang Ama ng Panitikang Ilokano dahil sa ambag sa pagsasalin ng mga akdang Espanyol at Latin patungong Ilokano .
5. Siya ang nagsalin ng Doctrina Cristiana sa Ilokano .
Mga pagpipilian : Pedro Bucaneg Padre Francisco Lopez Padre Geronimo Cavero
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Padre Francisco Lopez Siya ang nagsalin sa Doctrina Cristiana sa Ilokano . Tinulungan siya ni Pedro Bucaneg
6. Ito ang tawag sa wika ng mga Ilokano .
Mga pagpipilian : Samtoy Saomi Daytoy
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Samtoy Ito ang tawag sa wika ng mga Ilokano “ saomi daytoy ” ibig sabihin wika namin ito
7. Ito ang tawag sa panitikan ng Ilokano .
Mga pagpipilian : Kurditan Ilokan Ilokano
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Kurditan Ito ang tawag sa panitikan ng Ilokano Nagmula sa salitang “ kurdit ” ibig sabihin sumulat . Ito ay pumapangalawa sa lawak at husay sa Panitikang Tagalog Lumaganap ang mga kauna-unahang kurditan sa mga salindila bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas .
8. Ito ang isang kantahing bayan ng Panitikang Iloko na nagpapahayag ng kaisipan at saloobin .
Mga pagpipilian : Pinagbiag Dallot Badeng
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Pinagbiag Ito ay awit ing nagpapahayag ng kaisipan at saloobin Awiting nagpapahayag ng kuwento .
9. Ito ay awit sa mga kasalan , binyagan at iba pang pagtitipon habang sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay payo sa bagong kasal .
Mga pagpipilian : Badeng Pinagbiag Dallot
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Dallot Ito ay awit sa mga kasalan , binyagan , at iba pang pagtitipon habang sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay payo sa bagong kasal . Ipinalalagay din itong isang uri ng pagtatalo ng mga babae at lalaki sa saliw ng tulali ( instrumento ).
10. Ito ang awit ng pag-ibig na kadalasang ginagamit ng mga kalalakihan sa paghaharana .
Mga pagpipilian : Badeng Dung-aw Arinkenken
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Badeng Ito ang awit ng pag-ibig na kadalasang ginagamit ng mga kalalakihan sa paghaharana .
11. Ito ay isang kantahing bayan ng mga ilokano ,isang panaghoy sa namatay kasabay ang pagsasalaysay ng buhay nito mula sa pagkasilang hanggang kamatayan .
Mga pagpipilian : Dung-aw Arinkenken Hele
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Dung-aw . Ito ay isang kantahing bayan ng mga ilokano,isang panaghoy sa namatay kasabay ang pagsasalaysay ng buhay nito mula sa pagkasilang hanggang kamatayan .
12. Ito ang ta wag sa mga espiritu ng kagubatan sa Ilokano .
Mga pagpipilian : Tiktik Mamangkik Tikitik
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Mamangkik Ito ang tawag sa mga espiritu ng kagubatan na dinadasalan upang hindi sila magagalit .
13. Ito ang tawag sa kantahing bayan ng mga Ilokano na paligsahan ng mga lalaki’t babae sa kasalan .
Mga pagpipilian : Arinkenken Hele Dung-aw
1…2…3… takbo !
Tamang sagot : Arinkenken Ito ay paligsahan ng mga lalaki’t babae sa kasalan Ang tema nito ay tungkol sa karapatan at responsibilidad na haharapin ng bagong mag- asawa .
14. Ito ay awiting pambata na naglalaman ng pag-asa tungo sa magandang kinabukasan ng bata .
Mga pagpipilian : Burburtia Hele Pabitla
1…2…3… takbo !
Tamang sagot Hele Ito ay awiting pambata na naglalaman ng pag-asa tungo sa magandang kinabukasan ng bata .
15. Ito ay katumbas ng bugtong sa tagalog .
Mga pagpipilian : Burburtia Pagsasao Arasaas
1…2…3… takbo !
Tamang sagot Burburtia Burtia ang ibang tawag dito . Ito ang katumbas ng bugtong sa tagalog . Kadalasang tinatalaky nito ang kapaligiran at tinatawag na tulang-kopla at sinasabayan ng ritmo o indayog .
Binubuo ito ng mga matatalinghagang mga pariralang may sukat at tugma na sumusukat sa talino ng mga Ilokano . Pabitla ang tawag ng mga Pangasinan dito .
Halimbawa ng burburtia o burtia No baro narucop No daan nalagda - tambac Kung bago marupok , Kung luma matibay - pilapil