SBTT HAMIDA GMRC 5 on the pedagogical skills and curriculum for the teachers guided on the revised k12 MATATAG
Hamidapatino
0 views
74 slides
Sep 23, 2025
Slide 1 of 74
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
About This Presentation
its a presentation on GMRC
Size: 14.64 MB
Language: none
Added: Sep 23, 2025
Slides: 74 pages
Slide Content
Training on the Revised K to10 Curriculum Phase 2
Good Manners and Right Conduct (GMRC) 5
Ang Paghuhugis ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education (VE ) Revised K-10 Kurikulum Minerva D. Magtaan SDO-Pasig Pinagbuhatan High School
Pamantayang Propesyunal (PPST)
Pamantayang Propesyunal (PPST)
Pamantayang Propesyunal (PPST) PPST 4: Kurikulum at Pagpaplano 4.1. Pagpaplano at pamamahala sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto 4.2. Tugma sa target na kasanayang pampagkatuto ang mga bunga ng pagkatuto
Layunin Sa pagtatapos ng sesyon 4 .1, ang mga kalahok ay inaasahang : a. nasusuri ang paghuhugis ng GMRC5 Kurikulum ; b. napagninilayan ang kahalagahan ng shaping paper sa pag-unawa ng GMRC5 Kurikulum ; at c. nailalapat ang proseso ng pag- uunpack ng mga kasanayang pampagkatuto sa GMRC5
Balangkas ng Kurikulum Ang Good Manners and Right Conduct at Values Education (GMRC at VE) ay isang pangunahing asignatura (core subject) sa Programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ayon sa Republic Act No. 11476, ang GMRC and Values Education Act. Ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) o Kabutihang Asal at Wastong Pag- uugali ay tumutukoy sa tiyak at partikular na tinatanggap na mga batayang panlipunang pagpapahalaga , etiketa , at/ o tamang paraan ng pag-uugali na nagpapahayag ng paggalang sa mga taong nakakasalamuha . Samantalang ang Values Education (VE) o Edukasyon sa Pagpapahalaga ay tumutukoy sa proseso na nagbibigay ng pag-internalisa ng mga pagpapahalaga sa mga kabataan na naglalayong matuto ang mga mag- aaral ng mga etikal na saligan ng mga prinsipyo , kasama ang kakayahang kumilos batay sa mga prinsipyong ito , at ang napatibay na disposisyon na gawin ito . Ituturo ang GMRC sa mga mag- aaral sa Baitang 1 hanggang 6 bilang pangunahing asignatura at integrated din ito sa Kindergarten.
VIDEO OF SHAPING PAPER GMRC 5
Batayan ng Asignatura
Halimbawa:
DepEd Core Values at Tema ng GMRC at VE Kurikulum
Batayan ng Asignatura Balangkas ng Kurikulum Gabay Pangkurikulum Unpacking ng Kasanayang Pampagkatuto Balangkas ng talakayan
14
Balangkas ng Kurikulum
Paglilinang ng mga Kasanayan ng Ika-21 Siglo (21st Century Skills) Kasanayan ng Ika-21 Siglo ( 21 st Century Skills ) Kasanayan sa Pakikipagtalastasan ( Communication Skills ) Kasanayang Pang-impormasyon, Midya at Teknolohiya (Information, Media and Technology Skills) Kasanayan sa Pagkatuto at Inobasyon ( Learning and Inovation Skills ) Kasanayan sa Buhay at Karera ( Life and Career Skills)
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum Balangkas ng Kurikulum EsP 2016 GMRC at VE
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum Bilang ng Kasanayang Pampagkatuto Edukasyon sa Pagpapakatao 2016 Edukasyon sa Pagpapakatao MELCs Good Manners and Right Conduct and Values Education 381 313 259
Bilang ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa GMRC at VE
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum Gabay Pangkurikulum ( Curriculum Guide ) EsP 2016 GMRC at VE
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum Katangian Edukasyon sa Pagpapakatao (2016) GMRC & VE Bilang ng Kasanayang Pampagkatuto 381 259 Spiral Progression Makikita lamang sa mga konsepto na nasa Junior High School Sinigurado ang spiral progression simula Baitang 1 hanggang Baitang 10
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum Katangian Edukasyon sa Pagpapakatao (2016) GMRC & VE Congestion Kakikitaan ng congestion lalo na sa Baitang 7-10 Isinaayos ang distribusyon ng mga nilalaman simula Baitang 1 hanggang Baitang 10 Career Guidance Career Guidance bilang isang disiplina at bahagi ng Grade 9 EsP Kurikulum Career Guidance bilang bahagi ng nilalaman sa pagbuo ng mapanagutang desisyon
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum Katangian Edukasyon sa Pagpapakatao (2016) GMRC & VE Domeyn Malaking bahagi ay cognitive domeyn Isinaayos ang distribusyon ng kognitibo at apektibo domeyn Nilaang Oras ng Pagtuturo 2 oras sa bawat linggo (HS) 30 minuto araw-araw(Elem.) Katulad ng nilaang oras sa Math, Science, English at Filipino
Paghahambing ng 2016 EsP at GMRC at VE Kurikulum Katangian Edukasyon sa Pagpapakatao (2016) GMRC & VE Integrasyon ng mga Pagpapahalaga ( Values ) Implicit Explici t Good Manners (Kabutihang Asal) Implicit GMRC ang tawag sa asignatura sa Elementarya at patuloy na lilinangin sa Values Education ng Junior High School DepEd Core Values Implicit Ang Core Values ay makikita sa Tema
Istruktura ng Kurikulum Istruktura ng Kurikulum Makakamit ang tunguhin ng asignatura sa pamamagitan ng paggabay sa mga bata at kabataang Pilipino sa pag-unawa ng mga batayang konsepto at prinsipyo , paglinang , pagpapatatag , at pagsasabuhay ng wastong pag-uugali at pagkiling sa kabutihan . Kaugnay nito , ang lalo pang magpapabisa nang pagsasabuhay ay ang pagpapatupad at pagsasagawa ng Whole School Approach (WSA). Layunin ng asignaturang ito na makabuo ng mga pasiyang etikal at moral, at matupad ang kanilang misyon sa buhay at gampanin sa lipunang Pilipino tungo sa pagtataguyod ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan , kapayapaan , katarungan at pagmamahal . Makikita ang sumusunod na bahagi sa kurikulum :
Istruktura ng Kurikulum A. Pamantayan sa Bawat Yugto (Key Stage Standards) ay nagpapakita ng antas o kalidad ng kasanayan na kayang ipakita at isagawa ng mag- aaral sa bawat yugto
Pamantayan sa Bawat Yugto
Istruktura ng Kurikulum B. Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level Standards) ay tumutukoy ng antas o kalidad ng kasanayan na kayang ipakita at isagawa ng mag- aaral sa bawat baitang
Istruktura ng Kurikulum
Istruktura ng Kurikulum C. Nilalaman (Content) ay ang saklaw at pagkasunod-sunod ng mga paksa na inaasahang matutunan at magiging batayan ng pagtuturo at pag-aaral
Istruktura ng Kurikulum
Istruktura ng Kurikulum D. Pamantayang Pangnilalaman ( Content Standards ) tumutukoy sa mga kaalaman na inaasahang malaman at kayang gawin ng mga mag- aaral
Istruktura ng Kurikulum
Istruktura ng Kurikulum D. Mga Kasanayang Pampagkatuto ( Learning Competencies ) ay nagsasabi sa tiyak na kasanayan na isinasagawa sa iba't ibang antas ng kasarinlan .
Istruktura ng Kurikulum
Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) 1. Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pagninilay sa kamalayan sa mga emosyong nararamdaman, kilos, pag-iisip, at reaksiyon ng katawan Naiisa-isa ang mga indikasyon ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga emosyong nararamdaman b. Napatutunayan na ang emosyong nararamdaman ay nakatutulong upang lubos na makilala ang sarili at makatugon nang wasto sa mga nararamdaman sa bawat situwasyon tungo sa pagpapaunlad ng sarili at ugnayan sa kapuwa c. Naipakikita ang pagkilala sa mga emosyong nararamdaman a . Ano ang dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat paksa? b. Batayang konsepto o ang kaisipang dapat na maipahatid sa mag-aaral. c. Inaasahang kilos ng mag-aaral kaugnay sa aralin
Istruktura ng Kurikulum E. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards) ay nagtatakda ng mga antas ng pagkatuto na inaasahang maisagawa at sinusukat ang antas ng pagsunod sa mga pamantayang pangnilalaman
Istruktura ng Kurikulum
G.Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) tumutukoy sa proseso ng pagpapalawak , pagpapatibay , at pagpapaunlad ng mga pagpapahalagang moral at etikal sa isang indibidwal . Ito ay may kinalaman sa pagbuo ng tamang pag-uugali , mga moral na paniniwala , at pagpapasya batay sa mga prinsipyong nagbibigay-kahulugan sa kabutihan , katotohanan , katarungan , at respeto .
Dulog Pedagohikal at Pagtataya para sa GMR C/Values Education Kurikulum (Baitang 5)
50 Sinusuportahan ang mga batayang legal, pilosopiya, teorya, at pangangailangan na nagsilbing gabay sa pagbuo ng GMRC at VE Kurikulum.
51 Ito ay nakaayon sa mga nakamandatong dulog pedagohikal na itinakda ng RA 10533.
52 Tumutulong upang maisapraktika ng guro ang mga saligang simulain sa pagtuturo alinsunod sa Instructional Design Framework (IDF).
53 Ang mga ito ay hindi lamang nakatuon sa kognitibong aspekto ng pagkatuto, kundi pati na rin sa apektibo at pang-asal .
54 Nilalayong ihanda ang mga mag-aaral para sa hinaharap sa pamamagitan ng paglinang ng ika-21 siglong kasanayan .
55 Nilalayong linangin sa mga mag-aaral ang kakayahang mag-isip nang kritikal, malikhain, at may malasakit .
56 Tumutulong sa pagpapatupad ng Whole School Approach sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, alinsunod sa RA 11476.
57 Dulog Pedagohikal at Pagtataya para sa GMR C/Values Education Kurikulum (Baitang 5)
58 A. Values Approach INCULCATION Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagtuturo o paglalagay ng moral o etikal na pagpapahalaga sa mga indibidwal . Nagpapakita ito ng pagsasaalang-alang sa pagsasagawa ng malinaw na pagtuturo at pagsasapuso ng mga tiyak na halaga , tulad ng katapatan , paggalang , empatiya , at responsibilidad , at pagpapahintulot sa mga indibidwal na maipaloob ang mga halagang ito sa kanilang pang- araw - araw na buhay . Ang pagpapakalat ng mga halaga ay maaaring mangyari sa iba’t ibang setting, kabilang ang pamilya , paaralan , institusyong panrelihiyon , at komunidad .
59 SOCIAL & Approach EMOTIONAL Learning Ito ay isang paraan sa edukasyon at personal na pag-unlad na nakatuon sa pagtulong sa mga indibidwal na bumuo ng iba’t ibang sosyal at emosyonal na kakayahan na kritikal sa tagumpay sa paaralan at sa buhay . Kasama sa mga kakayahan na ito ang kamalayan sa sarili , pamamahala sa sarili , kamalayan sa lipunan , mga kasanayan sa pakikipagrelasyon , at responsableng paggawa ng desisyon .
Layunin ng dulog na ito na matulungan ang mga indibidwal na matukoy at linawin ang kanilang mga paniniwala at halaga . Nakabatay ito sa paniniwala na ang mga halaga at paniniwala ng isang tao ay mahalaga sa pagtukoy ng kanilang mga gawi , paggawa ng desisyon , at mga pagpipilian sa buhay . Ang proseso ng values clarification ay nagpapakita ng pagninilay sa mga personal na halaga at paniniwala ng isang tao , pagsusuri sa mga ito nang kritikal , at paggawa ng mga desiyon na naaayon sa kanila . Kabilang dito ang pagtuklas sa mahahalagang aspekto ng buhay ng isang tao , tulad ng pamilya , relasyon , trabaho , kalusugan , at espirituwalidad , at pagtukoy kung ano ang pinakamahalaga sa kanila .
61 Moral Approach DEVELOPMENT Ang pagpapaunlad ng moral ay itinuturing na isang paraan upang maunawaan kung paano pinauunlad ng mga indibidwal ang kanilang moral na pangangatwiran at mga kakayahan sa paggawa ng desisyon sa mga isyung etikal . Ang paraang ito ay nagbibigay ng isang balangkas para sa pag-unawa kung paanong ang mga indibidwal ay bumuo ng kanilang etikal na pangangatwiran at mga kakayahan sa paggawa ng desisyon .
62 Values Approach ANALYSIS Ang pag-aanalisa ng mga halaga ay maaaring gamitin ng mga indibidwal upang tiyakin na ang kanilang pag-uugali at mga desisyon ay naaayon sa kanilang pangunahing halaga (core values). Makatutulong ito na matukoy ang mga bahagi ng lakas Page 22 of 296 MATATAG Curriculum: GMRC (Grades 1-6) / VE (Grades 7-10) August 2023 at kahinaan at magbigay ng balangkas para sa paggawa ng mga desisyon at pagkilos na naaayon sa mga pangunahing halaga . Ang approach na ito ay maaari ring magsulong ng kamalayan sa sarili at personal na paglago sa pamamagitan ng paghikayat sa mga indibidwal na pag-isipan na ang kanilang mga halaga at gumawa ng mga mapagpipiliang desisyon na naaayon sa kanila .
63 COMMUNITY Approach OF INQUIRY Ang Community of Inquiry ( CoI ) ay isang paraan ng pagtuturo at pagkatuto na nagbibigay-diin sa pakikipagtulungan at kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagtatanong . Maaaring gamitin ito sa lahat ng antas ng pag aaral . Sa ganitong paraan , ang mga mag- aaral at guro ay nakikibahagi sa bukas at magalang na talakayan , kung saan sila ay sama-samang nagsasaliksik ng mga komplikadong paksa , nagtatanong , at nagbabahagi ng kanilang mga pananaw . Ang pamamaraang ito ay nagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip , aktibong pag-aaral , at social presence na tumutulong sa mga mag- aaral na bumuo ng mga kasanayan sa higher-order thinking at nagtataguyod ng intelektuwal at personal na paglago .
64 EXPERIENTIAL Approach LEARNING Ang experiential learning ay isang paraan na nakatuon sa pag-aaral sa pamamagitan ng karanasan o praktikal na pagsasanay sa halip na sa pamamagitan ng passive na pagtanggap ng impormasyon . Sa pamamaraang ito , ang mga mag aaral ay nakikibahagi sa isang siklo ng pagmumuni -muni, pagkilos , at pagbibgay ng puna , gamit ang kanilang mga karanasan upang bumuo ng mga bagong kaalaman at kasanayan . Maaaring gamitin ang mga aktibidad tulad ng role playing, mga simulasyon , at mga proyekto sa pag-aaral ng serbisyo upang itaguyod ang paglalayag sa mga halaga at pagpapaunlad ng sarili . Ang experiential learning ay malawakang ginagamit sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang mga resulta ng pag aaral upang itaguyod ang personal na pag-unlad .
65 ACTION Approach LEARNING Ito ay itinuturing na isang paraan ng paglutas ng problema at pag-aaral . Naglalaman ito ng isang grupo ng mga indibidwal na nagtutulungan upang malutas ang mga tunay na problema o proyekto habang sabay-sabay na bumubuo ng mga bagong kasanayan at kaalaman . Binibigyang-diin dito ang pakikipagtulungan , pagninilay , at tuloy-tuloy na pag-aaral , at karaniwan itong mayroong ilang yugto , kabilang ang pagkilala sa isang tunay na problema , pagtukoy ng problema , pagbuo ng plano ng aksiyon , pagpapatupad ng plano , pagninilay sa proseso , at paglalapat ng natutuhan .
Sa pagtuturo ng GMRC at VE maraming mga dulog , metodolohiya , at istratehiya ang maaaring gamitin upang mas maunawaan at maisabuhay ng mga mag- aaral ang kanilang natutuhan . Narito ang ilang halimbawa para sa bawat yugto :
Unpacking ng Kasanayang Pampagkatuto 1. Konteksto ng Asignatura a. Ang kurikulum ng GMRC at VE ay standards-based ; b. Ang pokus ng pag- unpack ay ang mga kasanayang pampagkatuto batay sa mga pamantayan.
Unpacking ng Kasanayang Pampagkatuto 2. Ano ang unpacking? a. Ito ay ang paghimay sa mga komplikadong kasanayan o konsepto upang maging mas payak ang pagtuturo ng isang kasanayan Naglalayon itong mas maging malinaw (explicit) at malalapatan ng kilos ( actionable ) ang mga kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagbuo ng mga layunin ng aralin. Sumusuporta ito sa instructional planning
Unpacking ng Kasanayang Pampagkatuto 3. Kailan mag -unpack? Kung ang Kasanayang Pampagkatuto (KP) ay may mataas na cognitive demand at kung patuloy na nahihirapan ang mag-aaral na maunawaan at maisagawa ang inaasahang pagkatuto tungkol sa isang paksa.
LESSON EXEMPLAR : PARTS OF LESSON PLAN
Paano ang unpacking ng LC / KP?
“Ang pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos, sarili, pamilya at kapuwa, kalikasan, bansa, at daigdig tungo sa kabutihang panlahat ang natutuhan sa GMRC at VE, sapagkat ang tunguhin o outcome ay makapaghubog ng kabataang Pilipino na nagpapasya nang mapanagutan “accountable”, kumikilos ng may wastong pag-uugali at pagkiling sa kabutihan”