SD_Q3_G6_GMRC_W1.........................pptx

MidtungokIntegratedS 5 views 60 slides Oct 20, 2025
Slide 1
Slide 1 of 60
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60

About This Presentation

SLIDE DECKS


Slide Content

Pagiging Patas at Makatarungan sa Kapuwa 6 GMRC Kuwarter 3 Linggo 1  

Naisasabuhay ang pagiging makatarungan sa pamamagitan ng pagiging sensitibo sa mga pangangailangan ng kapuwa . Natutukoy ang mga kilos ng pagiging patas sa kapuwa ( Kahulugan ng pagiging patas, pano maging patas, ano ano ang mga patas na kilos LAYUN I N Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang :

Naipaliliwanag na ang pagiging patas sa kapuwa ay pagtrato , pagtugon , at pagtulong sa isang tao ayon sa kaniyang pangangailangan upang mapadaloy ang kabutihan at kapayapaan sa pakikipagkapuwa Nailalapat ang mga sariling kilos ng pagiging patas sa kapuwa . LAYUN I N

UNANG ARAW

Balik Aral Balikan natin ang mga kaalamang inyong natutuhan sa nakaraang mga aralin ibahagi sa klase ang inyong sagot sa mga sumusunod na tanong . Bakit mahalaga ang pagsunod ng pamilya sa mga batas pangkapaligiran ? Magbigay ng dalawang halimbawa ng mga batas pangkapaligiran na sinusunod ng iyong pamilya at ilarawan kung paano mo naisasakilos ang mga sariling paraan ng pagsunod sa mga ito ?

Paglalahad Panuto : Punan ang unang kahon namay pamagat na “Ito ang sagot ko ngayon ” ng iyong sagot sa mahalagang tanong . Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto .

- Ano ang nag- uudyok sa iyo na isagawa ang mga sariling kilos ng pagiging patas sa kapuwa ? Mahalagang Tanong : ___________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ ___________ Ito ang sagot ko ngayon Pagkatapos ng pagtalakay _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________

Panuto : Ibigay ang kahulugan ng mga salita na nakasulat sa ibaba 1. Patas ______________________________________________________________ 2. Makatarungan ______________________________________________________________ 3. Pagiging sensitibo ______________________________________________________________ 4. Pakikipagkapwa ______________________________________________________________ 5. Patas na kilos ______________________________________________________________

PANGALAWANG ARAW Kaugnay na Paksa 1: Kahulugan ng Pagkakapantay-pantay , pagiging Patas at Makatarungan sa kapuwa

Ang pagkakapantay-pantay ay pag-unawa na lahat tayo ay magkakaiba kaalinsabay ng ating pagkakaparepareho . Bilang mga tao , nagkakaiba tayo sa kulay ng mata , kulay ng balat , kulay ng buhok , nagkaka-iba rin tayo ng bansa , ng salita , ng gusto, ng ugali at personalidad .

Ngunit bilang mga tao tayo ay pare- parehong may pangangailangan , may pakiramdam , may pag-iisip may mga ninanais at pinapangarap maabot sa buhay . Ang tao ay tao , malaki man o maliit , kilala man o hindi , mayaman man o mahirap .

Ang pagkakapantay-pantay ay umiiral kapag tinitiyak natin na ang lahat ay tinatrato ng patas at nagkakaroon ng patas na access o oportunidad sa lahat ng bagay lalo na sa mga pangunahing pangangailangan . Ito ay hindi nangangahulugang dapat tratuhin ang lahat ng tao nang pareho-pareho .

Ang bawat isang tao ay may karapatan na tratuhin ng pantay , o patas ng may respeto at dignidad . Ang "patas" ay isang salitang Tagalog na nangangahulugang " equal " o " fair ." Kapag sinasabing patas, ibig sabihin ay walang kinikilingan o pinapaboran , at pare- pareho ang trato o oportunidad para sa lahat.

Sa mga situwasyon ng pagpapasya , trabaho , at iba pa, mahalaga ang pagiging patas upang masiguro ang katarungan at pantay na pagtrato sa lahat.

Ang pagkakapantay-pantay ay nangangahulugang lahat ay may parehong pagkakataon o tinatanggap ang parehong pagtrato mula sa iba’t ibang tao , ahensiya ng gobyerno o kinauukulan maging ang pagtingin at respeto mula sa kapwa .

Ang katarungan ay nangangahulugang lahat ay may parehong pagkakataon - katulad ng pagkakapantay - ngunit ang katarungan ay nagpapahalaga sa pagtingin sa mga sitwasyon ng iba't ibang tao upang sila ay tunay na tratuhin ng patas.

Pagproseso at Pag- unawa Panuto : Basahin ang mga halimbawa ng kilos tukuyin kung ang bawat kilos ay patas o hindi . Kung ang isang bagay ay patas at pantay , ito ang tamang bagay na gawin . Kung ang isang bagay ay hindi patas at hindi pantay , ito ay hindi tamang bagay na gawin .

Isang batang lalaki ang nandaraya sa isang laro . Patas o Hindi Hindi

Isang batang babae ang nagsisinungaling na nagdudulot ng problema sa isa pang bata. Patas o Hindi Hindi

Isang batang babae ang pinagalitan dahil akala ng guro siya ang maingay na nakikipag-usap ngunit hindi naman siya ang nag- sasalita . Patas o Hindi Hindi

Isang batang nakapila sa pagkain ang inunahan ng dalawang magkaibigan na huling dumating sa pila sa hapunan . Patas o Hindi Hindi

Isang batang lalaki ang nagsisinungaling tungkol sa pagkuha ng pera ng kanyang kaibigan . Patas o Hindi Hindi

Isang batang babae ang nag- anyaya sa lahat ng kanyang kaklase sa kanyang kaarawan maliban sa isang bata. Patas o Hindi Hindi

Paglalapat Panuto : Tukuyin kung alin sa mga kilos sa taas ang sa tingin mo ay hindi patas, pumili ng tatlo at gawin itong patas na kilos. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno . 1.____________________________________________________________ 2.____________________________________________________________ 3.____________________________________________________________

Kaugnay na Paksa 2: Pagkilala sa mga Kilos na Nagpapakita ng Pagiging Patas sa Kapuwa

Paano ba ang maging patas? Minsan, iniisip ng mga tao na ang katarungan at pantay-pantay ay pareho , subalit ito ay magkaiba . Maaari mong tratuhin nang patas ang isang tao ngunit hindi ito pantay . Maaari mo ring tratuhin ng pantay ang dalawang tao ngunit hindi ito patas. Halimbawa , isinama ka ng iyong ina pati ang iyong nakababatang kapatid na babae sa tindahan .

Kailangan ng iyong kapatid ng bagong sapatos dahil sira na ang dating ginagamit nito . Nakita mo ang isang pares ng sapatos na talagang gusto mo. Bibili ang iyong ina ng bagong sapatos para sa iyong kapatid na babae at sinisimulan mong sabihin sa iyong ina na ito ay hindi patas at gusto mong tratuhin nang pantay . Ano ba ang makatarungan na gawin ni nanay ?

Tandaan na , ang katarungan o patas ay pagtrato sa isang tao sa paraang makatutulong sa kanya na makuha ang kanyang pangangailangan . Ang pantay-pantay ay tungkol sa pagtrato sa dalawang o higit pang tao sa eksaktong parehong paraan , anuman ang kanilang pangangailangan bilang mga indibidwal . Makatarungan bang bilhan ka ng iyong ina ng sapatos kahit na hindi mo ito kailangan ? Ano naman ang gagawin mo rito .

Samantalang kailangan ng iyong kapatid ng sapatos kaya makatarugan na bilhan siya ng iyong ina . Dapat bang gamitin ang inyong pera sa iyong sapatos na hindi mo naman kailangan para lamang maging patas ang pagtrato ng inyong ina sa inyong dalawang magkapatid ?

Ang sabi nga ni San Basilio “Ang tinapay sa iyong aparador ay para sa nagugutom ; ang hindi ginagamit na kaban sa iyong aparador ay para sa nangangailangan ; ang mga sapatos na nalalanta sa iyong aparador ay para sa walang sapatos ; ang pera na iyong tinatabi ay para sa mga dukha ." - San Basilio ang Dakila March 11, 2012. Sa makatuwid ang pagiging patas sa kapuwa ay pagtrato , pagtugon , at pagtulong sa isang tao ayon sa kaniyang pangangailangan upang mapadaloy ang kabutihan at kapayapaan sa pakikipagkapuwa .

Pagproseso at Pag- unawa Panuto : Basahin ang bawat sitwasyon at tukuyin kung sa palagay mo ba ay patas o pantay ito . Ipaliwanag ang iyong sagot . Isulat sa inyong sagutang papel .

1. 1. Si Martha at ilang mga kaibigan niya ay nagsimulang mag- usap sa klase at patuloy silang nag- uusap sa harap ng guro . Hindi sila nakikinig at nakaistorbo sa buong klase . Nagpasya ang guro na kailangang manatili ang buong klase sa oras ng tanghalian at sulatin ang mga patakaran sa silid-aralan . Ito ba ay isang halimbawa ng pagiging patas o pagiging pantay ?

1. 2. Ang lahat ng pasyente na pumunta sa doktor ay binigyan ng limang minutong appointment at pagkatapos ay isang plaster para gumaling sila . Ito ba ay isang halimbawa ng pagiging patas o pagiging pantay ? Isulat ang iyong paliwanag sa loob ng kahon .

1. 3. Sa isang karera ng takbuhan sa oval, iba-iba ang pagsisimulan ng bawat tumatakbo upang tiyakin na may pantay na pagkakataon ang lahat. Ito ba ay isang halimbawa ng pagiging patas o pagiging pantay ? Isulat ang iyong paliwanag sa loob ng kahon .

Paglalapat Panuto : Kumuha ng kapareha at pag-usapan at isulat ninyo ang sagot sa mga tanong sa ibaba . Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno . Paano mo maipakikita ang pagiging patas sa iyong kapwa ? ____________________________________________________________________________________________________________________ 2. Bakit mahalaga ang maging patas? __________________________________________________________________________________________________________________________

PANGATLONG ARAW Kaugnay na Paksa 3:

Makatao at Patas na Kilos: Paano ito Maipakikita Mayroong maraming mga halimbawa ng mga patas na kilos na maari nating pagsikapang maisabuhay sa araw-araw . Narito ang ilan sa kanila at kung paano ito maipatutupad :

1. Pagiging bukas at makatarungan sa pakikipag-ugnayan : ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat na magpahayag ng kanilang opinyon at ideya nang hindi pinipili ang isang tao lamang .

2. Pantay na pagtrato : Sa paaralan o sa komunidad , ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na pagtrato sa lahat ng tao , anuman ang kanilang kasarian , relihiyon , o antas sa lipunan .

3. Pantay na pagkakataon : Sa trabaho o sa lipunan , ang pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat para sa trabaho , edukasyon , o pag-angkin ng mga karapatan ay isang halimbawa ng patas na kilos.

4. Pagiging mapanuri : Ang pagiging mapanuri sa paggawa ng desisyon , na tinitiyak na walang kinikilingan o paboritismo , ay mahalagang aspeto ng pagiging patas.

5. Pagiging tapat at hindi pumipili : Sa mga transaksyon o negosasyon , ang pagiging tapat at hindi pumipili ng isang panig ay nagpapakita ng patas na kilos.

Sa pang- araw - araw na buhay , mahalaga na isabuhay ang mga halimbawa ng patas na kilos upang mapanatili ang katarungan at pagkakapantay-pantay sa ating lipunan . Ito ay nagbibigay-daan sa lahat ng tao na mabuhay ng may dignidad at respeto sa kapwa .

Pagsasanay Panuto : Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon at ipaliwanag kung paano mo ipapakita ang patas na kilos sa bawat sitwasyon . 1. Inatasan kayo ng inyong guro na magplano sa gagawing group report tungkol sa isang paksa . Binigyan kayo ng listahan ng mga gagawin at lahat ay mayroong kanya- kanyang tungkulin na gagampanan . Paano mo isasagawa ang patas na kilos? ______________________________________________________________________________________________________________

2. Tatlo kayong magkakapatid na nag- aagawan sa paggamit ng iisang computer sa bahay . Madalas kayong nagtatalo-talo kung sino ang dapat maunang gumamit dahil lahat kayo ay nag- aaral at may mga online na gawain na nangangailangan ng computer. Anong mga patas na kilos ang gagawin mong solusyon sa sitwasyon ? Ipaliwanag ________________________________________________________________________________________________________________ Pagsasanay

3. Sa inyong barangay, mayroong mga residente na hindi nakakatanggap ng sapat na serbisyo ng tubig , edukasyon , at kalinisan kumpara sa iba . Ito ay nagdudulot ng hindi pantay na pag-unlad sa komunidad . Ano- ano ang mga patas na kilos na maaari mong gawin upang magkaroon ng pantay na pag-unlad sa ibat-ibang dako ng inyong komunidad ? Ipaliwanag . __________________________________________________________________________________________________________________ Pagsasanay

- Ano ang nag- uudyok sa iyo na isagawa ang mga sariling kilos ng pagiging patas sa kapuwa ? Mahalagang Tanong : ___________ ___________ Ito ang sagot ko ngayon Suri- Sarili ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ Panuto : Punan ang kahon na “ Pagkatapos ng pagtalakay ” ng iyong huling sagot sa mahalagang tanong . Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto . Pagkatapos ng pagtalakay ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________

PANG-APAT NA ARAW

Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto Panuto : Sagutin ang mahalagang tanong gamit ang larawan na pantulong . Punan lamang ang mga patlang ng angkop na salita sa loob ng kahon .

- Ano ang nag- uudyok sa iyo na isagawa ang mga sariling kilos ng pagiging patas sa kapuwa ?

Mga Pagpipilian (1) patas (4) pagtugon sa pangangailangan ng kapwa (2) kilos (5) mapadaloy ang kabutihan (3) isagawa Buoin ang Pabaong Pagkatuto : Mauunawaan ng mag- aaral ang kahalagahan ng 1. ________________ upang 2.___________________________________ at kapayapaan na nag- uudyok na 3._____________________________________ ang mga sariling 4._______________________ ng pagiging 5.___________________________.

Paglalahat 2. Pagninilay sa Pagkatuto Suri- Sarili : Suriin ang iyong sariling mga paraan o proseso ng pagkatuto sa paksang ito . Kopyahin ang talaan ng pag-aaral sa iyong kuwaderno at punan ito ng iyong sagot .

Sariling Pagsusuri sa nga Paraan ng Pagkatuto sa Aralin Pangalan :________________________ Petsa _____________________ Paksang Tinalakay :______________________________________ Ngayon napag-isip-isip ko na kailangan kong … _______________________________________________________________________________________________________________________________________________ Sa susunod na mga paksa ay gagawin ko ang… ________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pagtataya 2. Pagninilay sa Pagkatuto Suri- Sarili : Suriin ang iyong sariling mga paraan o proseso ng pagkatuto sa paksang ito . Kopyahin ang talaan ng pag-aaral sa iyong kuwaderno at punan ito ng iyong sagot .

Paglalahat 2. Pagninilay sa Pagkatuto Suri- Sarili : Suriin ang iyong sariling mga paraan o proseso ng pagkatuto sa paksang ito . Kopyahin ang talaan ng pag-aaral sa iyong kuwaderno at punan ito ng iyong sagot .

Paglalahat Panuto : Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na tanong at ipaliwanag ang iyong mga sagot . 1. Ano ang pagkakaiba ng patas at pantay ? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Paano maipapakita ang patas na pagtrato sa kapwa ? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 3. Bakit mahalaga na tratuhin ng patas ang ating kapwa? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Kailan mo tratratuhin ng patas ang iyong kapwa at kailan mo tratratuhin ng pantay ? Magbigay ng halimbawa . ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 5. Magbigay ng halimbawa ng isang patas na kilos ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Takdang Aralin Panuto : Balikan at isalaysay ang isang karanasan kung saan ikaw ay hindi trinato ng tama o sa tingin mo ay inabuso ang iyong karapatan . Ipaliwanag kung ano ang iyong natutuhan sa karanasang iyon . Isulat ito sa iyong kuwaderno .

Developer: SHIELA MARIE S. PARONG Evaluator: LEARNING RESOURCE MANAGERS CRISPIN A. SOLIVEN JR. CESE- Schools Division Superintendent MEILROSE B. PERALTA EdD, CESE- Assistant Schools Division Superintendent ISMAEL M. AMBALGAN- Chief, Curriculum Implementation Division SHERYL L. OSANO- Education Program Supervisor, LRMS JOSEVIC F. HURTADA PhD – Education Program Supervisor, GMRC DEVELOPMENT TEAM
Tags