SDO_Navotas_Math2_Q2_M3_Nasasabi at Naisusulat ang Oras (Hour, Half Hour, Quarter Hour) Gamit ang Analog Clock_FV.pdf

KimberlyAlfonso3 87 views 22 slides Dec 11, 2024
Slide 1
Slide 1 of 22
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22

About This Presentation

Grade 2 Mathematics Module


Slide Content

DIVISION OF NAVOTAS CITY
S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES

Mathematics
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Nasasabi at Naisusulat ang Oras
(Hour, Half Hour, Quarter Hour)
Gamit ang Analog Clock



2

Mathematics – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Nasasabi at Naisusulat ang Oras (Hour, Half Hour,
Quarter Hour) Gamit ang Analog Clock
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio


Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Melody Z. De Castro
Editor: Lilibeth J. Penaflor
Tagasuri: Alberto J. Tiangco
Tagaguhit: Melody Z. De Castro
Tagalapat: Melody Z. De Castro
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Alberto J. Tiangco, EPS in Mathematics
Grace R. Nieves, EPS in Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS



02-8332-77-64
[email protected]

3

Mathematics
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Nasasabi at Naisusulat ang Oras
(Hour, Half Hour, Quarter Hour)
Gamit ang Analog Clock

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Matematika 3 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Nasasabi at Nasusulat ang Oras
(Hour, Half Hour, Quarter Hour) Gamit ang Analog Clock!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:





Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.


Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Matematika 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Nasasabi at Nasusulat ang Oras (Hour, Half Hour, Quarter
Hour) Gamit ang Analog Clock!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang
mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa
o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

v

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot
sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

1


Sa modyul na ito ay malalaman kung paano gamitin ang
oras at pagkakaroon ng displina sa paggamit nito.
Ang oras ay mahalaga tayo nang pag-aralan ang oras
ayon sa mga sumusunod na kakayahan at gawain:
1. Nasasabi ang oras at nasusulat ito ayon sa hour, half hour
at quarter hour gamit ang analog clock.



Panuto: Pag-ugnayin ang oras na nakikita sa analog clock at sa
digital clock na nasa loob ng kahon.
1.

2.

3.

4.

5.

2

Aralin
1
Nasasabi at Naisusulat ang Oras sa
Hour, Half Hour at Quarter Hour
Gamit ang Analog Clock
Anong oras na? Alam mo ba ang mga oras sa bawat araw
na gawain mo sa paaralan ngayong tayo ay nasa New Normal
na sistema ng pag-aaral?
Sa ganitong pagkakataon ay mayroon tayong mga
takdang oras na inilalaan sa ating pag-aaral at oras sa pagsagot
ng modyul. Nagagamit mo ba ito ng may disiplina? Nasusunod
mo ba ito ayon sa itinakda ng iyong guro?
Halina at ating pagaralan ang oras gamit ang ibat ibang
paraan upang matutunan ito.

3

Masasabi mo ba kung anung oras na? May mga paraan
tayo na sinusunod sa pagbabasa at pagsulat ng oras gamit ang
analog clock, paano nga ba ito?












Mga Tala para sa Mga Magulang
Kung ang maliit na kamay ng orasan ay nakatapat sa
1 at ang mahaba naman ay nakatapat sa 12, maaring
sabihin na ito ay 1 o’clock. Kung ang maliit na kamay sa
orasan ay nakatapat sa 1 at mahabang kamay ng orasan
sa 6 ito ay 1:30 (one thirty o kalahiting oras bago mag ika-2 o
kalahating oras makalipas ang ika-1ng hapon.

4


Pagtukoy ng Oras
Ang araw araw na gawain ay
may itinakdang oras na dapat
sundin. Ating tandaan na ang
maliit at mahabang kamay sa
orasan ang nagsisilbing gabay
upang malaman natin kung ano
ang oras na sinasabi sa ating
orasan.


Basahin ang pag-uusap ng magkapatid na tauhan sa
dayalogo tungkol sa kanilang iskedyul ng klase sa blended
distance learning ng kanilang paaralan.
Iskedyul ng Klase nina Jacob at Julio
Julio: Anong oras ang umpisa ng klase ninyo?
Jacob: Kuya, kami ay naguumpisa ng 8:00 ng umaga at
natatapos sa 3:00 ng hapon.
Julio: Naipakita mo na ba kay nanay ang iyong iskedyul?
Jacob: Opo kuya, ang sabi ni nanay sundin daw ito para
makasunod ako sa iba pang gawain.
Julio: Anong oras na nga pala? Tayo ay nalilibang, maguumpisa
na rin ako sa aking klase. Alas-syete na pala ng umaga (7:00 AM).
Halina at maghanda na tayo ngayong araw.
Jacob: Sige kuya!

5
Narito ang iskedyul ni Jacob sa kanyang blended distance
learning.





Ar aw oras Gawain
Lu nes 8:00 AM
Panimu l ang gawain (pag awit ng
pambansang awit , pagdar asal ,
pageeher sisyo)
9:00 AM onl ine cl ass sa Mat hemat ics
11:30 l u nch Br eak
12 :00 PM modu l ar cl ass sa Ar al ing Panl ipu nan
2 :00- 3:00 PM kamu stahan
Mar tes 8:00 AM
Panimu l ang gawain (pag awit ng
pambansang awit , pagdar asal ,
pageeher sisyo)
9:00 AM onl ine cl ass sa MAPEH
11:30 l u nch Br eak
12 :00 PM
modu l ar cl ass sa Edu kasyon sa
Pagpapakat ao
2 :00- 3:00 PM kamu stahan
Miyer ku les 8:00 AM
Panimu l ang gawain (pag awit ng
pambansang awit , pagdar asal ,
pageeher sisyo)
9:00 AM onl ine cl ass sa Fil ipino
11:30 l u nch Br eak
12 :00 PM modu l ar cl ass sa Science
2 :00- 3:00 PM kamu stahan
Hu webes 8:00 AM
Panimu l ang gawain (pag awit ng
pambansang awit , pagdar asal ,
pageeher sisyo)
9:00 AM onl ine cl ass sa T .L.E
11:30 l u nch Br eak
12 :00 PM modu l ar cl ass sa Engl ish
2 :00- 3:00 PM kamu stahan
Biyer nes 8:00 AM
Panimu l ang gawain (pag awit ng
pambansang awit , pagdar asal ,
pageeher sisyo)
9:15 AM- 11:15
Onl ine Lear ning sa Homer oom
Gu idance
11:30 AM l u nch Br eak
12 :00 PM or as ng pagt apos sa mga modu l es
2 :00- 3:00 PM kamu stahan

6
Isulat sa orasan (analog clock) ang tamang oras ng mga
sumusunod ayon sa binigay na iskedyul.
1. Oras ng panimulang gawain ni Jacob ayon sa kanyang
iskedyul.




2. Tuwing anung oras ang kaniyang online class sa
Matematika?



3. Anong oras nakatakda ang araw araw nilang kamustahan?




4. Pagkatapos ng Lunch break, ano ang oras na susunod na
gawain?



5. Anong oras ang itinakda ng guro ni Jacob para sa kaniyang
pag-aaral sa Homeroom Guidance?

7


Panuto: Gamit ang analog clock isulat ang oras at mga gawain na
itinakda sa iyo ng iyong guro para sa blended distance learning.
Gawain Oras
Halimbawa:
Panimulang Gawain
Ika-8 ng umaga (8:00 AM)

1.
2.
3.
4.

8


Gawain 1
Panuto: Isulat ang tamang oras at iguhit ang mahaba at maikling kamay sa orasan
gamit ang hour (o’clock), half hour (kalahating oras bago at makalipas), quarter
hour (quarter to or quarter past to)
1. Oras ng
paggising


2. Oras ng umpisa
ng klase


3. Oras ng
Tanghalian


4. Oras ng
pamamahinga


5. Oras ng hapunan

9


Gawain 1: Basahin ang Tula
Ang Oras ay Mahalaga!
Tula ni Gng. Melody Z. De Castro
Tik-tak tik-tak tik-tak.
Ang oras ay mahalaga!
Maliit na kamay hinding hindi bibitaw,
Kay mahabang kamay oras ay nakasalalay .

Gamitin ng tama,
Oras ay huwag ipagwalang bahala
Buhay ay medya medya
kapag ikaw ay pabaya

Sa umaga, tanghali at gabi
Hindi maiiwasang tumingin sa tabi tabi
Anung oras na nga ba?
Ang sambit sa sarili.

Iyong tandaan, ang oras ay mahalaga!
Ginto sa panangin ng iba,
Gamitin ng tama at naayon saan pa,
Tagumpay mo ay di na iaasa.

10
Tandaan:
Ang orasan ay may dalawang arrow na tinatawag na “kamay”
ng orasan.
Ang mahabang kamay ng orasan ay nagpapakita ng minuto.
Tinatawag din itong “minute hand”.
Ang maliit o maiksing kamay naman ng orasan ay para sa oras na
tinatawag na “hour hand”.
Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng simbolo ng orasan at
mga kamay nito. Kung babasahin natin ang oras, ito ay 8:00
(eight o’clock).
Nakaturo ang maiksi o maliit na kamay sa bilang 8 at ang
mahabang kamay naman ay sa bilang 12.
Ang tinatawag na o’clock ay hour.
Ang tinatawag naman na half hour ay ang bilang 6 o :30.
Ang quarter hour naman ay ang bilang 9 o :45 (minute) kung
bago dumating ang oras na susunod, ang bilang 3 naman :15
(minute) kung makalipas na ang nasabing oras.
Ang mga kahon sa larawan ay sumisimbolo ng bawat minute sa
orasan.

11



Paper Plate Clock Activity
Mga gamit na kakailanganin:
1. Paper Plates
2. Colored Papers
3. Glue
4. Gunting
5. Rotating Pin
6. Panulat (Pentelpen)

Paraan ng paggawa ng “Paper Plate Clock”
1. Lagyan o sulatan ang paper plate ng mga bilang na
katulad sa nakikita sa orasan. (Maaring gumamit ng mga
ginupit na colored paper kung nais ng ibang kulay sa mga
bilang ng analog clock na gagawin, idikit lamang ito sa
paper plates)
2. Gamit ang gunting at colored paper, gumupit ng hugis
arrow na kamay para sa maiksi at mahabang kamay ng
orasan
3. Butasan ang paper plate sa gitna at ilagay ang mga ginupit
na arrow sa pamamagitan ng rotating pin.

12


Sagutin ang mga sumusunod:
1. Alin sa mga sumunod na orasan ang nagpapakita ng
twelve o’clock o 12:00?
a. b. c. d.

2. Ano ang oras ang ipinapakita sa larawan?
a. 1:00
b. 1:15
c. 1:30
d. 1:45
3. Isulat ang oras na nakikita sa analog clock.



4. Iguhit ang angkop na kamay sa analog clock ang
oras na nakikita sa digital clock.




5. Iguhit sa loob ng kahon ang orasan na nagpapakita
ng oras ng iyong pagtulog sa gabi.

13


Gumawa ng iyong sariling talaan ng mga gawain sa araw-araw.
Ang Aking Talaan Ng Mga Gawain
Gawain Oras sa Digital
Clock
Oras sa Analog
Clock








Subukin

Ang guhit ay
dapat nakatapat
sa mga
sumusunod:
1. 1:30
2. 3:00
3. 5:14
4. 1:45
5. 6:45

Tuklasin
Ang mga kamay
ng orasan ay
dapat nakatapat
sa oras na:
1.8:00
2.9:00
3.2:00
4.12:00
5.9:15
Suriin
Ang sagot ay
batay sa iskedyul
na mayroon ang
bata sa kanyang
pangaraw-araw
na gawain sa
paaralan

14


Sanggunian

Beth Gorden, et al: Educational Activities and Worksheets
www.123homeschool14me.com

Tayahin
1.D
2.C
3.6:45
4.
5.Ang sagot ay
dedepende
sa ibinigay
ng mag-
aaral
Pagyamanin

Ang sagot ay
batay sa iskedyul
ng magaaral

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas
Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound
M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: [email protected]
Tags