First Grading Period Ikalawang Lagumang Pagsususulit FILIPINO 2
Basahin ang maikling kuwento at ibigay ang mensaheng nais ipabatid . Isulat sa ang letra ng tamang sagot .
1. Isang hapon , nagsabi ang nanay na aalis siya sandali para bumili ng ulam sa palengke kaya inutusan niya si Ben na bantayan ang kanyang nilulutong sinaing . Maya maya tinawag ng kalaro si Ben at nakalimutan niya ang bilin ng kanyang ina dahil dito nasunog ang sinaing . Galit na galit ang nanay ni Ben sa nangyari . A. Nagalit ang nanay dahil walang kalaro si Ben. B. Nagalit ang nanay dahil may nakaaway siya sa palengke . C. Nagalit ang nanay ni Ben dahil maaaring masunog ang kanilang bahay . D. Nagalit ang nanay ni Ben dahil naglalaro si Ben nang umuwi ang nanay .
2. Masayang naglilinis ang magkakapitbahay sa kanilang paligid nang dumating si Kapitana Paola. May nagwawalis , naghahakot ng basura at nagtatabas ng damo . Mabilis nilang natapos ang gawain kaya natuwa si Kapitana Paola at binigyan sila ng meryenda . A. May oras ng kasiyahan . B. May libreng meryenda kapag nagtrabaho . C. Magagawa ang gawain kung may nakabantay . D. Nagiging madali at magaan ang gawain kung nagtutulungan .
3. Nagkukuwentuhan habang bumibili ng meryenda sa kantina ang magkaklaseng sina Ana at Kass . Naalala ni Kass ang sabi ng nanay niya na kumain ng masustansiyang pagkain kaya bumili siya ng nilagang saging at nilagang itlog . A. Kumain ng junk foods. B. Kumain ng mga kendi . C. Kumain ng imported na pagkain . D. Kumain ng masustansiyang pagkain .
4. Ikapito ng gabi, tapos nang kumain ng hapunan ang Pamilya Dinglasan . Inaantok na si Nikki ngunit nais pa ng kapatid niya na manood ng telebisyon . Naalala ni Nikki ang paalala ng guro na mag- aral ng leksiyon dahil mayroon silang pagsusulit . A. Makipaglaro sa kapatid . B. Makipagkuwentuhan sa pamilya . C. Basahin at pag-aralan ang mga aralin . D. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi .
5. Pagkatapos kumain , si Roda ang naatasan na magligpit ng pinagkainan dahil maglalaba pa ang nanay niya ng mga damit . Nais mo sanang lumabas para mamasyal sa parke kasama ang iyong mga kaibigan . A. Makipagtulungan sa mga kaibigan . B. Maghain ng mga pagkain sa lamesa . C. Itapon sa basurahan ang pinagkainan . D. Linisin ang lamesa at hugasan ang mga plato .
Pag- aralan ang larawan . Piliin ang letra ng wastong panuto ayon sa larawan . Isuot ang bag at sombrero. Hawakan ang bag at sombrero 6.
Pag- aralan ang larawan . Piliin ang letra ng wastong panuto ayon sa larawan . Magmano sa lolo. Magmano sa lola. 7.
Pag- aralan ang larawan . Piliin ang letra ng wastong panuto ayon sa larawan . Tawagin ang kaibigan at maglaro ng habulan Tawagin ang kaibigan at makipagkuwentuhan 8.
Pag- aralan ang larawan . Piliin ang letra ng wastong panuto ayon sa larawan . Ngumiti at kumaway Tumayo at magsayaw 9.
Pag- aralan ang larawan . Piliin ang letra ng wastong panuto ayon sa larawan . Buhatin ang manika. Buhatin ang regalo. 10.
Ang magkapatid na Roel at Joel ay masayang nagtungo sa tabing dagat . Mainit ang araw noon. Gumawa sila ng maliit na kastilyong buhangin.Nanguha sila ng mga kabibe na iba’t iba ang laki,kulay at hugis.Ganoon na lang ang gulat nila nang biglang lumaki ang alon.Kumaripas sila ng takbo . ____ 11. Sino ang nagpunta sa tabing dagat ? Sina Roel at Joel B. Sina Joel at Rose C. Sina Rudy at Joel D. Sina Rey at Roy ____12. Bakit sila nagulat ? A. Uminit ang sikat ng araw B. lumaki ang alon sa dagat C. Nasira ang kastilyong buhangin D. Dumating ang nanay nila
Ang Matalik na Magkaibigan Matalik na magkaibigan sina Tiktok Manok at Ming Pusa , mahal nila ang isa’t isa. Madalas na maglaro ang dalawa sa bukid . “ Bilisan mo naman ang takbo Tiktok malayo na ang bola,” ang wika ni Ming. Saluhan ng bola ang madalas nilang nilalaro . Sa kanilang pag-uwi lagi silang nakikipag-unahan sa paglubog ni Haring Araw . 13. Sino- sino ang bida sa kuwento ? a. Beng at Ming c. Tiktok at Ming b. Tiktok at Maya d. Beng at Mata
14. Ano ang madalas nilang nilalaro ? a. saluhan ng bola c. taguan b. habulan d. sipa 15. Paano ipinakita ng magkaibigan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa? a. Palagi silang nag- aaway . b. Sabay silang kumakain . c. Madalas silang maglaro . d.Sila ay nagbibigayan .
Si Mimi Kambing Si Mimi Kambing ay isang pasaway na anak . Hindi siya sumusunod sa mga bilin at pinag-uutos sa kanya. Kaya madalas si Mimi ay napagsasabihan ng kanyang mga magulang . Isang araw , sina Amang Kambing , Inang Kambing at Mimi ay pumunta sa burol upang kumuha ng pagkain . “Anak, huwag kang palundag-lundag baka mahulog ka sa bangin ,” ang bilin ni Inang Kambing . Ngunit nagpatuloy pa rin sa paglundag si Mimi. Nang bigla na lang may narinig si Inang Kambing “ Mee -mee! Tulong ! Tulungan ninyo ako ,” ang malakas na iyak ni Mimi
16. Sino ang pasaway na kambing ? a.Enteng b. Mimi c. Emi 17. Bakit siya madalas pagsabihan ng kanyang mga magulang ? a. Dahil siya ay madaldal . b. Dahil siya ay pasaway . c. Dahil siya ay matakaw .
18. Sino- sino ang nagpunta sa bukid ? a. Amang Kambing , Inang Kambing at Mimi b. Amang Baka, Inang Baka at Berto c. Amang Usa , Inang Usa at Isa
19. Ano ang bilin sa kanya ni Inang Kambing habang sila ay nasa burol ? a. “Anak, huwag kang palundag-lundag baka mahulog ka sa bangin .” b. “Anak, huwag kang pupunta sa malayo .” c. “Anak, umupo ka lang.”
20. Ano ang nangyari kay Mimi nang hindi siya sumunod sa bilin ng kanyang ina ? Siya ay nadapa . b. Siya ay nawala sa burol . c. Siya ay nahulog sa bangin