SINING https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftl.wikipedia.org https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fccat.sas.upenn.edu KULTURA
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.deviantart.com https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fici.radio-canada. KULTURA SINING
“Relate mo ba?” Sino dito ang may playlist sa Spotify na puno ng K-pop, P-pop, OPM, at Taylor Swift? 🎶 Sino dito ang nanonood ng anime, K-drama, o nagti-TikTok araw-araw? Ang saya, ‘di ba? Ganito ka-diverse ang mundo natin ngayon bukas sa lahat, konektado, makabago! Pero habang yakap natin ang kultura ng iba Tanong? Kilala pa ba natin ang sarili nating kultura? Pag sinabing sining at kultura ng Pilipinas, anong pumapasok sa isip mo?
“Throwback Time” Naalala mo pa ba noong bata ka, sumasayaw ka ng tinikling o singkil sa school program? O ‘yung tuwing pista, may mga sayawan, parada, at mga awiting OPM na tumutugtog sa kalsada? Ngayon, puro cellphone, streaming, at trending hashtags na
“What If...?” What if... bukas, mawala na lahat ng sining at kultura sa bansa natin? Wala nang mga likhang-sining, katutubong wika, kasaysayan, o tradisyon. Wala na ring sayaw sa pista, kundiman, o katutubong damit lahat puro imported, lahat pare-pareho. Nakakabahala, ‘di ba?
“Hashtag Real Talk” #RealTalk lang, mas alam pa ng iba kung sino si Jungkook kaysa kay Francisco Balagtas. Mas kabisado pa natin ang lyrics ng foreign songs kaysa sa “Lupang Hinirang.” Pero hindi ito tungkol sa pagbabawal sa global culture. Ito’y tungkol sa balanse. Pwede tayong makisabay sa mundo, basta’t dala natin ang ating sarili.
“Dugtungan Mo Ako” “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan…” ...ay hindi makararating sa paroroonan Tama! Pero sa panahon ngayon ng globalisasyon, tila nakakalimutan na natin ang ating pinanggalingan. Sa sobrang dami ng banyagang impluwensya, minsan, nahuhuli na ang sarili nating kultura.
KALAGAYAN NG SINING AT KULTURA SA PANAHON NG GLOBALISASYON SINING https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftl.wikipedia.org
LAYUNIN: 1. Naipakikita ang kaalaman sa kalagayan ng sining at kultura sa panahon ng globalisasyon. 2. Naipapakita ang kaalaman sa positibong paggamit ng kasanayang ICT sa pagsusuri ng mga kulturang popular at artipisyal. 3. Nailalapat sa tunay na buhay ng Kulturang Popular.
KULTURA Ito ay isang sining na kadalasang tumutukoy sa paggawi at kinaugalian ng isang tao ng kalipunan ng tao. Nagtatampok din ito ng paraan ng pag-iisip ng ilan may patungkol sa mga bagay-bagay noong pasimula pa na maaring maipamana sa ngayon.
SINING Ito ay iba't ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig,o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon,malikhang pag iisip,o teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin.
Ang globalisasyon ay ang proseso ng mas malawak na ugnayan , palitan , at interaksyon ng mga bansa , tao , negosyo at kultura sa buong mundo . Nagiging mas konektado ang mga bansa sa larangan ng ekonomiya , politika , teknolohiya , edukasyon , komunikasyon at kultura . https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.youtube.com.
KULTURA NG GLOBALISASYON Ang pilipinas ay nakapailalim sa mga kasunduan at patakarang pinagkaisahan at idinidikta ng mga economic superpowers o mga imperyalistang bansa . Kabilang dito ang mga neoliberal na patakaran ng liberalisasyon , deregulasyon , at pribahitasyon na itinutulak ng IMF, WB at WTO lalo na sa mga mahihirap na bansa .
KULTURA NG GLOBALISASYON Ang kultura ng globalisasyon ay tumutukoy sa pagsasanib at pag-impluwensya ng iba’t ibang kultura mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa mga nagaganap na proseso ng globalisasyon . Narito ang ilang mga aspeto ng kultura ng globalisasyon : 1.Pagkakalat ng kultura - S a teknolohiya at mga platform tulad ng internet at social media, nagiging mas napadali sa mga tao na magbahagi ng kanilang kultura sa iba . 2.Pagkakahalo ng kultura - Ang globalisasyon ay humahantong sa paghahalo ng iba’t ibang kultura .
3. Pagkakapareho ng kultura Habang nagiging global ang komunikasyon , maaaring mapansin ang pagkakapareho ng mga kultura sa iba’t ibang bansa . 4. Pagpapanatili ng kultura Kasabay ng pagkakalat at pagkakahalo ng kultura , may mga hamon sa pagpapanatili ng sariling kultura ng isang bansa o komunidad . 5. Pagkakaiba-iba - Sa kabila ng pagkakapareho na nilikha ng globalisasyon nananatili pa rin ang natatanging aspeto ng bawat kultura .
MALAYANG KALAKALAN NG MGA PRODUKTONG PANGKULTURA Ito ay tumutukoy sa proseso ng malayang pagpapalitan ng mga produktong may kultural na halaga sa pagitan ng mga bansa o kultura nang walang malaking mga hadlang o patakaran mula sa pamahalaan. Ito ay nagpapahintulot sa mga kultura na magkaroon ng ugnayan at makipagpalitan ng kanilang mga tradisyon, sining , at iba pang kultural na produkto.
Narito ang ilang halimbawa ng ng malayang kalakalan ng mga produktong pangkultura: 1. Paggamit ng kultura sa turismo - Maraming mga bansa ang nagbebenta ng kanilang kultural na produkto tulad ng tradisyonal na kasuotan, kagamitan, at artefak para sa mga turismo. 2. Pandaigdigang pagpapalitan ng musika - Ang musika ay isa sa mga pinakapopular na kultural na produkto ng naglalakbay sa buong mundo. 3. Pag-export ng Sining at Litratura - ang mga libro, pelikula, at sining na gawa sa iba’t ibang kultura ay nagiging popular sa ibang mga bansa dahil sa malayang kalakalan.
Halimbawa kung saan maaaring makinig ng musika: SPOTIFY YOUTUBE https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmartech.org https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fstock.adobe.com
WORLD CLASS CULTURE Ang “world class culture”ay konteksto ng sining at kultura sa panahon ng ng globalisasyon ay tumutukoy sa mga kultural na gawain at likhang sining na may mataas na kalidad at kinikilala sa buong mundo. https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.istockphoto.com
CULTURAL DIVERSITY Ito ay pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang pagtingin na may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na igalang , protektahan , at paunlarin ang mga pagkakaiba ng mga ito . https:// www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fctb.ku.edu
Kalakaran ng globalisasyon hinggil sa C ultural D iversity Tinatangkilik ng gobyerno ang paglikha ng napakaraming produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura . Ang pagkakaroon ng “ kakaiba ”, ispesipiko , “ walang katulad ”, at exotic na kulturang magiging mabenta sa pamilihan ang kaisipang gumagabay dito . KAHALAGAHAN NG CULTURAL DIVERSITY Mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao . Mas nadaragdagan ang mga kaalaman , at nahahasa ang iyong mga kakayahan . Nabibigyan ng pagpapahalaga ang bawat kultura .
https:// www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.abs-cbn.com https:// www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwoven.ph https:// www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.abs-cbn.com HALIMBAWA : Mga lokal na artisan crafts at produktong nagpapakita ng yaman ng kulturang P iliino . Ito ay maaaring mga indigenous handicrafts tulad ng mga tsinelas , basket , at iba pang gawang-kamay na likha ng mga lokal na tribu at komunidad , na nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapahalaga sa kultura at tradisyon .
KULTURA NG TURISMO Laganap ang samu't-saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga lokalidad at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa. Sa isang banda nakabubuti ang turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na makilala ang mayamang kultura sa ating bayan. https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fclimate.gov.ph
Ngunit kung ang pangunahing layunin ay kumita ng pera, nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa pinagkakakitaan ang kultura, mas masahol ang usapin ng panghihimasok sa isang kultura at ang artipisyal na pagpoproseso dito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa hindi, nababago sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fcorporatefinanceinstitute.com
Sa praktika ng gobyerno, ginagamit nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan. Sa isang banda, sinusuportahan nito ang produksyon ng mga tradisyuna na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa mga kababayang tumutugon sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal na produksyon.
KULTURANG POPULAR AT ARTIPISYAL Tinatangkilik ng nakararami at tumutugon sa mga kahiligan at panlasa ng masa. Ang kulturang popular ay nagiging artipisyal kapag ito'y “binebenta” ng industriyang pangkultura ng mga lokal na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili.
Ang mga eksena mula sa palabas na Wowowee at iba pang gameshow ay nagpapakita ng matinding depresyon ng napakaraming maralitang Pilipino. Pinapalaganap nito ang pantasya na "swerte" at kagandahang-loob ng iba ang sagot kahirapan ng masa. https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fjournalnews.com.ph https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fdryedmangoez.com
Gayundin, hungkag ng kaligtasan ang nilalako ng mga fantaserye at telenovelas, gawa man dito o dinub mula sa ibang bansa, sa mga palabas na ito, hindi sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga masasamang nilalang. https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.spot.ph https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com