Titser ISANG PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKANG: Maikling Kwento / Nobela ni Liwayway Arceo
Buod Binuod ni De Leon, S. B. I.
Buod (1/10) Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag- asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo . Nakapokus ang naratibo sa mariing di- pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita , sa pagsasamahan ng dalawa .
Buod (2/10) Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may " titulo ," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso , dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging " titser ,” bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak .
Buod (3/10) Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo , isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita . Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga , at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan .
Buod (4/10) Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo , agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo , at dahil na rin sa poot sa bunsong anak , umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila.
Buod (5/10) Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak , labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito , at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay . Samantala , sa probinsya , nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos.
Buod (6/10) Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal . Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Buod (7/10) Kahit ganito ang sitwasyon , hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag- asawa . Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon . Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata . Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya , at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating .
Buod (8/10) Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo , subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan . Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw . Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya . Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita , kahit na may asawa't anak pa ito .
Buod (9/10) Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida , at naging magaan ang loob nito sa bata . Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda . Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita , at labis na nag- alala ang mag- asawa . Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata , ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo .
Buod (10/10) Di nagtagal , napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita . Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag- asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak . At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali .
Buod De Leon, S. B. (n.d.). Titser ni Liwayway A. Arceo . https://www.academia.edu/38809099/ Titser_ni_Liwayway_A_Arceo
Pamagat II .
Pamagat (1/2) " Titser " ang pamagat ng nobela ni Liwayway Arceo sapagkat ito ang sentrong tema ng kwento . Si Amelita , pangunahing tauhan , ay guro na sumasagisag sa paninindigan , sakripisyo , at pagmamahal sa propesyon , sa kabila ng mababang sweldo , kakulangan ng suporta , at minsang pagmamaliit ng lipunan .
Pamagat (2/2) Pinili niya ang pagtuturo kahit tutol ang ina at may pagkakataong mag- asawa ng mayaman . Ang pamagat ay kumakatawan hindi lamang sa kanyang propesyon , kundi sa kanyang katauhan , prinsipyo , at pakikibaka , na nagpapakita ng tunay na halaga ng guro sa buhay , pamilya , at lipunan .
Elemento ng Maikling Kwento III.
A. Tauhan
Elemento ng Maikling Kwento ( Tauhan ) 1. Amelita Martinez – Tungkulin : PROTAGONISTA – Paliwanag : Siya ang pangunahing tauhan ng nobela . Ang mga desisyon , prinsipyo , at laban niya bilang guro ang siyang pinakabuod ng kwento . LAPAD: Matatag sa simula hanggang wakas, hindi nagbago ang paninindigan .
Elemento ng Maikling Kwento ( Tauhan ) 2. Aling Rosa – Tungkulin : ANTAGONISTA – Paliwanag : Ina ni Amelita na kumokontra sa kanyang mga pasya , lalo na sa pagpili ng propesyon at kabiyak . Simbolo siya ng mapanghusgang lipunan . BILOG: Sa simula , siya ay mapanghusga at inuuna ang materyal na bagay . Sa huli , nagbago ang kanyang pananaw at tinanggap si Mauro at ang desisyon ng anak .
Elemento ng Maikling Kwento ( Tauhan ) 3. Mauro – Tungkulin : DEUTERAGONIST AT CONFIDANT – Paliwanag : Asawa ni Amelita . Isa ring guro na palaging nasa tabi niya bilang tagasuporta . Tumutulong siya sa pagharap ng pangunahing tauhan sa mga hamon . LAPAD: Nanatili siyang mabait , matapat , at suportado kay Amelita mula simula hanggang wakas.
Elemento ng Maikling Kwento ( Tauhan ) 4. Osmundo – Tungkulin : ANTAGONISTA AT STOCK CHARACTER – Paliwanag : Mayamang manliligaw na nais mapangasawa si Amelita . Kinakatawan niya ang tukso ng yaman at mataas na estado . Isa siyang karaniwang tipo ng karakter sa mga panitikang may temang " mayaman vs. maralita ". BILOG: Sakim at mata-pobre sa simula ng kwento , ngunit tuluyan niyang tinanggap na hindi na talaga si mamahalin ni Amelita at hindi na niya pinagtangkaang muli si Mauro.
Elemento ng Maikling Kwento ( Tauhan ) 5. Rosalida – Tungkulin : STOCK CHARACTER – Paliwanag : Anak nina Amelita at Mauro. Bagama’t sanggol pa lamang , siya ang naging daan upang mapagtanto ni Aling Rosa ang kahalagahan ng pagmamahal at sakripisyo . LAPAD: Hindi masyadong nabigyang pansin ang karakter ni Rosalida kaya’t nanatili siyang mabait at marunuring bata .
Elemento ng Maikling Kwento ( Tauhan ) 6. Katiwala ni Osmundo – Tungkulin : STOCK CHARACTER – Paliwanag : Siya ang inutusan ni Osmundo para patayin si Mauro, ngunit hindi natuloy dahil sa utang na loob . Bahagi siya ng kasukdulan ng kwento . BILOG: Sumang-ayon siya sa utos ni Osmundo na patayin si Mauro, ngunit nagbago ang kanyang isip dahil sa utang na loob nito kay Mauro.
B. Taugpan
Tagpuan : Isang probinsya sa Pilipinas Itinakda ni Liwayway A. Arceo ang Titser sa Pilipinas upang malinaw na maipakita ang kalagayan ng mga guro at mamamayan sa isang tipikal na bayang Pilipino, kasama ang mga hamon sa edukasyon , kahirapan , at impluwensya ng kayamanan sa ugnayan ng tao . Ang tagpuan sa bansa ay nagbibigay ng makatotohanang konteksto , nagpapakita ng kultura , wika , at kaugalian na pamilyar sa mambabasa , at mas epektibong naipapahatid ang mensahe sapagkat nakaugat ito sa karanasan at realidad ng lipunang Pilipino.
C. Tunggalian
Tunggalian : Tao laban sa Tao & Tao laban sa Lipunan Tao laban sa Tao – Labanan nina Mauro at Osmundo para sa pag-ibig ni Amelita , pati ang pagtutol ng ina ni Amelita sa kanilang relasyon . Tao laban sa Lipunan – Pagsusumikap ni Amelita na magtagumpay bilang guro sa kabila ng mababang sahod , kakulangan sa pasilidad , at mababang tingin ng ilan sa propesyon .
D. Suliranin
Suliranin Ang pangunahing suliranin sa Titser ay ang pakikibaka ni Amelita na tuparin ang tungkulin at paninindigan bilang guro habang humaharap sa mababang sahod , kakulangan ng pasilidad sa paaralan , at panghihimasok ng personal na buhay — kabilang ang pagtutol ng ina sa kanyang kasintahan at ang tukso ng marangyang buhay na inaalok ni Osmundo .
E. Tema
Tema Ang tema o paksa ng nobelang pinamagatang “ Titser ” ay tungkol sa paninindigan at pagpapasiya , maging kung paano ito pinanghahawakan , panahon lamang ang hahatol sa atin , maging ano man ang ating larangan at ang pakikialam ng ina o ng magulang sa pag-aasawa at propesyon ng anak .
F. Banghay
Banghay : Simula Ipinakilala si Amelita Martinez, isang matalinong babae na piniling maging guro sa kabila ng mas mataas na oportunidad sa ibang larangan . Mahal niya ang pagtuturo at naniniwala siyang ito ay makabuluhan para sa bayan. Ipinakita rin ang kangyang ina , si Aling Rosa, ang ina na mapanghusga at materialistiko . Maaga pa lang ay tutol na si Aling Rosa sa desisyon ng anak dahil mababa ang tingin niya sa pagiging guro at maliit ang kita .
Banghay : Saglit na Kasiyahan Nang malaman ni Aling Rosa na mayroong mayamang manliligaw si Amelita na si Osmundo , ginawa niya ang lahat upang mailayo ito kay Mauro, isang kapwa guro na kasintahan ni Amelita . Para sa ina , mas mainam na mapangasawa ng anak ang isang mayaman kaysa sa isang guro . Patuloy na hinikayat ni Aling Rosa si Amelita na piliin si Osmundo . Sa kabila nito , nanatiling tapat si Amelita kay Mauro at sa propesyong pinili .
Banghay : Kasukdulan Agad na nagpakasal sina Amelita at Mauro dahil sa takot na pilitin ni Aling Rosa si Amelita kay Osmundo . Dahil sag alit ni Aling Rosa, umalis siya sa kanilang probinsya at nanatili sa Maynila. Dahil naman sa galit at selos , nag- utos si Osmundo sa kanyang katiwala na patayin si Mauro. Hindi natuloy ang balak dahil minsan nang natulungan ni Mauro ang anak ng katiwala .
Banghay : Kakalasan Nagdadalang tao na si Amelita at pitong buwan pa lamang ay ipinanganak na niya si Rosalinda at kaylangang dalhin sa ospital . Dumalaw si Aling Rosa, kahit na may konting poot parin siya sa anak ngunit nanatiling malamig ang pakikitungo kay Mauro. Matapos ang ilang taon ay bumalik si Osmundo sa Pilipinas at nakitang muli si Amelita na may pamilya na ngunit hindi na niya pinagtangkaang muli ang buhay ni Mauro at mabuti pa ang pakikitungo niya sa kanilang anak na si Rosalida .
Banghay : Wakas Napagtanto ni Osmundo na wala na talaga siyang pagasa kay Amelita at bumalik sa Estados Unidos. Nagakroon ng malubhang sakit si Aling Rosa at tanging si Amelita lamang ang dumalaw at nag- alaga sa kanya. Ang iba niyang anak ay pawang pera at gamot lang ang ipinadala . Napagtanto ni Aling Rosa ang kanyang pagkakamali at tinanggap na niya ang propesyon ni Amelita at ang kanyang asawa na si Mauro. Naipakita sa huling bahagi ng nobela na ang pagiging guro , bagama’t hindi marangya , ay marangal at makabuluhan . Nagtapos ang kwento na may pagkakasundo at pagtanggap sa pamilya .
G. Punto de Bista o Point of View
Punto de Bista o Point of View Ang punto de bista ng Titser ay ikatlong panauhan (third-person point of view). Isinasalaysay ng isang tagapagsalita na hindi tauhan sa kwento ang mga pangyayari , inilalarawan ang kilos, iniisip , at nararamdaman ng mga karakter , lalo na ni Amelita . Dahil dito , nabibigyan ng mas malawak na pananaw ang mambabasa sa kabuuang takbo ng kwento at sa relasyon ng mga tauhan .
H. Mensahe
Mensahe (1/2) Ang Titser ay nagpapahayag na ang tunay na tagumpay at dangal ay makakamtan sa pagiging tapat sa tungkulin , paninindigan , at pagmamahal kahit sa harap ng kahirapan at tukso . Ipinapakita nito na ang edukasyon ay pundasyon ng pagbabago sa lipunan at mahalaga ang sakripisyo ng mga guro , na dapat pahalagahan at suportahan ng lahat.
Mensahe (2/2) Itinuturo rin ng kwento na ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa yaman kundi sa katapatan at respeto , at na ang pagharap sa hamon nang may prinsipyo ay nagdudulot ng personal na karangalan at kapayapaan ng kalooban .
Pagpapahalagang Pampanitikan IV.
Pagpapahalagang Pampanitikan : Sa sarili Nagbibigay-inspirasyon ang kwento upang manindigan sa sariling desisyon , lalo na sa pagpili ng propesyon at pag-ibig . Naipapakita rito na mahalagang pakinggan ang sariling prinsipyo kaysa magpaapekto sa dikta ng ibang tao .
Pagpapahalagang Pampanitikan : Sa pamilya Ipinapakita ang kahalagahan ng pag-unawa at pagtanggap sa mga desisyong ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya . Itinuturo rin na ang tunay na pagmamahal ng magulang ay nasa pagrespeto sa mga pangarap ng anak , hindi sa paghahangad ng marangyang buhay .
Pagpapahalagang Pampanitikan : Sa lipunan Binibigyang-diin ang mataas na papel ng mga guro bilang tagapagturo ng kabataan at tagahubog ng kinabukasan . Pinapakita rin ang diskriminasyon sa mga propesyong " mababang tingnan " ngunit may malaking ambag sa pag-unlad ng bansa .
Pagpapahalagang Pampanitikan : Pambansa Ang akda ay nagsisilbing paalala na ang edukasyon ay pundasyon ng isang matatag na bansa . Hinihikayat nitong igalang at bigyang halaga ang mga guro bilang haligi ng kaalaman , disiplina , at pag-asa ng sambayanang Pilipino. Sa kabuuan , ang " Titser " ay hindi lamang kwento ng isang babae , kundi kwento ng prinsipyo , sakripisyo , at mulat na paninindigan para sa sarili , pamilya , at bayan.
Simbolismo at Tayutay V.
Simbolismo at Tayutay (1/5) Walang malinaw na simbolismo sa Titser sapagkat ang kwento ay isinulat sa paraang realistiko at tuwiran , hindi gumagamit ng matalinghagang pagpapahayag . Ang mga elemento at pangyayari ay inilalarawan ayon sa tunay na kalagayan ng lipunan at mga guro , kaya’t ang kahulugan ay nakukuha mismo sa malinaw na paglalahad ng karanasan ng mga tauhan .
Simbolismo at Tayutay (2/5) Mga Tayutay : 1. Sumusuksok na araw sa kanluran – Pagsasatao (Personification) → Binigyan ng kilos ng tao ang araw na “ sumusuksok ” habang lumulubog . 2. Isang bahagi ng kanyang katauhan ang yayao – Pagmamalabis (Hyperbole) → Pinalabis upang ipahiwatig na maaari na siyang bumigay sa bigat ng suliranin .
Simbolismo at Tayutay (3/5) Mga Tayutay : 3. Bumayo ng tibok ng kanyang puso – Pagmamalabis (Hyperbole) → Pagpapalabis sa paglalarawan ng biglang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso . 4. Apoy na nag- aalimpuyo sa mga mata – Pagmamalabis (Hyperbole) → Ginamit ang “ apoy ” bilang matinding paglalarawan ng galit .
Simbolismo at Tayutay (4/5) Mga Tayutay : 5. Tila ipinako [ si Amelita ] sa kinatatayuan – Pagtutulad (Simile) → Paghahambing gamit ang “ tila ” upang ipakita na hindi siya makagalaw . 6. Para kang ahas na natuklaw – Pagtutulad (Simile) → Paghahambing gamit ang “para” upang ilarawan ang pagkabigla o pagka-paralisa .
Simbolismo at Tayutay (5/5) Mga Tayutay : 7. Tila papel na sinidihan ang kanyang galit – Pagtutulad (Simile) → Paghahambing sa biglang pagsiklab ng galit sa apoy ng papel . 8. Tila may tumarak sa dibdib – Pagtutulad (Simile) → Paghahambing ng matinding sakit ng damdamin sa pagsaksak sa dibdib .
Turi ng Maikling Kwento VI.
Uri ng Maikling Kwento Ang Titser ni Liwayway A. Arceo ay maikling kwentong tauhan (character-centered short story). Ito ay dahil nakatuon ang kwento sa paghubog , damdamin , at karanasan ng pangunahing tauhan —kung paano siya nakikibaka sa mga hamon , kung paano umuunlad ang kanyang kaisipan at damdamin , at kung paano naapektuhan ng mga pangyayari ang kanyang pagkatao at pananaw sa buhay . Sa halip na puro aksyon o misteryo , mas binibigyang-diin nito ang paglalarawan ng ugali, desisyon , at emosyon ng tauhan .
Maraming salamat sa Pakikinig ! IKATLONG PANGKAT SIGNING OUT <3