Balikan Natin ! Dalawang pangkalahatang uri ng Panitikan : 1. Akdang Tuluyan – nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap . hal . Nobela , Maikling kuwento , dula , alamat , pabula , anekdota , sanaysay , talambuhay , balita , talumpati , parabula 2. Akdang Patula – mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig , tugma , taludtod , at saknong
Ang Tula Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita , pagbilang ng mga pantig , at paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat . Bagamat sa kasalukuyan ay unti-unting nawawala ang sukat at tugma ng isang tula , lalo’t ang makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan .
Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan : yaong sa manunulat , sa guro at mag-aaral , bagama’t ang pinakadiwa nito ay iisa lamang .
MGA PATULA 1. Tulang Pasalaysay – tulang may sukat at tugma . Ang layunin ay magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay , pag-ibig at pakikipagsapalaran ng bayani o mga bayaning tauhan sa paraang patula . Epiko —tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa pakikipagsapalaran , kabayanihan at katapangan ng bayaning tauhan na nagtataglay ng mga di-kapani-paniwalaang kakayahan ngunit nakapag-iiwan ng aral at magandang halimbawa sa mambabasa . Awit at korido — mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran , at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna , prinsipe at prinsesa .
Awit - 12 pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya . Korido - 8 pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa . Ballad — May 6-8 pantig na may himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw .
2. Tulang liriko / pandamdamin – nagpapahayag ng damdaming maaaring saruili ng sumulat o ng ibang tao , o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na batay sa isang karanasan . Kantahin o awiting bayan —karaniwang paksa ay pag-ibig , kawalang pag-asa o pamimighati , pangamba , kaligayahan , pag-asa at kalungkutan . Soneto —tulang may 14 na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan , may malinaw na batiran ng likas na pagkatao at s kabuuan , ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa . Elihiya —nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao .
Oda — nagpapahayag ng isang papuri , panaghoy , o iba pang masiglang damdamin ; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang taludtod sa isang saknong . Dalit —awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay . Pastoral —may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid .
3. Tulang pandulaan / pantanghalan a. Komedya - isang gawa na ang sangkap ay piling- pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng mga manonood . b. Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal , kasama na ang opera. c. Trahedya – angkop sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan . d. Parsa – layunin nitong magpasaya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa . e. Saynete – ang paksa nito ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook .
4. Tulang patnigan a. Karagatan b. Duplo c. Balagtasan
TULA — ang tula ay kagandahan , diwa , katas , larawan at kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit .( Iñigo Ed. Regalado ) Suka t—bilang ng pantig sa loob ng isang hati o bahagi ng isang pangungusap . Ito ang sinasabing tagal o bilang ng bagsak ng tunog sa diin o bigkas ng mga salita sa taludtod .” ( Gener , 1965) Sesura —katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig na isang pangkat ng mga salitang may iba’t ibang pantig sa loob ng isang taludtod . Masasabi ring ito ay ang bahagyang pagtigil (light pause) sa gitnang bahagi ng taludtod na may bilang na 12 o 18 pantig sa loob ng isang taludtod .
Estropa o saknong —kalipunan ng mga taludtod na karaniwang magkakatugma at nagpapahayag ng isang kaisipan o bahagi ng paksang tinataglay ng buong tula . ( Lamberto Ma. Gabriel) Kopla—estropang may 2 taludtod Hal: “ Bakit ako’y ibong binuhay pang muli Kung sa iyong palad ay kikitiling dagli .” ( C.M.Vega , “Sa Tagpuan ng Araw at Gabi”) Terseto—estropang may 3 taludtod Hal: “ Aninong maitim sa mukha ng araw , Tabing na pansangga sa ngiti ng buhay ,-- Palagay ko’y ganyan pag may kakulangan .” ( J.V. Panganiban , “ Kalooban ”)
3. Kwarteto—estropang may 4 na taludtod Hal: “Sa yungib na yao’y ibig kong ibalik Ang hubad na bakas nang ako’y umalis , Sa yungib na yao’y ibig kong isilid Ang sugat-sugatang yabag ng daigdig !” ( C.C.Marquez , Jr., “Sa Yungib na Yaon ”) 4. Kinteto—estropang may lilimahing (5) taludtod Hal: “ Ikaw baa no? Ikaw ba’y pag-ibig . Halamang ligaya ng tigang na dibdib ? Bakit nang nupling ka sa puso kong sabik , Ang mga ugat mo’y may pighating hatid ?” ( A.I.Dizon , “ Ikaw Ba’y Ano ?”)
5. Senteto—estropang aaniming (6) taludtod Hal: “Hindi na mabilang Sa buhok ang uban … Sa pisngi’t sa noo ay nakabalatay Ang guhit na tanda ng pinagdanasan … Limampu’t tatlo na ang kapanahunang Lumipas sa kanya , sapul nang isilang .” ( P.A.Dionisio , “ Panibugho ”) Tugma —tunog sa dulo ng taludtod ng tula na kahimig ng dulo ng mga ibang taludtod sa loob ng isang estropa .
PAGGAMIT NG GUNIGUNI Sa pagsulat ng anumang akdang pampanitikan , sa malikot na pananaw ng makata ay hindi niya makakaligtaan ang gumamit ng guniguni . Ito ay nkadaragdag nang madali sa kahalagahan ng alinmang akdang sining .
Isang Punongkahoy Jose Corazon de Jesus Kung tatanawin mo sa malayong pook , Ako’y tila isang nakadipang kurus Sa napakatagal na pagkaluhod , Parang hinahagkan ang paa ng diyos . Organong sa loob ng isang simbahan , Ay nananalangin sa kapighatian , Habang ang kandila ng sariling buhay , Magdamag na tanod sa aking libingan ...
Sa aking paanan ay may isang batis , Maghapo’t mgdamag na nagtutumangis , Sa mga sanga ko ay nangagkasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig . Sa kinislap-kislap ng batis na iyan Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal At saka ang buwang tila nagdarasal , Ako’y binabati ng ngiting malamlam !
Ang mga kampana sa tuwing orasyon , Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy Ibon sa sanga ko’y may tabing na dahon , Batis sa paa ko’y may luha ng daloy . Ngunit tingnan ninyo ang aking narating , Natuyo , namatay sa sariling aliw , Naging kurus ako ng pagsuyong laing , At bantay sa hukay sa gitna ng dilim .
Wala na , ang gabi ay lambong ng luksa , Panakip sa aking namumutlang mukha ! Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga Ni ibon ni tao’y hindi na natuwa ! At iyong isipin nang nagdaang araw , Isang kahoy akong malago’t malabay , Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan , Dahon ko’y ginawang korona ng buhay .
Ang Sagimsim - labis na kapootan , walang kahulilip na kagalakan at kapighatian
Ang Simbolo - isang maakasining na sangkap na ang layunin ay kumatawan sa isang uri ng damdamin , bagay , paniniwala o kaisipan . ( Landicho , 1972)
Estilo , Pananalita , Pamamaraan at Orihinalidad
Estilo – kaanyuan ng akda ayon sa kung paano ito pinagagalaw , pinagkakakulay at pnagkakaanyo ng awtor batay sa kanyang emosyon , saloobin at karanasan . Pananalita – hindi maligoy , bagamat sinasabing mabulaklak . - Maiikli , may realidad at katotohanan , simbolikal , maharaya at matayutay .
Pamamaraan – tunguhing sistema ng makata na nagsisimula ng habing kaisipan , paraan ng pananalunton sa hagdan ng katiyakan at masasabing tumutugon sa tanong na “ paano ”. Orihinalidad – pilosopiyang ang tinutukoy ay ang personalidad ng isang nilikha ng Diyos , ang kaniyang pagkatao , ang kaniyang sarili at ang kaniyang pagiging siya sa maraming bagay .
Mga Uri ng Tula Sang- ayon sa Kaanyuan a. Tulang Pasalaysay b. Tulang Pandulaan c. Tulang Pandulaan d. Tulang Sagutan
Mga Uri ng Tula Sang- ayon sa Kayarian a. Matandang Tula o Makalumang Tula b. Malayang Taludturan o Free Verse c. Tula sa Tuluyan
Mga Uri ng Tula Sang- ayon sa Layon a. Naglalarawan b. Nagtuturo c. Nagbibigay-aliw d. Nangungutyang nanunukso
Mga Uri ng Tula Sang- ayon sa Pamamaraan a. Masagisag b. Makatotohanan c. Makabalaghan
Mga Uri ng Tula Sang- ayon sa Kaukulan a. Mabigat b. Pang- okasyon c. Magaan