This lesson contains the lesson in ESP about bullying and the effects of media to people
Size: 1.68 MB
Language: none
Added: Sep 02, 2025
Slides: 67 pages
Slide Content
Teknolohiya - tumutukoy ito sa mga makabagong kasangkapan at pamamaraan upang makatulong sa mga tao . Layunin nitong mapabuti ang pamumuhay ng mga tao . Social Media- ito ay tumutukoy sa platapormang online na nagiging daan upang mapadali ang komunikasyon at pagpapalitan ng impormasyon sa modernong panahon . Cyberbullying- pambulalas sa internet; maaaring panunukso , panlalait , pang- aasar , o anomang aksiyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa. Cybercrime- Ang cybercrime ay isang krimen na nagaganap sa pamamagitan ng internet. Internet- pamamaraan ng mabilis na pagkuha ng kaalaman sa computer.
QUIZ NO. 2
Laging isipin na ang tunay na pagmamahal ay hindi naghihintay ng kapalit . Tungkulin bilang mananampalataya
Sumunod sa mga batas na ipinatutupad . Tungkulin sa pamayanan
Ang taglay mong kamalayan at kakayahang makakuha ng buod ng umiiral ay siyang makakatulong sa mabilis mong pagkatuto . Tungkulin bilang mag- aaral
Ang kakayahan mong malaman ang kaniyang pangangailangan ay isang malaking tulong upang siya ay iyong tunay na maunawaan . Tungkulin bilang kapatid .
Maaari mo silang suportahan sa pagpapanatili ng inyong tahanan at pagtitipid . Tungkulin bilang anak .
Mahalagang may kamalayan ka sa kung ano ang makabubuti para sa iyo . Tungkulin sa Sarili
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ tumutukoy ito sa mga makabagong kasangkapan at pamamaraan upang makatulong sa mga tao . Layunin nitong mapabuti ang pamumuhay ng mga tao .
_ _ _ _ _ _ _ _ pamamaraan ng mabilis na pagkuha ng kaalaman sa computer.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Ito ay isang krimen na nagaganap sa pamamagitan ng internet.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ pambulalas sa internet; maaaring panunukso , panlalait , pang- aasar , o anomang aksiyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ ito ay tumutukoy sa platapormang online na nagiging daan upang mapadali ang komunikasyon at pagpapalitan ng impormasyon sa modernong panahon .
QUIZ NO. 3
WEEK 4 Mapanagutan (Accountability) Papel ng Espirituwalidad sa Pagiging Mabuting Mamamayan
Relihiyon : Ang relihiyon ay isang institusyonalisadong sistema ng paniniwala , rituwal , at doktrina na naglalayong itaguyod ang isang partikular na pananampalataya o sistema ng pananampalataya . Karaniwan , mayroong organisadong gawain , kasaysayan , at estruktura ang relihiyon , at ito ay madalas na may mga lider , templo , simbahan , at iba pang rituwal na nagbibigay ng hugis at anyo sa pananampalatayang itinataguyod nito . Halimbawa ng mga relihiyon ay Kristiyanismo , Islam, Budismo , Hinduismo , at iba pa.
Espirituwalidad : Ang espirituwalidad , sa kabilang banda , ay mas pangkalahatang konsepto na hindi naaangkop sa isang partikular na institusyon . Ito ay mas nauukol sa personal na karanasan , pag-unlad sa sarili , at pakikipag-ugnayan sa mas mataas na kapangyarihan o espirituwal na dimensiyon ng buhay .
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagiging isang mabuting mamamayan : May paggalang sa batas. Ito ay pagiging disiplinado sa pagsunod sa mga batas. Ito ay naglalaman ng pagsunod sa mga lokal at mga pambansang regulasyon at patakaran .
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagiging isang mabuting mamamayan : 2. Aktibong nakakikilahok sa mga gawain ng komunidad . Ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa mga gawain at proyekto sa komunidad ay nagpapakita ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapuwa . Hal. Pagtulong sa proyekto ng komunidad , pagiging volunteer at paglahok sa mga pulong ng barangay
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagiging isang mabuting mamamayan : 2. Aktibong nakakikilahok sa mga gawain ng komunidad . Ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa mga gawain at proyekto sa komunidad ay nagpapakita ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapuwa . Hal. Pagtulong sa proyekto ng komunidad , pagiging volunteer at paglahok sa mga pulong ng barangay
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagiging isang mabuting mamamayan : 3. Pagiging responsable . Tumutukoy sa pagiging responsable sa mga Gawain at tungkulin . Hal. Pagsunod sa mga utos at pagtupad sa mga responsibilidad sa tahanan at trabaho
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagiging isang mabuting mamamayan : 4. May pakikisama . Naipapakita ito sa pagiging magalang , maunawain at may pakikiisa . Ito ay sumasalamin sa kakayahang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa iba para sa kabutihang panlahat .
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagiging isang mabuting mamamayan : 5. Marunong makipagkapuwa-tao . Ito ay ang pagmamalasakit , pati na rin pagbibigay ng tulong at suporta sa mga nangangailangan , pagtulong sa may kapansanan , pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad .
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng pagiging isang mabuting mamamayan : 5. Marunong makipagkapuwa-tao . Ito ay ang pagmamalasakit , pati na rin pagbibigay ng tulong at suporta sa mga nangangailangan , pagtulong sa may kapansanan , pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad .
Itanong : Naniniwala ka ba na ang espirituwal na pag-unlad ay nakatutulong upang maging mabuti kang mamamayan ? Ipaliwanag ang sagot . 1. Moral na Panuntunan : Ang espirituwalidad ay maaaring magdulot ng moral na panuntunan sa isang tao . Ang mga paniniwala sa kabutihan , pagkakapantay-pantay , at pagtulong sa kapuwa ay maaaring maging bahagi ng espirituwal na karanasan . Ang pagtalima sa moral na prinsipyo ay nagbibigay-inspirasyon sa isang tao na maging mabuting mamamayan .
Itanong : Naniniwala ka ba na ang espirituwal na pag-unlad ay nakatutulong upang maging mabuti kang mamamayan ? Ipaliwanag ang sagot . 2. Pag- unlad ng Pagkakakilanlan : Ang espirituwal na pag-unlad ay maaaring makatulong sa pagbuo ng mas mataas na antas ng pagkakakilanlan . Ang pag - unlad na ito ay maaaring magresulta sa mas malalim na pag-unawa ng sarili at ng iba . Sa pamamagitan ng ganitong pagsusuri , mas nagiging sensitibo ang isang tao sa pangangailangan ng iba at mas nauunawaan ang responsibilidad sa lipunan .
Itanong : Naniniwala ka ba na ang espirituwal na pag-unlad ay nakatutulong upang maging mabuti kang mamamayan ? Ipaliwanag ang sagot . 3. Pagbibigay Halaga sa Kapayapaan : Maraming espirituwal na tradisyon ang nagtuturo ng pagtangkilik sa kapayapaan . Ang pagkakaroon ng kapayapaan sa sarili ay maaaring magbunga ng pagkakaroon ng kapayapaan sa paligid . Ang isang taong may malusog na espirituwal na buhay ay mas malamang na magiging tagapagtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa .
Itanong : Naniniwala ka ba na ang espirituwal na pag-unlad ay nakatutulong upang maging mabuti kang mamamayan ? Ipaliwanag ang sagot . 4. Pagkakaroon ng Konsensiya : Ang espirituwal na pamumuhay ay maaaring magkaroon ng kahalagahan sa pagpapalago ng konsensiya . Ang maayos na pag-unlad ng konsensiya ay maaaring maging gabay sa pagsunod sa tamang landas at pagpili ng mabubuti para sa kapuwa at sa lipunan .
Itanong : Naniniwala ka ba na ang espirituwal na pag-unlad ay nakatutulong upang maging mabuti kang mamamayan ? Ipaliwanag ang sagot . 5. Pagtangkilik sa Paglilingkod : Ang espirituwalidad ay maaaring magsilbing inspirasyon sa pagtulong sa iba . Ang paglilingkod sa kapuwa at sa komunidad ay isang mahalagang bahagi ng mabuting pagkamamamayan . Ang espirituwal na pananampalataya ay maaaring maging lakas na nagtutulak sa isang tao na magbigay at magbahagi sa iba