PANANALIKSIK: Kahulugan, Kahalagahan, Katangian, at Layunin Sarah Ortua-Pesimo
Kahulugan ng Pananaliksik Pagtuklas at Pagkalap ng impormasyon upang masagot ang mga nabuong katanungan o suliranin. Kinapapalooban ng anumang pagkalap ng datos, impormasyon, at katotohanan para sa pagpapaunlad ng karunungan (Martyn Shuttleworth, 2010) Proseso ng mga hakbang na ginagamit sa pagkalap at pag- aanalisa ng mga impormasyon upang madagdagan ang pagkaunawa sa isang paksa o isyu. Ito ay binubuo ng tatlong hakbang: (1) pagbuo ng tanong, (2) pagkalap ng datos, (3) pagbibigay ng kasagutan sa mga katanungan (Creswell, 2011) Pag- iimbestiga o pag- eeksperimento na naglalayong makadiskubre at makapagbigay interpretasyon sa katotohanan, pagbabago ng mga katanggap- tanggap na teorya at batas halaw sa bagong impormasyon o praktikal na paggamit ng mga ito. (Meriam- webster Online Dictionary) Siyentipikong paraan ng pagtuklas sa pamamagitan ng sistematikong paraan ng pagkalap ng impormasyon, pagtuon, at paglalarawan upang maipaliwanag, maunawaan at mahinuha ang isang kaganapan. (Cozby, 2009)
Kahalagahan/Layunin ng Pananaliksik Paraan upang masolusyunan ang mga umiiral na suliranin sa lipunan o komunidad. Paraan upang makadiskubre ng bagong kaalaman o impormasyon. Nakapagpapaunlad ng kritikal na pag- iisip ng mga mag-aaral. Nagpapalawak ng karanasan ng mananaliksik/mag-aaral.
Katangian ng Pananaliksik Ang pananaliksik ay batay sa tahasang karanasan o obserbasyon ng mananaliksik. Empirikal Ang pananaliksik ay batay sa balidong pamamaraan at panuntunan. Lohikal Siklikal Ang pananaliksik ay isang tuloy- tuloy na proseso. Ito ay nagmumula sa isang suliranin at nagtatapos sa isa pang suliranin. Analitikal Ang pananaliksik ay ginagamitan ng subok na analitikong pamamaraan sa pagkalap ng datos, maging historikal, deskriptibo, eksperimental o pagsusuri ng teksto.
Katangian ng Pananaliksik Ang pananaliksik ay nagpapakita ng maingat at tumpak na paghuhusga. Kritikal Ang pananaliksik ay ginagamitan ng sistematikong paraan nang walang kinikilingan. Metodikal Replikabiliti Ang disenyong pananaliksik at pamamaraan ay maaaring maulit upang magkaroon ang mananaliksik ng sapat at tumpak na kinalabasan.
MANANALIKSIK: Katangian at Tungkulin/Reponsibilidad Sarah Ortua-Pesimo
Pagtiyak na lahat ng hakbang na gagawin ay pinag-isipang mabuti at sinusuri. Maingat na pagsasagawa ng pananaliksik sa tamang panahon at lugar nang tumpak at epektibo. Katangian ng Mananaliksik Mapanuri Maingat at tumpak Malikhain Tapat Tumutuklas ng nga makabagong pamamaraan ng pananaliksik. Tapat sa pangangalap ng datos o impormasyon tungo sa pagkakaroon ng makatotohanang resulta.