Uri ng Komunikasyon_ Pakikipagtalastasan.pdf

LloydJeffreyRojas2 0 views 17 slides Oct 06, 2025
Slide 1
Slide 1 of 17
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17

About This Presentation

Mga Uri ng Komunikasyon (Berbal at Di Berbal). Narito ang mga detalyadong uri ng di berbal at mga halimbawa nito kung paano natin magamit sa tunay na buhay. Bigyang-pansin ang mga halimbawa upang magabayan tayo sa raw-araw na buhay. Ang mga di berbal na komunikasyon ay kalimiting hindi nabibigyan ng...


Slide Content

1.Berbal
2.Di Berbal
3.Pasulat
MGA URI NG
PAKIKIPAGTALASTASAN

-Ang komunikasyong berbal ay isang pormal
na paraan ng pakikipagkomunikasyon na
sumasailalim sa ekstruktura ng wika. Ito ay
maaaring pasulat kung nababasa o pasalita kung
naririnig o binibigkas.
-Halimbawa nito ay mga liham, dyaryo, debate at
patalastas.
BERBAL NA KOMUNIKASYON

-Ang komunikasyong di-berbal ay isang
karaniwang paraan ng pakikipagkomunikasyon.
Hindi ito ginagamitan ng wika.
-Kilos at galaw ang ginagamit upang
makapaghatid ng pahayag. Halimbawa nito ay
pagtango, pagtaas ng kilay, pag-ikot ng mata
atbp.
DI BERBAL NA KOMUNIKASYON

1.Magagawa kong matukoy ang
mga uri ng komunikasyon berbal
at di berbal.
2.Magagawa kong masuri ang mga
sitwasyong nagpapakita ng
komunikasyon berbal.
Mga Target sa Pagkatuto

1.Galaw ng Katawan (Kinesics)
2.Pandama (Haptics)
3.Paralanguage
4.Oras (Chronemics)
5.Proksemika/ Espasyo (Proxemics)
6.Katahimikan
7.Bagay at Kulay
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

1.Galaw ng Katawan (Kinesics)
-Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan
ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan

-a. Ekspresyon ng Mukha- “Nagpapakita ng Emosyon”
-Halimbawa: masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot
kung umiiyak.
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

-b. Galaw ng Mata (Oculesics) - Nagpapakita ng
katapatan ng isang tao, nag- iiba ang mensaheng
ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng
kilos ng mata.
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

-c. Kumpas “Galaw ng Kamay” - ay maraming bagay
at kapamaraanang magagawa at ito ay
nagpapahiwatig ng mga himaton o kahulugan.
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

2. Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay isa sa
pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay
nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga
taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob.

Halimbawa: Pagyakap, Paghaplos, pisil, tapik, batok, haplos, hipo
at iba pa.
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

3. Paralanguage - tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng
isang salita pagbibigay diin sa mga salita.

Halimbawa: bilis ng pagbigkas,paghinto sa loob ng
pangungusap, lakas ng boses, kasama rin sa bahaging ito
ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

4. Oras (Chronemics) - Isang uri ng di berbal na
komunikasyon na nagbibigay kahulugan sa mga motibo
o aksyong may kinalaman sa oras.

Halimabawa: pagiging maaga, mahuli sa
pinagkasunduang oras atbp.
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

5. Proksemika (Proxemics) - “Pag – aaral ng
komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang
binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.

Uri ng Proxemic Distance
1. Espasyong Intimate up to 1- ½ ft.
2. Espasyong Publik- 12 ft. o higit pa
3. Espasyong Sosyal- 4 -12 ft.
4. Espasyong Personal- 1- ½ - 4 ft.
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

6. Katahimikan / Hindi Pag-imik - may mahalagang tungkulin
ding ginagampanan ang dipag-imik/ katahimikan pagbibigay
ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita namakapag-isip at
bumuo at mag-organisa ng kaniyang sasabihin
- sandata rin ang katahimikan
- tugon sa pagkabalisa o pagkainip,
- pagkamahiyain o pagkamatatakutin
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon

7. Kulay (Colorics) nagpapahiwatig ng damdamin o
oryentasyon. Halimbawa: kulay asul at pula sa bandila
ng pilipinas

-Bagay (Objectics) -May mga bagay na nagbibigay ng
malalim na kahulugan (simbolismo).
Mga Uri ng Di Berbal na Komunikasyon