Awa, lungkot at pagkahabag Nagpapakita ng mga problema na kinakaharap ng ating lipunan Nagpapakita ka na may pakialam ka sa iyong paligid
Tuwa at pag-asa Nasa kalagitnaan ng pagsubok na ating kinakaharap , may mga tao pa ring pinipili tumulong sa mga nangangailangan na ating kababayan
Hindi ka nabubuhay para sa iyong sarili at ikaw ay bahagi ng isang malawak na mundo .
PANGUNATANA
PANANAGUTAN
Anu- ano ang iyong pananagutan sa iyong kapwa ?
Mabuting epekto sa iyo Sa iyong kapwa Sa iyong lipunan
Tao ay panlipunang nilalang Kailangan nating makibahagi at mamuhay sa lipunan na ating ginagalawan .
Lipunan “ lipon ” pangkat
Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na may iisang tungunin o layunin .
Halimbawa
Sa lipunan nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na maipakita ang pagmamalasakit , ang tumulong , at matulungan sa panahon ng pangangailangan .
Pagdamay at bukang-palad na pagtulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit .
Umuusbong ang tiwala sa kapwa na siyang dahilan ng sama-samang pagkilos tungo sa isang mithiin .
Hindi lamang personal na kabutihan ng indibidwal ang nilalayon ng lipunan kundi ang kabutihang panlahat .
Ano ang kahulugan ng Kabutihang Panlahat ?
Kabutihang Panlahat Kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan
Hindi dapat ihiwalay ng tao ang kani-kanilang sarili sa paghahanap ng mabuti sa bawat isa kundi magtipon upang hanapin ang kabutihang panlahat nang magkasama .
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat Ang paggalang sa indibidwal na tao . Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat . Ang kapayapaan (Peace)
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat Ang paggalang sa indibidwal na tao . Dignidad ng tao Ang karapatan ng bawat tao ay kinikilala , iginagalang , pinoprotektahan at pinahahalagahan .
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat . - Pag- unlad
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 3. Ang kapayapaan ( Peace ) Paggalang at katarungan
Hindi ito mangyayari ng kusa….
Sama- samang pagkilos
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. Binubuo ng lipunan ang tao at binubuo ng tao ang lipunan .
Lahat tayo ay may pananagutan na mag- ambag para sa kabutihang panlahat .
“ Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo , kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa .” - Dating US. President John F. Kennedy
Pagpapahalaga Bilang isang mag- aaral , ano ang magagawa mo para sa ating bayan lalo na sa panahon ngayon ?
Tayahin
1. Ang k_ _ ay _ _ _ an ay kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay .
2. Upang maging makatarungan ang isang lipunan , kailangang nasisiguro ng namumuno ditto na ang karapatan ng bawat _ n _ _ b _ d _ _ l ay kinikilala .
3. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang _ I _ u _ _ n .
4. Sa d _ gn _ d _ d nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin ng tao sa lipunan .
Tamang Sagot
1. Kapayapaan
2. Indibidwal
3. Lipunan
4. Dignidad
Sagutin ang mga tanong sa “ Isagawa ” na makikita sa pahina 11 ng Self-Learning Module ( EsP 9)