Week 1- Isip at Kilos Loob (VALUES EDUCATION SA GRADE 7)

ansagayjenelda18 0 views 23 slides Oct 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 23
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23

About This Presentation

VALUES EDUCATION GRADE 7 (ISIP AT KILOS LOOB)


Slide Content

KATANGIAN AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB Edukasyon sa pagpapakatao 7

Sa pamamagitan ng isip at kilos- loob , nagiging posible ang ating pag-unlad at ang ating kakayahang makagawa ng mga makabuluhang desisyon . Ating tandaan na ang tunguhin ng isip ay ang katotohanan na dapat nating isaalang-alang . Maraming mga situwasyon na mabilis tayong magkaroon ng maling akala. Ito’y dahil hindi nating lubusang na-iintindihan ang isang bagay o kulang ang datus natin tungkol sa isang pangyayari o situwasyon . Kaya naman ating matatagpuan ang katotohanan gamit ang patuloy na pananaliksik . Karagdagan , dapat gamitin din natin ang ating mga pandamang pantao katulad ng paningin , pandinig , pang- amoy , panlasa , at pandama . Lahat ng ito ay na kokonekta o nabibigyan ng kabuoang ideya gamit ang ating isip . Ito ay nakabase sa impluwensiyang galing sa ating pag-iisip . Dahil dito , mayroong kapasidad ang isang tao na gumawa ng tama o mali . Ang tunguhin ng kilos – loob ay kabutihan . Sapagkat ang kilos – loob ay hindi lumalapit sa kasamaan kaya’t ang tanging tunguhin nito ay ang kabutihan .

Ang isip ay ginagamit ng isang tao upang maunawaan ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran . Ito ang batayan ng kanyang pagkakilala sa kanyang mga kapwa na ang tunguhin ay katotohanan o maunawaan ang katotohanan . Samantala ang kilos- loob naman ay ang kabutihan . Ang kakayahan ng isang tao na magkaron ng sariling desisyon at isakatuparan ito . Ito ay ginagamit upang makakilos o gumawa ang isang tao na naglalayong matungo ang kabutihan . Dahil ang kilos- loob ay ang responsable sa pagiging mapanagutan ng isang indibidwal sapagkat ang taliwas ito sa ideya ng kasamaan .

Ang isip at kilos- loob ng tao ay may tunguhing katotohanan at kabutihan . Dahil dito , nagkaroon tayo ng mas mataas na antas kumpara sa hayop na pinangingibabawan lamang ng kanilang instincts. Ang ating isip at kilos- loob ang gagabay sa atin upang maging makatao sa bawat kilos natin sa araw-araw . Sa pamamagitan ng isip , nagagawa nating mag- isip nang lohikal , mapanlikha , at mapagpasiya . Sa pamamagitan naman ng kilos- loob , nagagawa nating kumilos nang may pagmamahal , katarungan , at kapayapaan . Ang pagkakaroon ng harmonya sa pagitan ng isip at kilos- loob ay nagsisiguro na ang bawat desisyon at aksyon natin ay nakatuon sa ikabubuti ng ating sarili at ng ating kapwa .

PAGSASANAY Edukasyon sa pagpapakatao 7

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga situwasyon at pag-usapan ang kasagutan . Gawing gabay ang mga nakatalang katanungan sa ibaba .

Sabik na sabik ka na sa pagbubukas ng klase . Handa na ang iyong mga kagamitang pang- eskuwela at nasasabik ka nang makilala ang mga bago mong kaklase . Subalit sa unang araw pa lamang ng pasukan ay may kaklase ka na ayaw kang paupuin sa bakanteng upuan malapit sa kaniya dahil para daw iyon sa kaniyang bag at iba pang gamit . Ano ang iyong gagawin ?

Pag- uwi mo galing sa paaralan ay nakita mong tambak ang mga hugasin sa kusina . Ang ate mo ang nakatuka upang maghugas subalit hindi pa siya nakauwi ng bahay . Gustuhin mo mang gawin ang responsibilidad niya kaso namamaga ang iyong kamay . Maya-maya lang ay uuwi na ang inyong mga magulang at siguradong magagalit dahil hindi pa nahugasan ang pinagkainan . Ano ang iyong gagawin ?

Pamprosesong Tanong May karanasan ka rin ba sa buhay na nahirapan kang magpasya ? Bakit? Ano-ano ang mga bagay na iyong isinaalang-alang sa paggawa ng pagpapasya?

AWTPUT #1 Edukasyon sa pagpapakatao 7

PANUTO: Bawat kilos natin ay gumagawa tayo ng sariling pagpapasya na nagsisilbing gabay sa pagpili at pagkilos . Paano makatutulong ang isip at kilos sa pang- araw araw na ginagawa at ano ang resulta nito ? Sumulat ng tatlong (3) karanasan mo sa buhay kung saan ay gumawa ka ng pagpapasya . Punan ang mga hinihinging impormasyon sa tsart . Gawing halimbawa ang nakatala sa ibaba .

Gamit ng Isip at Kilos- loob sa Sariling Pagpapasya Edukasyon sa pagpapakatao 7

Ano ang kahalagahan ng paggamit ng isip at kilos- loob sa pagpapasya ?

Ang tao ay natatangi sa lahat ng nilikha ng Diyos . Ang tao ay nagtataglay ng isip upang magamit sa pag-unawa at alamin ang katotohanan . Sa pamamagitan ng isip , ang tao ay naghahanap ng katotohanan ; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan .

Ang kilos- loob ay ang kapangyarihang magpasya , pumili , at isakatuparan ang kaniyang pinili . Ayon kay Santo Tomas de Aquino , ang kilos- loob ay isang makatwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay isang pakultad na nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama . Ito ay nakasalalay sa ibinibigay na impormasyon ng isip . Samakatuwid , naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos- loob . Dahil sa kilos- loob , maaaring piliin ng tao na gumawa ng mabuti .

Ang gamit ng kilos- loob ay upang kumilos o gumawa . Kapag ginagamit ng tao ang kaniyang kapangyarihang pumili at gumawa ng tama , ipinapakita lamang niya ang kaniyang mapanagutan o responsableng pagkilos .

Ang tunguhin ng kilos- loob ay kabutihan . Sapagkat ang kilos- loob ay hindi lumalapit sa kasamaan kaya’t ang tanging tunguhin nito ay ang kabutihan . Sa tuwing gumagawa ang tao ng kabutihan , ito ay pagpapakita lamang ng responsable o mapanagutang pagkilos .

Ang gamit ng ating isip at kilos- loob ay nakakatulong sa atin dahil ginagamit natin ito upang magkaroon tayo ng kasiguraduhan na tama at angkop ang mga gagawin nating desisyon at aksyon sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at pagpapasya upang hindi natin ito pagsisihan sa huli . Sa paggamit ng ating isip at kilos- loob kailangang may disiplina at tiwala tayo sa ating sarili upang masigurado natin na tama ang ating ikikilos at gagawin . Isa pa, dapat marunong rin tayong magkontrol ng ating mga emosyon at nararamdaman . Kaya bago natin gawin ang isang bagay dapat determinado tayo upang makatulong ito sa ating pag unlad bilang isang tao .

Ang gamit ng isip at kilos- loob sa sariling pagpapasya at pagkilos ay nagsisilbing gabay sa pagpili at pagkilos alinsunod sa katotohanan at kabutihan . Ang isip at kilos- loob ng tao ang nagpapabukod -tangi sa kaniya sa ibang nilalang .

Naitutulong ng tamang paggamit ng ating isip : Ang ating isip ang may kontrol sa ating buong katawan , ito ang may kakayahang mag- isip , magpasya at magdesisyon para sa ating buhay . Kaugnay ng kilos- loob , ang isip ang gumagabay sa isang tao upang gumawa at kumilos ang isang tao tungo sa kabutihan . Ang ating isip ang kumokontrol sa lahat, sa lahat ng ating pagpapasya at pagdedesisyon , ito ang gumagabay sa atin para mag- isip ng mga bagay kung ito ay tama at mali . Ito rin ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay . Mahalagang palaging suriin ang bawat pasya gamit ang isip katuwang ang kalooban upang makagawa ng tamang desisyon na makakapagpasaya sa atin at makapagpapaintindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin tungo sa kabutihan ng ating kapuwa .

Naitutulong ng tamang paggamit ng ating kilos- loob : Ang kilos- loob ay tumutukoy sa kakayahan sa paggawa ngisang bagay o gawain na naaayon at nais ng ating kaisipan . Ito ang nagpapasya o nagdedesisyon na gawin anuman ang ating naisin . Ang ating kilos- loob ang may kakayahan at kapangyarihang pumili nang may laya sa kaniyang mga kagustuhan ng walang sinomang nag uutos o nagsasabi dito . Ang kilos- loob ang gumagabay sa atin para mag- isip ng mga bagay at gawain kung ito ay tama at mali .

Ang kilos- loob ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay . Ang kilos- loob din ang gagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapaintindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin .
Tags