Ipaliwanag ang konsepto ng mga kaisipang Asyano : - Sinocentrism - Devaraja at Cakravartin -Divine Origin
Pumili ng isa sa mga larawang nasa ibaba at ibigay ang dahilan kung bakit ito mahalaga .
Asawang babae Nanay Anak
Pagnilayan ang isang kasabihan sa loob ng speech balloon at ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito .
Pagtukoy at Pagsusuri ng Ginampanan ng Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan Week 6-7
Kababaihan sa Paniniwalang Asyano
Sa sinaunang kabihasnan sa Asya , ang mga tao ay may pinaniniwalaang mga diyosa . Isa sa mga patunay dito ay ang mga petroglyph sa hilagang Asya na naglalarawan ng mga hayop at mga babaeng shaman na may sungay .
Inanna - ang diyosa ng pag-ibig at kaligayahan ng Mesopotamia. Amaterasu Omikami – diyosa ng araw ng Japan.
Sa Timog-Silangang Asya , ang mga kababaihan ay pinaniniwalaang may kakayahang makipag-ugnayan sa mga espiritu . Dahil dito ay iginagalang at ikinararangal ang mga babae , subalit kinatatakutan rin sapagkat maaari nilang gamitin ang kapangyarihang ito upang makapanakit ng ibang tao .
Posisyon at Tungkuling Pantahanan ng Kababaihan
Mesopotamia Sa sinaunang panahon sa Mesopotamia, ang babae ay ikinakasal hindi lamang sa lalaking mapapangasawa kundi sa buong pamilya ng lalaki .
India Sa lumang Vedic (1500BCE-800BCE ), ang mga kakababaihan mula sa Kshatriya lamang ang maaaring mamili ng sariling mapapangasawa .
Sutte or Sati sumasama ang babaeng asawa sa funeral fire ng kanyang asawang namatay bilang pagpapakita ng pagmamahal
Timog-Silangang Asya ang mga lalaki ay nagbabayad ng bride price para sa kanilang mapapangasawa .
Sa sinaunang Tsina , ayon sa ideolohiya ang Confucianism , ang mga babae ay may tungkulin sa bawat yugto ng kanilang buhay , kasama na rito ang pagsilbihan ang kanilang asawang lalaki at ang pamilya nila .
Sa maraming sinaunang lipunang Asyano , ang pangunahing tungkulin ng kababaihan ay ang magsilang ng anak .
Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily feet sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman , ganda at pagiging karapat - dapat sa pagpapakasal .
Maari din silang maging concubine ng isang lalaking may mataas na antas ng buhay sa lipunan .
Panlipunang Gawain ng Kababaihan
Ang mga kababaihan ay may mga gampanin lamang sa loob ng tahanan at limitado ang pagkakaroon ng mga tungkuling Panlipunan .
Hilagang Asya sa mga kababaihan nakaatas ang pagtitipon at paghahanda ng pagkain at mga gawaing may kinalamang sa pagpapalaki ng mga anak tulad ng paghahabi at pagpapalayok . Samantalang ang kababaihang walang anak ay maaring mangaso .
Mesopotamia ang kababaihan ay maaaring makilahok sa kalakalan sa pahintulot ng asawa .
Babylonia ang kababaihan ay maaaring maging high priestress .
Japan hinihikayat ang kababaihang mamuno sa paniniwalang sila ay makapagdadala ng kapayapaan