Sintesis Ito ay pinagsamasamang mga ideya mula sa iba’t ibang pinagkunang impormasyon upang makabuo ng sariling pagpapahayag ukol sa isang paksa .
Abstrak Ito ay pagbubuod ng isang pinal na papel o mga sinaliksik at pinalawak na paksang pinag-aralan na laging mababasa sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral .
Buod / Pagbubuod Ang _______ay isang paraan ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin .
Rationale Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral .
Picto -essay Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo : Nailalahad ang kahulugan at katangian ng picto -essay. Nauunawaan ang mga hakbang sa pagsulat ng picto -essay. Nabibigyang-halaga ang pag-aaral at pagsulat ng larawang-sanaysay .
PICTO-ESSAY Ang picto -essay ay tinatawag sa Filipino na larawang sanaysay . Ito ay pagpapakita ng mga imahe o larawan mula sa sinulat na sanaysay upang mas makapanghikayat at maaliw ang mga mambabasa ukol sa espisipikong paksa .
Ang pagbuo ng ganitong sulatin ay tulad lamang din ng mga tradisyonal na sanaysay ang pinagkaiba lamang ay nangangailangan ito ng larawan o mga larawan na kakatawan sa pinakapaksa ng isang teksto o sanaysay . PICTO-ESSAY
Lagi itong may kasamang sinulat na teksto na nasa anyong sanaysay , artikulo o ng buong aklat . Minsan naman ay limitado ang paglalarawan o paglalahad ukol sa larawan . PICTO-ESSAY
Ayon kay Ina Greenwood , ang larawang-sanaysay ay serye ng mga larawan na naglalayong magsalaysay ng kuwento at magbigay o maglabas ng emosyon sa mga mambabasa . PICTO-ESSAY
Ayon din sa kaniya ang larawang-sanaysay ay maaaring pasalaysay o ayon sa tema . Ang pasalaysay ay layong magsalaysay ng mga pangyayari na ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o aksyon . PICTO-ESSAY
Hakbangin at mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Larawang Sanaysay
Pasalaysay 1. Magbasa o magsaliksik ng isang kuwento . Maaari rin namang sariling salaysayin . 2. Pagkatapos ay isulat ang salaysayin . Bigyang pansin ang sekwensiyal na ayos ng teksto .
3. Pumili ng mga larawan na tumutukoy ukol sa sinulat upang mailahad na maglalabas at magbibigay ng interes sa mga mambabasa . Kung nais lamang na iisa ang larawan ay isipin ang pangkalahatang kaisipan ng salaysayin na may dating at kakatawan sa sinulat na teksto . Pasalaysay
4. Siguraduhin ang kaisahan at kaugnayan ng larawan , komposisyon , dating ng larawan . Pasalaysay
Ayon sa Tema 1. Pumili ng paksa na nais o nagbibigay sa iyo ng interes . 2. Magsaliksik ukol sa paksang tatalakayin . 3. Magsulat ng sanaysay na sinaliksik.Gawin ito sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag lalong lalo na sa paraang paglalahad , paglalarawan , pangungumbinsi o mga maargumento na naaayon sa paksang nais talakayin .
4. Mag-isip ng isang larawang may kinalaman sa iyong sanaysay at kakatawan sa pinaka-ideya ng iyong sulatin . Dapat ito’y nakakapukaw sa damdamin at mapapanatili ang interes ng mambabasa. 5. Panatilihin lagi ang kaugnayan ng larawan at ng teksto o sanaysay na ginawa. Ayon sa Tema
Kabataan , Hindi Susuko sa Laban Ayon kay Rizal “ Ating pangalagaan at turuan ng tama ang ating kabataan , dahil sila ang susi sa ating kaunlaran .” Lahat tayo ay apektado sa COVID-19, Ang ating buhay ay lubos na naapektuhan dahil sa pandemyang ito , ngunit tayo parin ay patuloy na nagpapatuloy sa ating buhay . Bilang mga mag aaral na apektado ay gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang magpatuloy sa gitna ng krisis at pandemya . Sa pamamagitan ng online learning ang mga mag aaral ay makakapag patuloy parin sakanilang pag aaral . Kung gumagawa ng paraan ang ating magigiting na guro bakit hindi natin sila tulungan ? Totoong sa darating na pasukan ay lahat tayo ay makikipagsapalaran . Hahayaan ba nating itong pandemyang ito ang humadlang sa ating mga pangarap ? Ang ating nararanasan ngayon ay isa lamang sa mga pagsubok na kailangan nating lampasan . Hinahamon man tayo nitong kasalukuyang pandemya papatalo ba tayo ? Magpapatalo ba ang kabataang pangarap ang ipinaglalaban ? Mga kabataan na nais matuto modular man o online. Mga kabataang pag asa ng bayan . Mga kabataang nangangarap para sa kanilang bayan . Ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating magandang kinabukasan . Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ang kailangan ng mga mag-aaral sapagkat ito ang susi , tulay , hagdan at sandata ng mga kabataan tungo sa kanilang kinabukasan . Ito ang magiging saligan nila upang maging handa at upang magkaroon ng maganda at positibong desisyon at pananaw sa pagharap sa anumang hamon ng buhay . Nasa ating mga kamay kung paano tayo magtatagumpay , mag karoon ng tiyaga at mag-pursigi sa lahat . Kung gusto may paraan , Lagi nating isipin na ang mga pagsubok na ating kinakaharap ngayon ay magkakaroon rin ng solusyon . Wag tayong mawalan ng pag asa at piliin nating magpatuloy sa laban ng buhay . ALLYSSA VILLANUEVA
“SUSI SA KALAYAAN” Sa panahon ngayon ang buhay ng isang mamayang Pilipino ay maihahantulad sa ibong nakahawla . Masikip , madilim , walang muwang sa mga pangyayari , bulag sa katotohanan , at walang layang lumipad . Ang ibong ito ay tila nakalimutan na at napag-iwanan na ng panahon .
Ngunit sa oras ng kanyang mga paghihirap at kasarinlan ay hindi mawawala ang mga kababayan nating bukas ang puso upang matulungan ka’t makabangon sa paghihirap na iyong dinaranas . “SUSI SA KALAYAAN”
Sila ang tutulong sa iyo upang mahanap mo ang susi sa kalayaan sa iyong paghihirap at ng makamtan mo ang iyong mga pangarap na nakubli sa loob ng matagal na panahon . Dahil sa mga problemang kinaharap mo sa loob ng masikip at madilim na hawla . “SUSI SA KALAYAAN”
Kapag nakuha mo na ang susi , ang pintong matagal mo ng hinihintay na magbukas ay magbubukas na dahil sa sipag at tiyaga na iyong ginugol makalaya ka lamang dito . Ito na ang magiging daan mo tungo sa pangarap na matagal mo ng inaasam . Simula na din ito ng pagbabago sa iyong buhay . “SUSI SA KALAYAAN”
Ngayon nakalaya ka na sa hawla , ay may laya ka ng makalilipad para abutin ang iyong mga pangarap . Ngunit sa iyong paglaya kahaharapin mo na naman ay may bagong pagsubok ang uusbong para ibaba kang muli , pero sa pagiging matatag ang mga pagsubok na ito’y malalagpasan mo din. “SUSI SA KALAYAAN”