Aralin Mga Gawaing Panrelihiyon o Paniniwala ng Pamilya
Day 1
Ang nasa larawan ay isang pamilyang sama-samang nananalangin. Ginagawa din ba ninyo ito sa inyong bahay?
Tayo ngayon ay maglalaro. Ang pamagat ng ating laro ay: Ano Ang Tamang Gawin? Una , babasahin ko ang sitwasyon. Ikalawa , mamili sa pagpipilian at sabihin ang tamang sagot. Ikatlo , Itaas ang metacards na naglalaman ng tamang sagot.
Sitwasyon: Si Lester kasama ang pamilya ay galing sa pagsamba. Paglabas nila sa pook-dalanginan, nakita ni Lester ang batang namamalimos at mukhang gutom. Humingi ng pambili ng pagkain si Lester sa kaniyang magualng at ibinigay sa bata. Nararapat ba ang ginawa ni Lester? Oo o hindi?
1.Si Roberto ay may magulang na madasalin. Dapat ba silang gayahin ni Roberto? Oo o hindi?
2. Sina Maria at Marco ay magkapatid na Muslim. Hindi sila pinapahintulutan ng kanilang relihiyon na kumain ng baboy. Inalok sila ni Petra ng baon niyang ulam na adobong baboy. Dapat ba itong tanggapin nina Maria at Marco? Oo o hindi?
3. Si Yvonne ay gutom na pero mananalangin pa ang pamilya bago kumain. Dapat bang kumain na lang si Yvonnne kahit di pa nanalangin? Oo o hindi?
Narito ang ilang mga salita. Ating basahin at unawain ang mga ito:
I sang magandang kaugalian sa pagsunod sa mga bilin o payo at batas. masunurin
Magkakaiba- iba man ang ating paniniwala o gawaing panrelihiyon kinakailangan natin na igalang ang bawat isa. Ito ay tanda ng pagmamahal at pagkamasunurin. paniniwala
1. Sino-sino ang mga nasa larawan? 2. Ano ang ginagawa ng pamilya sa larawan? 3. Sama sama ba kayong pamilya ninyo na nanalangin katulad ng nasa larawan? Bakit oo? Bakit Hindi? 4. Sumusunod ba ang anak sa larawan na ipinakita sa mabubuting gawain ng pamilya? 5. Ano ang mararamdaman ng isang magulang na nasunod ang kanilang anak sa sa mabubuting gawain ng pamilya?
Bago tayo magpatuloy ng ating aralin ay batiin muna ang katabi sa sabihing "Mabait ka sapagkat masunurin ka!"
1. Ang mga pamilya ay dapat mayroong mabuting paniniwala. Ang inyong pamilya ba ay may relihiyon o mabuting paniniwala? Ilahad ito sa klase. 2. Ang anak ay marapat na sumunod sa kaniyang mabuting magulang. Masunurin ka ba sa iyong magulang? Sa anong pamamaraan ka naging masunurin? 3. Sa tulong ng pamilya, nahahasa ang pagiging masunurin natin sa magulang. Ano ang turo ng iyong nanay at tatay sa paniniwala? 4. Sa ating tahanan, sinasabihan tayo na laging maging masunurin. Hinihikayat ba kayo ni nanay o tatay na maging masunurin? 5. Kung minsan, may mga pagkakataong ayaw nating maging masunurin sa ating pamilya. Ito ba ay tama o mali?
Pangkatang Gawain:
1. Ipapaskil ang mga larawan ng nag-uusap. 2. Bibigyan ang grupo ng papel na may print ng dayalogo at isulat ang tamang kasagutan sa tanong na ibinigay na nasa dayalogo. Lolo: Apo, maaari mo ba akong tulungan rito sa aking mga bitbit? Apo: _____________ 3. Babasahin sa unahan ang dayalogo na ginawa ng grupo. 4. Iwasang isigaw ang tamang sagot. Pangkat 1
1.Ano ang inyong naramdaman nang sumali kayo sa ating gawain? 2. Ano-ano ang inyong natutuhan sa ating isinagawa? 3. Bakit mahalaga ang maging masunurin sa pamilya?
Panuto: Piliin ang tamang sagot. 1. Si Jenny ay makulit na mag-aaral. Bago magsimula ang klase ay mayroong panalangin. Ano ang dapat gawin ni Jenny para ipakita na siya ay may paggalang sa panalangin? a. Dapat siyang tumahimik at manalangin nang taimtim. b. Dapat siyang patuloy na mag-ingay. c. Dapat siyang magtulog- tulugan. d. Lalabas ng silid-aralan at hindi mananalangin. 2. Si Omar ay may ibang paniniwala kumpara kay Berto. Paano maipakikita ni Berto na nirerespeto niya ang paniniwala ni Omar? a. Sa pagkakaroon ng walang pakialam kung siya ay nananalangin. b. Sa pagtawa habang siya ay nananalangin. c. Sa pagiging magalang tuwing siya ay nananalangin. d. Guguluhin niya ang pananalangin ni Omar. 3. Si Petra ay gutom na gutom na ngunit kailangan muna nilang manalangin bago kumain. Ano ang dapat gawin ni Petra? a. Umiyak dahil hindi magawa ang kaniyang gusto. b. Tiisin nang kaunti ang kaniyang gutom hanggang sa matapos manalangin. c. Kumain na agad. d. Mag picture ng pagkain habang nananalangin. Pangkat 2
1. Ano ang inyong naramdaman nang sumali kayo sa ating gawain? 2. Bakit mahalaga ang maging masunurin sa pamilya?
1. Ano ang inyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain? Ano ang natutuhan mo sa aralin? 2.Bakit mahalaga ang pagiging masunurin sa ating pamilya? 3.Paano natin ipakikita at ipadadama na mahal at iginagalang natin ang ating pamilya?
Piliin ang letrang A kung tama at B kung mali ang nasa pangungusap at isulat ito sa iyong kuwaderno.
1.Si Melgar ay tumatawa tuwing nananalangin si Mohammad. B
2.Si Ruth ay tahimik at mataimtim na nananalangin kasama ang kaniyang pamilya. A
3.Iginagalang ni Lira ang iba’t ibang paniniwala ng kaniyang mga kamag-aral. A
4.Iginagalang ni Lira ang iba’t ibang paniniwala ng kaniyang mga kamag-aral. B
5.Si Maribel ay magalang sa mga taong iba ang paraan ng pananampalataya. A
Piliin ang letrang A kung tama at B kung mali ang nasa pangungusap at isulat ito sa iyong kuwaderno. ____1.Si Melgar ay tumatawa tuwing nananalangin si Mohammad. ____2. Si Ruth ay tahimik at mataimtim na nananalangin kasama ang kaniyang pamilya . ____3. Iginagalang ni Lira ang iba’t ibang paniniwala ng kaniyang mga kamag-aral. ____4. Inaasar ni Leo ang ibang relihiyon. ____5. Si Maribel ay magalang sa mga taong iba ang paraan ng pananampalataya.
Day 2
Bago tayo magsimula sa aralin, makinig kayo sa kuwentong aking babasahin.
Si Jacob at Joseph ay magpinsan. Parehas na may paniniwala ang kanilang pamilya ngunit hindi iisa ang kanilang relihiyon. Isang araw, bumisita si Joseph kina Jacob at naabutin niyang silang nanalangin. Bilang pag- galang, huminto si Joseph at nanatiling tahimik hanggang sa matapos sa pananalangin sina Jacob.
1. Ano ang relasyon nina Joseph at Jacob? 2. Ano ang ipinakitang katangian ni Joseph nang siya ay bumisita? 3. Kagaya ka ba ni Joseph? 4. Alam nina Joseph at Jacob ang kahalagahan ng paniniwala. Ikaw rin ba? 5. Sina Joseph at Jacob ay masunurin. 6. Ikaw rin ba ay masunurin sa iyong pamilya?
Tayo ngayon ay maglalaro. Ang pamagat ng ating laro ay Masunurin Ako! Panuto sa gagawin: Una , magtatanong ako. Ikalawa , Kung sino ang tinutukoy nito ay itataas ang kamay.
1. Sino ang mabait na anak dito? 2. Paano maging mabait na anak? 3. Paano maging masunurin sa magulang?
Narito ang ilang mga salita. Ating basahin at unawain ang mga ito:
Isang magandang kaugalian sa pagsunod sa mga bilin o payo at batas. masunurin
Magkakaiba- iba man ang ating paniniwala o gawaing panrelihiyon kinakailangan natin na igalang ang bawat isa. Ito ay tanda ng pagmamahal at pagkamasunurin. paniniwala
Suriin Mo! Basahin at unawain.
Si Walter at ang Kaniyang Pananampalataya Si Walter ay mabait na anak dahil mababait ang kaniyang mga magulang. Nakikita ito sa kanilang mga kilos at salita. Gusto ni Walter na maging kagaya nila kung kaya tuwing sila ay nananalangin, sinisigurado ni Walter na taimtim rin siyang nananalangin. Tinitingala at iginagalang niya ang kaniyang magulang sapagkat kahanga-hanga sila.
1. Sino ang mabait na anak sa kwento? 2. Ano ang katangiang taglay ng kanyang mga magulang na kaniyang tinutularan? 3. Ano ang ginawa ng niya tuwing nanalangin? 4. Bakit tinitingala at iginagalang ang kanyang mga magulan? 5. Ang pagiging masunurin sa magulang ay mahalagang mabuting asal. 6. Masunurin ka bang bata? Bakit at paano?
1.Ikaw ba ay masunurin? Paano mo maipapakita ang pagiging masunurin? 2.Anong paniniwala ang ginagawa niyo sa bahay? 3.Tinuruan ka ba ng iyong magulang paano? 4.Dapat bang igalang ang paniniwala ng bawat tao?
5.Ano ang inyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain? 6.Ano-ano ang natutuhan mo sa ating isinagawang gawain kung saan natukoy mo ang kahalagahan ng pagiging masunurin? 7.Bakit mahalaga ang pagiging masunurin sa magulang? 8.Paano mapananatili ang maayos na relasyon sa iyong magulang?
Bilugan ang letra ng batanag nagpapakita ng pagiging masunurin. a. Si Noy na sumunod sa sabi ng kaniyang nanay na mag-igib ng tubig. b. Si Ren ay nagtago para makaiwas sa gawaing- bahay. c. Si Gel ay masayang sumunod sa hiling ng kaniyang tatay na magdilig ng halaman. d. Si Mon ay pumunta sa pook dalanginan sa araw ng kanilang pagsamba. e. Ang pamilya ni Tina ay s ama samang nananalangin.
Punan ng angkop na letra sa patlang para mabuo ang salita na tinutukoy ng pangungusap. 1. Mahalaga ang pagiging masunur__n . i
Punan ng angkop na letra sa patlang para mabuo ang salita na tinutukoy ng pangungusap. 2. Huwag maging pasa__ay sa magulang. w
Punan ng angkop na letra sa patlang para mabuo ang salita na tinutukoy ng pangungusap. 3. Laging sumunod sa magu__ang. l
1. Ano ang inyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain? 2. Ano-ano ang natutuhan mo sa ating isinagawang pagbuo ng mga salita? 3. Bakit mahalaga ang pagiging masunurin?
Pagsunod sa mabuting ehemplong ipinakikita ng pamilya. May kabutihang maidudulot ng pagiging masunurin sa magulang o nakatatanda. Isang magandang pag-uugali ang pagbibigay-galang sa paniniwala ng iba. Tandaan
Piliin ang masayang mukha kung tama ang pahayag at malungkot na mukha naman kung mali.
1. Si Katkat ay masunurin sa kaibigan ngunit hindi sa magulang.
2.Si Obet ay iginagalang ang paniniwala ng iba.
3.Si Jobel ay tumatawa kapag nananalangin ang kaniyang mga kapatid.
4.Si Lilibeth ay tinuruang maging masunurin ng kaniyang magulang.
5.Ang pagiging masunurin sa magulang ay mahalaga.
Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman kung mali. _____1.Si Katkat ay masunurin sa kaibigan ngunit hindi sa magulang. _____2. Si Obet ay iginagalang ang paniniwala ng iba. _____3. Si Jobel ay tumatawa kapag nananalangin ang kaniyang mga kapatid. _____4. Si Lilibeth ay tinuruang maging masunurin ng kaniyang magulang. _____5. Ang pagiging masunurin sa magulang ay mahalaga.
Day 3
Sila ay araw-araw nananalangin nang sama-sama. Mataimtim nila itong ginagawa. Tinuruan ng magulang ang kanilang mga anak na maging magalang kapag may nananalangin sa kanilang kapaligiran. Masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang.
Ngayon, tayo ay maglalaro. Ang pamagat ng ating laro ay: Matalinong Pagsunod! Narito ang mga panuto na dapat sundin: Una , magtatanong ako. Kung sino ang tinutukoy nito ay itataas ang kamay.
Sino sa inyo ang masunurin sa magulang ?
1.Sino-sino ang masunurin sa ating klase? 2.Sino-sino ang pinag-iisipan muna ang gagawin bago sundin ang sinasabi ng iba? 3.Sino-sino ang tinuruang manalangin ng kanilang pamilya? 4.Sino-sino ang tinuturuan ng kanilang nanay o tatay na maging magalang sa paniniwala ng iba? 5.Sino-sino ang tinuturuan ng kanilang nanay o tatay na manalangin nang taimtim kapag oras ng panalangin?
Narito ang ilang mga salita. Ating basahin at unawain ang mga ito:
Isang magandang kaugalian sa pagsunod sa mga bilin o payo at batas. masunurin
Magkakaiba- iba man ang ating paniniwala o gawaing panrelihiyon kinakailangan natin na igalang ang bawat isa. Ito ay tanda ng pagmamahal at pagkamasunurin. paniniwala
1.Ang pamilya ay mahalaga para kayo ay magabayan sa pagiging masunurin. Tulad niyo, kayo ay mayroong pamilya. Tinuturuan ba nila kayong maging masunurin? 2.Sa ating pamilya, tayo ay natututong magbigay galang sa paniniwala ng iba. Ganito ba kayo sa inyong pamilya? 3.Dahil sa turo ng ating magulang at pamilya, tayo ay naghahangad na sumunod sa kanilang magandang turo. Paano niyo maipapakita na kayo ay masunurin sa iyong pamilya? 4.Dahil sa turo ng ating mga kapamilya, tayo rin ay nagnanais na maging kagaya nila. Ano pa ang gusto mong matutuhan mula sa kanila? 5.Ang pagiging masunurin ay susi sa magandang samahan sa pamilya at kapuwa. Kayo, natutunan niyo na ba ito?
1. Kung ikaw ay dumaan sa grupo ng mag-aaral na nananalangin, ano ang dapat mong gawin? 2. Kung ikaw ay inaya ng iyong nanay na manalangin, ano ang gagawin mo? 3. Kung ikaw ay napadaan sa mga tumatawa habang may nananalangin, ano ang tamang gawin?
Bilugan ang letra na nagpapakita ng taong nagpapakita ng pagiging masunurin sa magulang at magalang sa pananalangin ng sariling pamilya o iba. a. Si Ben ay sumunod sa sabay-sabay na pananalangin ng pamilya. b. Si Ken ay nagwawala dahil ayaw sumunod sa c. Si Len ay masayang sumunod sa hiling ng kaniyang nanay na maghugas ng plato. d. Si Pol ay inuutusang magtulak ng wheelchair ng kanyang kapatid papunta sa simbahan. e. Si Troy ay sinasaway ng kanilang magulang sa pook dalanginan.
Punan ng angkop na letra sa patlang para mabuo ang salita na tinutukoy ng pangungusap. 1.Hindi wasto ang pagta__a kung may nananalangin. w
Punan ng angkop na letra sa patlang para mabuo ang salita na tinutukoy ng pangungusap. 2.Maging m__galang sa paniniwala ng iba. a
Punan ng angkop na letra sa patlang para mabuo ang salita na tinutukoy ng pangungusap. 3. Hindi wasto ang pag-iing__y kung may nananalangin. a
Ang pagiging masunurin sa magulang ay mahalaga. Tandaan
Iguhit sa iyong kuwaderno ang hugis bilog kung tama ang pahayag at hugis kahon kung mali. ____1.Si Mel ay madalas tumatawa kapag may kaklaseng nananalangin. ____2. Si Jema ay magalang sa paniniwala ng iba. ____3. Si Olga ay pinapurihan ng kaniyang guro dahil masunurin siya sa mga panuto. ____4. Ang pagiging masunurin ay matibay na pundasyon ng samahan ng pamilya. ____5. Ang iyong mga samahan ay mapapabuti kung ikaw ay masunurin.
Day 4
Bago tayo magsimula sa aralin, makinig nang mabuti sa kuwentong aking babasahin.
Ang mag-asawang sina Ruben at Lita ay may tatlong anak na sina Lucas, Lito, at Lala. Tinuturuan nina Ruben at Lita ang kanilang mga anak ng tamang pananalangin. Dahil rito, alam ng magkakapatid ang tamang kilos kapag nananalangin. Masunurin ang magkakapatid sa kanilang magulang.
Tama ba ang ginawang pagtuturo nina Ruben at Lita sa kanilang mga anak? 2. Ano ang pangalan ng magkakapatid? 3. Dapat bang maging masunurin sa magulang? 4. Ano ang dapat gawin kung nananalangin? 5. Ano ang natutunan mo sa larangan ng pagiging masunurin ayon sa kuwento?
Kayang-kaya kong maging masunurin! 1. Masaya ako sa aking kabaitang turo ng magulang. Ako ay si _______(Hihilingin sa mga bata na sabihin ang kanilang pangalan.) 2. Ako ay may mabuting magulang. Tinuruan nila ako na maging _______ . (Hihilingin sa mga bata na sabihin ang itinuro sa kanila.) 3. Masaya ang magulang kong tinuruan ako na maging magalang. 4. Ako ay may magulang na sina _______ (Hihilingin sa mga bata na sabihin ang pangalan ng magulang.)
Basahin ang maikling tula.
Batang Masunurin Ni J. Y. Monterola Ako si (Pangalan). Isang batang masunurin. Madalas napupuri, Dahil utos nila'y kay bilis kong sundin. Kapatid, nakakatanda o magulang. Sila'y sinusunod ko. Marapat na igalang. Dahil sila'y mahal ko.
1. Ano ang mensahe ng tula? 2. Batay sa tula, ano ang nais mong iparating sa inyong mga magulang? 3. Bakit tayo dapat maging masunurin?
Sa pagkakataong ito ay punan ang sumusunod na mga patlang. Ako ay si __________. Nais kong maging masunurin. Tinuturuan ako ni __________.(pamilya) na huwag maging suwail. Hindi matigas ang aking ulo sa aking magulang pamilya kahit kami ay may hindi napagkasunduan. Natutuwa akong maging masunurin sa labas at loob ng aming tahanan. .
Magkakaroon tayo ng gawain at ito mga panuto na iyong susundin. 1. Ako ay si _______ . 2. Hilig kong maging masunurin dahil turo ito ng aking _______. (pangalan ng pamilya) 3.Tinuturuan rin ako ni _______ (guro) na maging masunurin. 4.Hindi ako nakikipag-away kay _______ (kapatid/ kapamilya) dahil hindi matigas ang aking ulo. 5.Natutuwa akong maging masunurin sa _______ (lugar).
Kompletuhin ang mga pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ako ay si _________ . 2. Ako ay may paniniwala na _________ (relihiyon). 3-5. Iginagalang ko ang paniniwala ng iba gaya ng _________ (ibang relihiyon).
Day 5
Obserbahan ang larawan ? Ano ang kanilang ginagawa ?
Ano ang gagawin mo sa bawat sitwasyon ?
1.Nananalangin kayo bago magsimula ang klase ng may batang kinakausap ka.
2.May dalang laruan ang kapatid mo sa simbahan .
3.Bago matulog , ano ang nararapat mong gawin ?
4.May mga kaklaseng kang nagkukwentuhan sa pila habang nananalangin .
5.Tumatawa ang kapatid mo habang nagdarasal bago kumain .
Paano ang tamang pananalangin ?
1. Sino ang mga dapat manalangin ? 2. Kailan tayo dapat nagdarasal ? 3. Kasama mo ba ang iyong pamilya sa tuwing nananalangin ? 4. Madalas ka bang sumimba ? 5. Tuwing kailan?
Isulat sa limang daliri ng kamay ang magandang naidudulot ng panalangi sa bawat isa sa atin .
Gumawa ng isang panalangin bago matulog . Isulat ito sa inyong kuwaderno ?